Namanhid
Justice...
War...
Truth...
Peace...
I think all of those things are meant to be weaved together. Lahat ng iyon ay konektado.
Kung gusto mong makamit ang hustisya, kailangan mong ihanda ang sarili mo sa gyera. Hindi iyon matatapos. Hangga't nagpapatuloy ito, maaari kang masaktan, maubosan ng alas, at kung anu-ano pa. Ngunit, kung lalabas ang katotohanan, matatapos din ang gyera. At matapos mo makuha ang hustisya, magkakaroon ka na rin ng kapayapaan sa iyong sarili.
Ngunit, may mga taong umiiwas sa gyera. May nga taong gusto lang maging payapa.
Kinasusuklaman ko sila.
Mahigpit akong napakapit sa railings ng balkonahe habang nakatingin sa malayo.
I despise people who are a coward! Dahil sa sobra nilang ninais ang kapayapaan nila agad, wala na silang pakialam kung sino ang mapeperwisyo nila. Makasarili sila dahil ang pansariling kapakanan lang ang iniisip nila!
May mga tao talagang walang pakialam sa hustisya kaya iniiwasan nila ang gyera!
At, kahit alam nila ang totoo, hindi nila iyon sasabihin dahil takot silang madawit sa gulo. Gusto lamang nila ang pansarili nilang kapayapaan at kaligtasan.
Criminals are prisoned for committing a sin. But, no one got jailed for omitting Truth!
Biglang may humawak sa kamay ko. Sa isang kisap-mata ang isang kamay niya ay nakapirmi na sa aking baywang.
"Tsansing na'to," sabi ko sa kanya.
"Sino ba ang gusto mong patamaan kanina?" Tanong niya, pabulong.
"Kung sino ang natamaan kanina," sagot ko at kinuha ang braso niyang nakapulupot sa akin. "At, mag-nobyo ang ginagampanan natin hindi mag-asawa."
"They sound the same to me," Phil replied.
Umirap ako. "Alam mo bang pwede akong kasuhan dahil hindi pa kami annulled ng asawa ko at nakikita tayong naglalampungan?"
"As if Louis Taverna gets to sue you," he told me. "Hindi naman kayo kasal. You only borrowed his Credit Card to use for checking in to a hotel here. Para hindi malamang nandito ka, hindi ba? That's an initial plan, right?"
"It was useless, anyway," sabi ko. "Mukhang hindi naman sila nawindang na nandito ako maliban kay Sera."
Napatikhim lang si Raphael. Napatingin ako sa may gazebo ilang metro lang ang layo sa balkonahe. Naroon si Sera nakaupo at nakatingin sa amin.
"She likes you," I told him.
Umiling lang siya sa akin. "Paano mo nasabi?"
"She looks jealous," I told him.
Raphael's just scoffed. "She's like a sister to me, ever since."
Napasinghap ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng biglaang pagkirot sa puso.
"Kapatid lang ba, Phil?"
Tumingin ako sa kanya pero hindi niya ako tinitingnan balik.
"We both became lawyers because our fathers were lawyers. Matalino ka Phil kaya naging successful ka," sabi ko. "I'm under you and you thought me a lot which made me boom in my career, too. Pero kung tutuusin, naging abogado ako dahil masyado kong dinamdam ang pagkamit ng hustisya hindi lang para kay Daddy pero para rin sa ibang tao. See what I mean, Phil?"
Umiling siya. "You're a very deep person, Fajline."
Umirap ako. "Manhid ka nga," sabi ko na lang. "Tell me, Phil. Nakaramdam ka rin ba ng awa sa mga kliyente mo?"
Tumingin lang siya sa akin. Hindi makasagot. His eyes said no emotions.
Kaya sinasabing isang misteryosong nilalang si Raphael Vernan. You can't see his emotions. You can't know the way he thinks!
Kahit ano'ng titig mo sa mga mata niya, malulunod at mawawala ka na lang sa maiitim na balintataw niya.
And, how funny!
He has no ardent passion whatsoever! Ngunit, parang magnet na nakakaakit pagdating sa mga babae.
Nagtiim-baga ako. "Tinanggap mo ako sa Vernan Law Firm. Kung hindi awa ang naging rason bakit tinanggap mo pa ako?"
"I admit I never been a merciful man, Fajline," he began to speak. "Tinanggap kita dahil naniniwala ako sa'yo at may potential. You have something that will contribute a lot to my firm."
Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ako ngumiti. Kusa lang iyung gumuhit sa mukha ko.
Parang isang biro kasi ang lahat! Napakagat ako ng labi. I bit it hard to suppress my laughter.
Shit! Pakiramdam ko mababaliw na ako!
Oh, dammit! Raphael's words...
He sounded like a heartless business tycoon than a reputed lawyer!
Maraming abogada at sekretaryang nagkakakandarapa para makapasok sa firm niya. Lahat nang nakapagtrabaho roon lubos siyang hinahangaan.
If he said those in front of all of them, it will shatter their hearts!
"What do you think of your father's death?" Sabi ko. "Honestly."
He was the only son who did not attend every trial to imprison my father and to get the justice for his father's death.
"Ikaw na rin nagsabi, manhid ako," sabi niya.
Parang sumanting ang ugat sa ulo ko sa narinig ko.
"Kung wala ka palang nararamdaman, may pakialam ka rin ba kung makukuha ko ang hustisya?" Tanong ko.
"Kaya nga ako namanhid, Fajline," aniya. Ang boses niya malalim at malungkot. "Kung hahayaan kong pangunahan ako ng nararamdaman ko, kung bibigyan ko ng pansin ang damdamin ko, paano ko makukuha ang hustisya para sa ama ko?"
🥀

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...