Chapter 48

904 31 4
                                    

No Time

"May balita na ba tungkol kay Leander Dilaurentis?" Bungad ko kaagad.

Kakalabas ko lamang sa ospital at wala na ring sakit sa kahit anong parte ng katawan ko. I believe I'm well already.

"Fajline?" Gulat na napalingon sa akin si Miguel Vernan. Bahagyang nanlaki ang labi niya at napaawang ang kanyang labi.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Nagtataka ako bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya. He looks anxious and he failed to hide it.

"Bakit tila nagulat ka, Miguel?" Tanong ko, nagtataka.

He licked his lips and averted his gaze. Tinaas ko ang kilay ko. Hinintay ko siyang makapagsalita.

"Hindi ko inasahang lalabas ka kaagad ng ospital," aniya. Napahalukipkip siya nang muli siyang nakabawi. "Sabi ni Raphael, nabalian ka sa tadyang. I hope it's nothing serious."

"Nakausap ko naman ang doctor, I'm fine," sabi ko. Inilipat ko ang aking bag sa kabilang braso ko. "Miguel, may itatanong ako."

"What is it?" He asked.

"Do you have any updates on Serafina Dilaurentis?"

Mariin akong tinitigan ni Miguel. Ang kanyang noo ay bahagyang nakakunot. Hindi siya agad sumagot.

Napahalukipkip ako at matama siyang tiningnan. "Miguel?"

"Sera and I are not communicating anymore," he replied. "Ni hindi ko siya ma-contact."

Napatiim-baga ako. Nothing useful.

I'm not totally convinced with him. He looks less confident. Pakiramdam ko nga ay parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya pa maaaring sabihin.

Napasulyap ako sa kanya.

I decided to insist no more.

"Although, the last time we saw her was during the fire in Brgy. Rima," he added.

Ibig sabihin nandoon nga siya? She's really not bluffing about her whereabouts. Ngunit, hindi pa rin maliwanag ang motibo niya.

"Sinubukan naming habulin siya ngunit dahil maraming tao at naging magulo na, hindi namin siya naabutan," paliwanag ni Miguel.

Napaisip ako. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko. "Ayon kay Phil, baka kasama iyon sa plano nina Leander. They want me to lure me in that place so they can do harm me."

Nagkatinginan kami ni Miguel. Gusto kong makuha ang hinuha niya tulad ng kagustuhan niya ring makuha ang kutob ko. Ngunit wala sa aming nangahas magsalita.

Sa huli ay napailing si Miguel. "If they want you there, I don't think they'd involve Sera to carry out their plan."

Hindi ko mapigilang hindi magtaka habang tinitingnan ang ekspresyon ni Miguel. I don't know if he's just trying to cover Sera but he has a point.

Panigurado, damay na si Sera sa pagtago nila ng katotohanan ngunit wala siyang kinalaman.

Walang lead. Kailangang mas pag-igihan pa ang imbestigasyon.

"Miguel, Fajline..." Pareho kaming napalingon ni Miguel sa kakarating na Raphael.

Agad na tumuon ang tingin ni Raphael sa akin. Ang kanyang mga tingin ay malagkit at seryoso. Nabigla ako nang hinapit niya ang aking baywang.

Napahawak ako sa kamay niyang nasa aking baywang na dahan-dahang gumagapang pataas. Gusto kong tanggalin iyon ngunit hindi ko magawa.

Phil's stubborn!

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon