Chapter 25

812 31 5
                                    

Supposed Assassination?

"Kung hahayaan kong pangunahan ako ng nararamdaman ko, kung bibigyan ko ng pansin ang damdamin ko, paano ko makukuha ang hustisya para sa ama ko?"

Halos magpagulong-gulong ako sa kama.

Masyadong pa-cool itong si Phil! Masyadong pa-cool!

At, ngayon, hindi na ako makatulog kakaisip sa kanya. Inilibing ko ang mukha ko sa unan at napasigaw.

Magkakabreak-out na ako nito dahil hindi ako nakatulog sa saktong oras!

Isa talaga 'to sa ayaw na ayaw ko!

... ang hindi makatulog!

I gave up on trying to sleep, already! Kahit ipikit ko ang mga mata ko at magdasal ng rosaryo nang paulit-paulit, hindi ako makatulog. Tuwing pipikit ako, si Raphael lang nakikita ko at lahat ng panlalandi niya sa akin!

Bwiset!

Napaupo ako sa kama. Ang magulo ko nang buhok ay mas ginulo ko pa lalo.

Focus on your aims, Fajline!

Tatay mo ang isipin mo. Paraan para mapagbayaran ng Dilaurentis ang krimen niya ang dapat dahilan kung bakit hindi ka makatulog sa gabi.

Hindi si Raphael!

Alas dos na nang umaga. Hindi ako makatulog. Naririnig ko na ang tunog ng tyan ko.

I think I need a snack.

Binuksan ko ang maliit na fridge sa suite. Mayroong biscuits doon at lata ng juice.

Kumuha ako roon at bumalik sa kama. Inilatag ko ang mga pagkain sa bedside table. Binuksan ko ang laptop ko. I think I'll read some pdf regarding some of the cases I'm holding.

Halos mapatakbo ako nang tumunog ang phone ko.

Napalingon ako sa phone ko na umiilaw na ang screen. Napahawak ako sa dibdib ko. Sa sobrang gulat naghurumentado ang puso ko.

I stretched my arms and reached for my phone.

Raphael calling...

Ano 'to? Hatinggabi tumatawag?

I tapped on the green icon to answer his call.

"Phil..."

"I can't sleep," bungad niya.

Pareho lang pala kami!

"I'm sorry I disturbed you, Fajline," he said.

"Okay lang. Bakit? Ano ba 'yon?" Tanong ko.

"Just making sure that you're okay," he told me. "Nasa puder ka pa rin ng mga Dilaurentis."

Umangat ang labi ko. Hindi ko namalayang, ngumingiti na pala ako.

"I don't think they'll try to stain their place with my blood," I told him, confidently. "Siya nga pala, paano ang pag-uusap niyo ni Domingo de Castro?"

During our stay in the Dilaurentis's mansion, I can only interact with Domingo de Castro as minimal as possible. Una, dahil masyadong kinakain ni Leander ang oras ko roon. Pangalawa, kung ipipilit kong makipaglapit sa kanya, halatang-halata na ako. It will take me a lot of time.

And, I cannot spare every tick of a second! Kaya si Phil ang gumagawa 'nun para sa akin.

"He's a bit cautious with his words when we talked." Iyon lang ang sabi ni Phil.

Napasinghap ako.

"I can't talk to him alone. Lysandro and Alaine is always around us," Phil added.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon