The Gift
"Still negative, Fajline," sabi ni Attorney Taverna.
"Hindi pwede. Check mo ulit. Re-run it again, please," sabi ko sa kanya.
"Pangatlo na 'to, Fajline. Kahit ipaulit natin nang ipaulit ang test, negative pa rin ang resulta."
Napairap ako at nagtiim-baga. Hindi! I need to use anything against the Dilaurentis! Napailing ako sa sarili. Hindi naman kasi ito katanggap-tanggap!
"Aatras ka na ba, Fajline?" Tanong ni Attorney.
"My intuitions have always been accurate, Attorney," I said, confidently. "I can prove that."
I have won cases not just with logic but also my guts.
Napailing sa akin ang nakakatanda sa aking abogado. "Hindi ka pa rin ba aatras?"
Seryoso ko siyang tiningan. Buong-buo na ang isip ko simula't sapul na papanindigan kong hindi si Daddy ang nasa likod nito. May father was just a scapegoat and Simeon Vernan was the collateral damage.
"Ano'ng gusto mong gawin ko, Fajline?"
He was always there. Nasanay na yata sa parati kong pagtawag sa kanya kapag may kailangan na.
Ngunit, ngayon, natapos ko na rin ang abogasya, nakapasa ako sa BAR exam at nakapasok ako sa pinakasikat at respetadong law firm sa bansa.
As of now, I won't need much of his help.
Matipid na ngiti ang ipinaunlak ko sa kanya. "Pag-iisipan ko pa ang susunod na plano ko, Attorney. I'll let you know if I'll be needing you. Thank you.
I extended my hands for a handshake.
He did not refuse my offer. "Of course, Fajline." Our meeting ended with a formal and simple handshake.
Paglabas ko ng office ni Attorney Taverna at pagkasakay ko nang kotse agad kong binuksan ang phone ko.
I dialed a number. May ilang ring iyon bago may nakasagot.
"Hello, Attorney Salvani," aniya sa mababang tono ng boses.
"I want to meet you, may ipapagawa ako sa'yo," sabi ko.
"Sige po, Attorney. Kailan?" Aniya.
"I'll text you the details. Ngayon, I need to confirm some information," sabi ko.
"Opo, Attorney Salvani," sabi niya.
"Don't drop this to Phil, understood? This will remain confidential," sabi ko.
"Yes, Attorney," sabi niya.
The phone call ended.
If its not Lysandro, then it can be a relative or someone under his protection. Anyone can be the mastermind. Everyone is a suspect.
Hindi ko palalampasin kahit ang pinakamabait sa pamilya nila.
"Saan ka na naman nagsususuot, Fajline?" Tanong ni Phil.
Pagbalik na pagbalik ko sa firm ay agad niya akong hinila at dinala sa kanyang opisina.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang isinara at ini-lock niya ang pinto.
"Hindi ko kailangang sabihin lahat ng gagawin ko sa'yo, Phil," sabi ko.
"You're my responsibility, Fajline," sabi niya.
"I'm an adult, Phil!" Mariin akong napapikit. "I am responsible for myself. Kung gusto kong pakialaman mo ang buhay ko, sasabihin ko naman sa iyo eh!"

BINABASA MO ANG
Intrepid
RomansaAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...