Patay na Patay
"Phil!" I went to Phil quickly. Nandoon siya sa entrance ng mansion, naghihintay sa aming makabalik ni Leander.
Damn! He looks like a god standing by door. One of his hand slid inside his pocket as he waited for us. Para siyang diyos ng Olympus na nagbalat-kayo bilang tao. Ang kanyang madidilim na mga mata ay malagkit na nakapirmi sa akin habang ang maninipis niyang labi ay nagpipigil ng ngiti. Nakasuot siya ng puting polo na bukas pa ang unang dalawang butones nito. As if enticing women by showing a little of his perfectly sculpted chest. Nakasuot din siya ng khaki shorts at kula kapeng huruache sandals. Nang pumirme ang mata ko sa kanyang mga binte, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Why does his damn muscular legs have to look that firm and strong? It's a bit attractive.
Ano ba ang pinagiisip mo, Fajline?
Natigilan ako. Bakit ako parang batang nagmamadali? Hindi naman kailangang umastang patay na patay kay Phil, hindi ba?
"Ba't natigilan ka?" Tumulis ang labi ni Phil.
Dahil hindi ko alam ang susunod na gagawin! Sumimangot ako sa kanya at umirap.
Agad niyang pinagsalikop ang aming kamay at hinalikan ako sa noo. "Okay ka lang ba?" Bulong niya nang malambing sa tainga ko.
Hindi ko pa naman nakakalimutan na ang lahat ng ito ay pawang kasinungalingan lamang. Ngunit, bakit biglang naghurumentado ang puso ko? Nanindig ang balahibo ko ng bumulong siya sa akin. It made my fucking sensory nerves excited!
Napatango ako. "Wala siyang ginawang masama, Phil," sagot ko. Kahit boses ko nagtunog malambing.
"Sorry, Phil," ani Leander. "Kailangan kong hiramin si Fajline."
We suddenly heard footsteps. It was Miguel.
"Ano'ng kasinungalingan naman ang sinabi mo kay Fajline para sumunod siya sa'yo?" May kasupladuhan sa pagtatanong ni Miguel.
"Phil was preparing for a surprise and I was told to fetch her," Leander replied, truthfully. "But, no harm was intended for my lie."
"He just came out of his way to show me something, Phil," I added.
"Ano'ng pinakita niya?" Tanong ni Miguel. Halatang nanggagatong lang para manggulo!
"Tahum," sabi ko. "Pinanatili nila ang isang project ng ama nating dalawa."
"He wasn't really lying..." Phil said.
Mayroon sa kanyang mga titig na maski ako hindi ko rin mailarawan. His eyes seems to pierce through Leander's soul like a predator watching his next prey or... his competition?
And as if claiming his territory, his hands snaked around my waist.
Nakakaramdam na ako ng mabigat na tensyon.
"Ano'ng pinagsasabi mo, Phil?" Sabi ko.
Bahagyang yumuko si Phil upang maglebel ang aming mga tingin.
"I actually prepared a surprise for you tonight," mahinahon niyang sinabi at matipid na ngumiti. Ngayon ang mga titig niyang kay lagkit at kay panganib ay nasa akin na.
"Talaga?" Sinasakyan ko lang kasinungalingan niya. Bakit ba ngayong araw sakay nang sakay lang ako sa mga kasinungalingan nila?
"Yes. In a suite room, we can spend the night together there," he whispered in my ears. It wasn't even a whisper. I'm sure he made Leander hear his words very clearly.
Dammit! Nang-aakit ba ang lalakeng ito? Lintek!
Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng init sa pisngi, tainga at leeg ko. Parang nalaglag ang puso ko sa sinabi niya.
Napatikhim naman si Leander. He shamelessly glared at Raphael.
Alam kong nagsisinungaling siya pero parang totoo kasi.
Kitang-kita ko ang ngisi ni Miguel sa tabi. Halatang naaliw sa pinanonood niya. Akala niya naman teleserye ang nasasaksihan niya.
Biglang sumulpot si Sera kaya agad kong tinulak si Phil.
My gosh! Umaapaw ang hiya ko sa sarili! Halos ipakain ko na ang sarili ko sa lupa sa hiya!
Halatang nagtataka si Sera sa nangyari bago lang. Napatayo siya ng tuwid at pinagsalikop ang kanyang kamay.
"Halina kayo, naghihintay na sila sa inyo," sabi niya at tumalikod. She was wearing a white and flowy maxi dress. Serafina has been always a conservative yet sophisticated one.
Naunang sumunod si Leander at Miguel kay Sera. Nahuli namin kami ni Phil.
Napasinghap ako. Parang nabunutan ako ng tinik. Ilang metro na ang layo nila at hinampas ko ang braso ni Phil. Hindi ko na kailangang magpanggap.
Tiningnan niya lang ako at inangat ang balikat tila hindi alam kung bakit ko siya hinampas.
"Suite? Talaga?!" Pagputok ng butsi ko.
"Wala akong maisip," sagot niya. Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka ba sa suot mo?"
"Bakit?"
"It's backless. Baka magkapulmonya ka niyan," komento niya.
Pinandilatan ko siya. "I believe I dress appropriately for the beach. Isa pa hindi ko naman inasahang magkikita tayo at makikisalo ako sa mga Dilaurentis. I could have brought something more formal if I had known!" I reasoned to defend myself.
Pareho kaming saglit na tumigil sa paglalakad.
Siya na ang napahalukipkip. Kinagat niya ang labi niya at matama akong tiningnan.
Bakit ang lagkit ng titig niya ngayon? "What was your plan then? Attract more men as possible in the beach? Kaya ba pumunta ka rito at iniwan ang trabaho mo, Fajline?"
"Ano bang gusto mo, Phil? Magpakalosyang ako?" Umirap ako at umiwas ng tingin. "You should be happy, I dressed for a lover!" I muttered, furiously.
He pulled me. Nilingon ko siya at bahagyang napaatras nang napagtanto kong naging masyadong malapit na ang aming mga mukha.
"I only said to act in love and look my way, Fajline," Phil said. His face was centimeters close to mine. His breath already brushing my lips as he speaks. "I did not tell you to try and seduce me."
Matapos marinig iyon at natawa ako. "I thought you can't be seduced?" Nakabawi na ako. "Ano'ng nangyari sa sinabi mong 'I don't see women as just a material. I respect them as humans, Fajline. Ibahin mo ako'?"
Oh, yes! I remember it very much!
Hindi niya inalis ang malamig niyang mga titig sa akin. Mas lalo akong hindi nagpatinag. "Lalake ka pa rin," sabi ko.
Imbes na mapikon siya ay nakita ko ang pag-angat ng labi niya at ngumiti.
"I know, Fajline," he said, cooly. "I just think you went overboard trying to impress me. Patay na patay ka nga talaga sa akin."
Bwiset!
"Halika na," aniya at hinapit ang aking baywang. "Baka magtaka silang wala pa tayo."
Marahan niya akong iginiya papuntang dining room.
Masakit ko siyang tinitigan. Matalino nga ang mokong na 'to! He just turned the tables that quick!
🥀
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceAn Arcella Series Fajline Dianarra Salvani Matalino, matapang at matapat na abogado. She is an exceptional and has been praised for her achievement even at a young age. She has even able to get the attention of the mysterious Raphael Ignatius Verna...