Introduction

10.6K 208 35
                                    

Good evening! Or should i say good morning? Anyways before anything else i would like to introduce myself.

Im Kenneth john fernando the author of this tale. By this time i already turned 25 most people say i look like 20 but nevermind haha..

I know it will take a while before i publish this story because im a little bit busy right now. It will take time to create a cover or i'll never know if i will have an extra time to finish this tale.. But because i really want to share this story... I know i'll find a way.

Wondering where i am busy? Hmm just put it simply that i need to become a store regular because im tired of finding a new job every five months..

Haha enough of myself and here's the prologue.

PROLOGUE

GALFIA.

Ito ang Galfia isang mundo kung saan malayang nagsasama ang mga elemental,espiritwal halimaw at tao. Noong unang panahon pagkatapos likhain ng mga diyos ang Galfia ang mga nilalang sa mundo ay mabilis na umunlad.

Natuklasan din ng tao ang mahika.

Nakalikha na din ng mga armas ang mga tao. Di nag tagal ay nangyari na ang kinatatakutan ng mga diyos. Ang pagiging sobrang talino ng tao.

At alam nila na kasunod na ng pag unlad ay kasakiman. Bumuo ng alyansa ang mga tao upang simulan ang unang digmaan laban sa mga elemental espiritwal at sa mga halimaw.

Tinawag itong Galfian Alliance.

Binuo nila ang alyansang ito upang sakupin ang mundo. Nalaman ito ng mga Elemental. Nangamba sila na matalo dahil lubhang lumakas ang pwersa ng mga tao.

Napagpasyahan ng konseho ng mga Elemental na makipag sanib pwersa sa mga halimaw nang sa ganon ay may pantapat na sila sa lakas ng tao.

Binuo nila ang alyansa ng mga Elemental at Halimaw.

Tinawag nila itong Nazul Vergatt.

Dumating na ang araw ng labanan.

Ginamit ng mga tao ang pinaka malalakas nilang sandata at mahika. Sinandalan din ng tao ang teknolohiya upang gumawa ng mga lumilipad na barko. Nang sa gayon ay madali nilang malusob ang bawat kuta at bawat kaharian na ka alyansa ng Nazul Vergatt.

Lumaganap sa buong mundo ang nasabing digmaan. Hanggang nakarating ito sa mga Espiritwal. Nag alala ang mga Vashro na malipol ng mga tao ang lahat ng nilalang na nilikha kaya sila ay nag sagawa ng ritwal upang makipag usap sa mga Deon. Ang Vashro ay isa sa mga lahi ng mga Espiritwal na nilalang. May kakayahan silang makipag usap sa mga diyos. Habang ang mga Deon naman ay tawag ng mga nilalang sa Galfia na diyos.

Nalaman ng mga Deon ang nagaganap na digmaan sa galfia. Ito na ang kinakatakot nila.. Ang walang humpay na labanan para sa paghahari sa mundo.

Kaya't napag pasyahan ng mga Deon na likhain ang isang uri ng tao na may kapangyarihan na tulad ng isang Deon.

Nilikha ng mga diyos ang mga Summoner. Taglay ang kapangyarihan na tawagin ang mga Aeons upang panatilihin ang balanse ng kapangyarihan sa mundo. Ang mga Aeons ay konsentrasyon ng isang elemento na nagkaroon ng buhay. Nahahati sila sa dalawang klase. Ang Solara at ang Noctraska. Ang mga Solaris Aeons ay mga aeon na nilikha sa pamamagitan ng liwanag at ang mga Noctral Aeons ay nilikha gamit ang dilim.

PROLOGUE 2:PLAINS OF END

Pumagitna ang mga Summoner sa digmaan. Binaliwala ng Galfian Alliance ang banta ng mga Summoner na maglulunsad ito ng malawakang pag atake kapag hindi tumigil ang mga tao sa pag atake sa mga Elemental at Halimaw. Ipinagpatuloy pa rin ng Galfian Alliance ang pag atake sa ibat ibang bansa sa buong mundo.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon