Chapter I

159 4 0
                                    


Eurydicé

"Psyche, bilisan mo naman, kanina pa naghihintay doon si Hestia eh" Saad ko kay Psyche na nagce cellphone lang. Well meet Psyche Conception, she has blonde hair, attractive eyes and white skin, boyish at mala maxpein ang katawan pero kinulang sa height ng konti, hehe.

Si Psyche yung pinaka close kong kaibigan dahil halos sabay kaming lumaki. Parang pinagdugtong dugtong na yung bituka namin sa sobrang close namin.

"Mamaya na yang ML mo" Saad kong muli sa kanya.

"Hayaan mo si Hestia doon, bahala na siya sa buhay niya, malaki na yun" Sabi ni Psyche na hindi man lang ako tinapunan ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Isusumbong kita kay Hestia" Mataray kong sabi at tumawa naman siya habang nasa cellphone parin ang tingin niya. Ewan ko ba sa babaeng yan, hindi siya nababangga sa kahit sinong taong nakakasalubong niya kahit na nasa cellphone niya ang atensyon niya.

Hanggang sa nakarating kami sa room ng matiwasay na hindi man lang bumabangga bangga ang babaeng nagngangalang Psyche Conception.

Pagpasok namin sa room ay agad kong nakita si Hestia na nakangiti sa amin, well meet Hestia Mateo, unlike Psyche, mas mataba si Hestia at mas kinulang siya ng height kesa kay Psyche, maganda rin naman si Hestia, katamtaman ang kulay ng kanyang balat.

Ilang saglit palang ay may pumasok, sabay kaming tatlo na napatingin sa bagong pumasok at agad nanlaki ang mga mata namin at nagkatinginan kami. Naupo yung lalake sa likuran namin. Sino nga ba siya?

Well..

Siya si Poseidon.

Ang first love ni Hestia.

At ni Artemis.



[Flashback]
Two years ago

May meeting ang mga teachers kaya konti lang ang nandito sa room namin.

"Dito muna ako makikitambay sa room niyo ah? boring doon sa amin eh" Saad ng bagong dating na si Artemis Guzman, normal lang ang kulay ng balat niya, may katangkaran, maganda, pointed na ilong at manipis na labi, ngunit siya naman ang pinakapayat sa amin.

Grade nine palang si Artemis habang grade ten naman kaming tatlo. Magkapit bahay kasi kaming tatlo ni Artemis at Psyche as in magkasunod sunod lang.

"Nandito ka nanaman" Pagtataray ko sa kanya pero syempre joke joke lang yun.

"Eh sa boring doon eh" Sabi ni Artemis.

"Wala ka bang kaibigan doon sa room niyo Artemis? don't get me wrong ha pero diba dapat mas makisama ka sa kaklase mo" Saad ni Psyche na hindi man lang tinapunan ng tingin si Artemis dahil naka focus ito sa kanyang cellphone habang naglalaro ng Mobile legends.

Awtomatikong tumaas ang kilay ni Artemis.

"Nakikisama naman ako sa kanila, eh sa mas gusto ko dito" Sabi ni Artemis. Tinignan ko si Artemis at binigyan ko ng meaning yung tingin ko.

Kakausapin ko sana si Artemis nang dumating si Hestia na may malapad na ngiti.

"Guess what?" Nakangising sabi ni Hestia at palihim akong napangiti.

"Hindi kami manghuhula, Hestia" Pagtataray ni Artemis kaya natawa ng mahina si Hestia. Lahat kami ay sanay na sa kamalditahan na taglay ni Artemis.

"Ano ang sasabihin mo?"Tanong ni Psyche.

"Napansin ako ni Poseidon kanina" Nakangiting saad ni Hestia kaya nagkatitigan kami ni Psyche at tinignan si Artemis na nakikinig sa kwento ni Hestia. Ako at si Psyche lang ang nakakaalam na may gusto rin si Artemis kay Poseidon.

Desisyon ni Artemis na huwag ipaalam kay Hestia na may gusto si Artemis kay Poseidon. Kahit na maldita ang babaeng yun, ayaw niya naman na magkaroon ng gap ang friendship niya kay Hestia.

Kumikislap ang mga mata si Hestia habang kinikwento niya kay Artemis kung paano siya napansin ni Poseidon.

Ako ang nasasaktan para kay Artemis.

[End]

Kawawa si Artemis no? past is past na pero malaki ang epekto noon sa friendship nilang dalawa lalong lalo na noong malaman ni Hestia na gusto rin ni Artemis si Poseidon.

At doon nagkagulo ang lahat. Pero hindi ko yun efa-flashback kasi wala ako sa posisyon para gawin ang flashback na yon.

Pumasok na yung teacher namin.

"Goodmorning everyone I'm Lara Hedeno at gusto kong magpakilala kayo ng isa isa, magsisimula sa Pangalan niyo, edad, hilig, talento at kasabihan tungkol sa pag ibig" Saad ng teacher namin. Dahil nasa bandang hulihan kami ay matagal tagal pa ang turn namin hanggang sa turn na si Hestia.

"Ako po si Hestia Mateo, 17, Mahilig akong kumanta, mag wattpad, at makinig ng music at talent ko po ang kumanta, Naniniwala ako sa kasabihan na ang pag ibig ay parang musika rin, minsan banayad sa pakiramdam, minsan wala sa tono" Sabi ni Hestia at umupo. Ang sunod naman na nagsalita ay si Psyche.

"I'm Psyche Conception, 18, mahilig akong magbasa ng wattpad at webcomics, makinig ng music at magsulat ng kwento, talent ko ang kumanta at mag paint, at ang kasabihan ko sa buhay ay; Love is one of the wonderful masterpiece that God had created" Sabi ni Psyche at naupo. Agad akong tumayo dahil ako na ang magpapakilala nang bumukas ang pintuan at my lumabas na lalake mula roon.

"Ma'am, pasensya na kung nalate ako" Sabi ng lalakeng bagong dating.

"Take your seat, at ayaw kong may nale late sa klase ko, maliwanag ba?"

"Yes ma'am"

Halo halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ang lalakeng kakapasok lamang. Nagtama ang aming mga mata at kahit siya ay nagulat rin na makita ako ngunit agad rin siyang nag iwas ng tingin at naupo sa likuran namin, magkatabi na sila ni Poseidon ngayon.

"Miss, magsalita kana" Sabi ng teacher namin kaya napalunok ako.

"A-ako si Eurydice Axis, 17, i love writing sad stories, reading wattpad, detective stuffs such as codes, cipher, cases and more. I love reading facts about the world, talent ko ang sumayaw at ang kasabihan ko sa pag ibig ay; Love is about being selfless, seeing your love once happy is what only matters, Even if it means seeing them happy with somebody else" Saad ko at naupo. Kinalma ko muna yung puso ko na malakas ang pagtibok.

Sana matapos na ang araw na ito.

***

Psyche's Pronounciation:
Say-ki

Eurydice's Pronounciation:
Yu-ri-di-si

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon