A/N: Away na dis.
Artemis
"Artemis, b-bakit mo ako--"
"Bakit tinatanong mo pa ha?! traydor ka! paano mo nagawa yun kay Eury?" Sigaw ko sa mismong pagmumukha niya nanginginig ang kanan kong kamay dahil sa sampal na ibinigay ko sa kanya.
"Alam mo? akala ko talaga ay tumigil ka na sa kabaliwan ninyo ni Orpheus kasi ginawa ko ang lahat para makonsensya ka ng kahit konti sa pinanggagawa niyo kay Eury" Dagdag ko, hindi ako makapaniwala na ipinagpatuloy pala ng dalawang to yung kalokohan nila.
Umawang ang labi ko nang sinampal niya rin ako pabalik.
"Artemis nagtagumpay ka! nakonsensya mo ako ng todo todo simula nang araw na nagkausap tayo sa balcony ng libray, gabi gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa mga pinagsasabi mo--"
"Totoo naman yung sinabi ko sayo ah! at tsaka bagay lang sayo na hindi ka patulugin ng konsensya mo kasi alam mo?..."Sabi ko at at naghabol hininga dahil kanina pa kami nagsigawan kahit pa nakakaagaw na kami ng atensyon ng ibang tao na pinagtitinginan kami kapag dumadaan sila pero wala akong paki.
"Ikaw ang pinakawalang kwentang kaibigan na nakilala ko!" Sigaw ko sa kanya pero hindi siya nagpatalo.
"Artemis nagmahal lang ako! kasalanan ko bang mahalin ang taong gusto ng kaibigan ko--" Isang sampal na galing sa akin ang pumutol sa mga sinasabi niya.
"May isip ka nga Hestia, sinira mo ang Oath natin at alam kong kaya mong pigilan ang nararamdaman mo!" Sigaw ko at hinawakan ang magkabilang braso niya at niyugyog yun, hindi ako makapaniwala sa idinahilan niya.
"Artemis sinubukan ko! maniwala ka sinubukan ko pero hindi ko talaga kinaya" Sagot ni Hestia sa akin kaya mas lalo akong nagalit. Pilit kong binitawan siya dahil hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa babaeng 'to.
"Dapat sinaksak mo sa maliit at matigas mong kokote na kaya mo at kakayanin mo para kay Eury! Alam kong kaya mong pigilan ang nararamdaman mo kung iisipin mong ang lahat ng ito ay para kay Eury!" Singhal ko sa kanya, hindi ko na talaga kaya pigilan ang galit ko sa babaeng to.
"Dahil kung mas importante sayo ang pagkakaibigan kaysa sa pag iibigan, uunahin mo ang pagkakaibigan mo kay Eury kasya ang pagmamahal mo kay Orpheus" Sabi ko at nakita ko namang napapikit sa inis si Hestia.
"Pero ang sabi ni Eury ay hayaan ko na raw siya at ang gawin ko nalang ay mahalin si Orpheus!" Sigaw ni Hestia sa akin kaya halos malaglag ang panga ko dahil hindi ako makapaniwala sa katangahang taglay niya.
"Ano pa ba ang kinakainis mo sa akin ha Artemis? si Eury na mismo ang nagsabi sa akin na huwag ko na siyang isipin at ang mahalaga ay masaya ako, selfish na kung selfish pero ganon naman talaga sa pag ibig diba? minsan kailangan mong maging selfish" Nakaawang ang bibig ko at nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinagot.
"Hindi ganon ang pag ibig Hestia! dahil kahit kailan ay hindi naging makasarili ang pag ibig! at dahil sa sagot mong yan ay pinatunayan mo lang sa akin na mas mahalaga sayo ang pag ibig mong yan kay Orpheus kasya sa pagkakaibigan at pagsasamahan niyo ni Eury, kaya tatanungin kita, totoo ba ang pagkakaibigan ang pinapakita at binibigay mo sa amin o kahit man lang kay Eury?!" Sigaw ko, hindi lang kasi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Hestia.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis