Chapter XLVIII

13 2 0
                                    

Hestia

Nagmamaneho ako papunta sa isang lugar na sobrang mahalaga sa akin, doon ako namamalagi pag malungkot ako, masaya ako at kapag nami miss ko ang tatlong yun. Kahit na alam ko kung nasaan si Artemis ay wala akong lakas na puntahan siya dahil sa mga pangyayari.

Nang makarating ako sa aming dating tagpuan ay nagulat ako ang may nakita akong babae na nakatalikod habang dinadama ang hangin.

"Eury?" Bulong ko sa sarili ko at bumaba na ako sa aking sasakyan at lumapit sa kanya.

"Simula nang makarating ako dito ay ngayon palang ako nakabisita sa ating dating tagpuan" Sabi ni Eury at lumapit ako sa kanya.

"Nandito ka pala Eury" Sabi ko at tumabi sa kanya at natawa naman siya kaya nagtaka ako, ano namang nakakatawa diba?

"Anong akala mo sa akin dito? Mannequin?" Natatawa niyang sagot.

Tinignan ko ang buong lalawigan, napakaganda lalo na ang sunset na nagbabahagya ng dumilim. Tinignan ko ng pasimple si Eury, baka ito na ang tamang panahon para kausapn siya.

"Eury.."

"Hestia.." Sabay naming sabi kaya natawa kami dahil mukha kaming timang.

"Sige mauna kanang sabihin kung ano ang gusto mong sabihin" Umiling lang siya sa sinabi ko.

"Hindi, ikaw muna ang mauna dahil hindi naman masyadong importante yung sasabihin ko" Pamimilit niya sa akin.

"Hindi, ikaw muna"

"Hindi, mauna ka"

"Sige mag jack 'n poy nalang tayo" Nag agre naman siya sa sinabi ko at nag jack 'n poy na kami ng manalo ako kaya ningisihan ko siya. Para kasi siyang tanga na nag papel eh alam naman niya na alam kong magpa papel siya.

Humarap naman siya sa araw na malapit nang mangalahati ang paglubog.

"Hestia.."

"Hmm?" Sagot ko at humarap naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Patawad sa lahat lahat ng ginawa ko, masyado pa kasi akong bata noon at hindi pa ganon kalalim ang mga pag unawa ko, naging unfair ako at naging makasarili dahil lang sa nabulag ako sa pag ibig---"

"Shh Eury, tapos na yun, bakit ba pare pareho kayo ni Artemis ng iniisip?"Ntatawang sabi ko at niyakap rin siya ng mahigpit.

"Sa pagkarating ko rito ay hindi man lang kita agad nayakap ng mahigpit" Iyak niyang sabi kaya natawa ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba Eury? May pagka eng-eng ka parin hanggang ngayon, para ka paring 18 years old kung umasta" Sagot ko pero nagpatuloy parin siyang umiyak habang nakayakap sa akin nang bigla siyang nagsalita.

"Teka.. si Artemis? Nagkausap kayo? Kailan? Bakit hindi ko alam para naman sabay kaming nag sorry sayo" Sunod sunod na tanong ni Eury at bumitaw sa pagkakayakap.

"Ano ba yan Eury, pinahiran mo ng sipon yung balikat ko, Oh! Tignan mo nga ang sarili mo, may uhog kap pa dahil diyan sa kakaiyak mo" Sabi ko at inabutan siya ng panyo.

"At huwag mo nang ibalik yan sa akin dahil hindi ko na tatanggapin yan" Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"At isa pa, lilinawin ko lang sayo ha? Walang may kasalanan sa nangyari sa panahong iyon okay? Pareho tayong tatanga tanga sa panahong iyon at may kani kanya tayong paninindigan" Paliwanag ko habang siya naman ay pinupunasan ang luha niya

"Para ka namang hindi kindergarten teacher niyan eh, kung makapangaral ka sa akin ay para akong bata" Natawa nalang ako sa sinabi niya,

"Alam mo bang halos araw araw kitang iniisip ha? Kaya si Thisbe nalang ang kinakausap ko tungkol sa inyo nila Artemis at alam mo bang dahil halos mabaliw na ako sa kakaisip kung kumusta kana ay pinakiusapan ko si mama na tulungan kang makapag apply" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero parang wala lang iyon sa kanya.

"Teka.. tinulungan? Ikaw ang dahilan kaya ako nakapag trabaho na mas mablis pa sa kidlat?" Takang tanong ko pero kinunutan lang niya ako ng noo.

"May sinabi ba ako---ah nasabi ko pala yun?" Tanong niya kaya natawa ako, bruha talaga ang babaeng ito, kung ano ano nalang ang gagawin.

"Teka ano nga ba ang sasabihin mo?" Tanong ni Eury kaya nagitla ako, muntik ko nang makalimutan.

"Eury, kung ano man ang iniisip mo tungkol sa akin at kay Poseidon ay nagkakamali ka" Panimula ko at tinignan niya ako.

"Alam mo Hestia kung tungkol ito sa aming anak ni Orpheus ay huwag kang mag aalala, hind kami makakagulo sa inyo ni Orpheus, ipinakikilala ko lang si Thisbe sa papa niya" Paliwanag ni Eury kaya umiling ako.

"Hindi... hindi mo ako naiintindihan Eury, hindi ako ang mahal ni Orpheus kundi ikaw" Paliwanag ko pero umiling iling lang si Eury at umatras papalayo.

"Hestia kung tungkol ito sa mga nangyari matagal nang panahon ang lumipas ay matagal na akong naka move on, may Thisbe na ako sa buhay ko at---"

"Naalala mo pa ba yung nangyari noong bata pa tayo? May nakilala kang Orpheus hindi ba? Tapos yung ipinakilala mo sa sarili mo ay Hestia dahil ang sabi ni Orpheus ay hahanapin niya ang kanyang Eurydice, naalala mo pa yun hindi ba?" Tanong ko at nagbabadya nanaman ang luha niya.

"Nalaman ko lang ang bagay na iyon ng ikinuwento ni Orpheus sa akin ang pangyayaring iyon isang buwan pagkatapos niyong umalis nina Tita at Psyche kaya agad kong ipinaliwanag sa kanya na hindi ako yun dahil ikaw ang babaeng hinahanap niya" Patuloy ko sa aking sinasabi kaya naman mas lalo pang lumakas ang pag agos ng luha niya kaya lumapit ako at hinawakan ag mga kamay niya.

"Hindi pwede Hestia" Naiiyak niyang sabi kaya nagtaka ako.

"Bakit naman hindi pwede---"

"Dahil may sakit ako!" Sigaw ni Eury sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Kaya ako kinuha ni mama dahil may sakit ako at kaya ako nandito upang ipakilala kay Orpheus yung anak niya at alam kong aalagaan mo si Thisbe" Sagot ni Eury kaya napailing iling ako.

"Hindi..hindi" Bulong ko.

"I have a colon cancer, and it's a miracle nang nabuhay si Thisbe sa mundong ito" Paliwanag ni Eury kaya ako nanaman yung umiyak.

"Hindi..hindi.. Nagkakaayos na tayo oh? Bakit umepal pa yang sakit mo?" Tanong ko.

"Natatandaan mob a ang araw na nahimatay ako sa lugar na ito? Doon nakumpirmado ang sakit ko, nai-inherit naming ang sakit na ito kaya iniingatan ako ni mama dahil yun ang ikinamatay ng lola ko at hindi ko alam kung ilang minuto o sigundo nalang ang meron ako"

"Mahalin mo si Thisbe ng parang tunay mong anak. Okay?" 

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon