EurydicéTatlong buwan na ang lumipas simula noong nagsimula ang pasukan at isang buwan at dalawang linggo na ang lumipas simula nang sabay sabay namula ang mga pisngi nila Hestia, Psyche at Artemis.
At simula nong araw na 'yon ay bigla nalang silang naging distant sa isat isa kaya medyo nalungkot ako. halos paisa isa ko lang silang nakakasama kasi sa tuwing lunch ay halos hindi na sumasabay sa amin si Artemis, si Psyche naman ay feel niya palagi ang magmuni muni sa balcony ni Artemis habang si Hestia naman ay paminsan minsan ko lang nakakasama sa lunch at hindi ko alam kung saan siya pumupunta.
Tulad nalang ngayon, ako lang mag isa kaya nalungkot ako, wala rin kasi si Krass eh, hindi ko kasi alam kung nasan siya kaya wala akong ganang kumain.
Ayoko kasing kumain ng mag isa.
Naglakad lakad nalang ako. Napapansin kong unti unti na kaming nagkakawatak watak, ano ba kasi ang meron sa sampal na 'yon?
Napagdesisyunan ko nalang na mag stay nalang doon sa balcony ni Artemis, presko kasi doon eh.
"Nagtataka na ako sa inyo" Sabi ni auntie Ailish, auntie siya ni Artemis kaya kumunot ang noo ko na lumapit sa kanya.
"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko. Bumuntong hininga nalang siya at ipinakita sa akin yung laptop niya.
"It's the CCTV camera dyan sa may pintuan at tignan mo nalang para malaman mo ang sagot sa sinasabi ko" Sabi ni auntie.
Kuha 'to noong first week of school pa base sa nakalagay na date sa upper right ng cam.
Nakaharap yung camera sa loob ng library. pi-nause ko yung video at tinignan ko yung cctv cam na nasa pintuan.
Nakaharap sa akin yung cctv dahil nasa loob ako ng library kaya ibinaling ko ang paningin ko sa laptop at pinatuloy ang panonood.
Nakita kong mabilis na naglalakad si Artemis at bakas sa mukha na hindi siya makapaniwala, shock na shock siya at lumabas na agad siya.
Maya maya lang ay biglang lumabas si Hestia galing sa medyo madilim na parte ng library, naglakad siya na parang walang iniisip, sa pagkakaalala ko ay ito yung araw na wala si Psyche, Hestia at si Orpheus at sa mismong araw rin na ito ay napag usapan namin ni Karagatan yung mga kabaliwan namin.
Ilang sandali lang ay nagulat ako kasi lumabas si Psyche sa parehong aisle na nilabasan ni Hestia. Nakayuko si Psyche.
Nagkasalubong si Daphne at Psyche pero parang hindi man lang napansin ni Psyche si Daphne kasi nakayuko siya.
Biglang lumakas ang pintig ng puso ko na biglang lumabas si Orpheus sa parehong aisle na nilabasan ni Hestia at Psyche.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Kung ano man yang iniisip mo, labas na ako ron" Seryosong sabi ni auntie at niligpit ang laptop niya.
"Hindi ko naman talaga sasabihin sayo kasi wala naman silang ginagawang masama pero sa loob ng tatlo buwan ay napansin ko ang paulit ulit nilang ginagawa" Sabi ni auntie at bumuntong hininga, ako naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Genç Kurgu"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis