ArtemisNaglalakad ako palayo kay Hestia na para bang walang nangyari, napapikit ako sa sakit nang maalala ko yung nakaraan.
[Flashback]
Two years agoNakangiti akong naglalakad papunta sa room nila Eury. Makikita ko nanaman kasi ang crush ko.
Nang makapasok ako sa room nila ay biglang nawala ang matamis na ngiting nakapaskil sa labi ko dahil bumungad sa akin si Hestia at Poseidon at sa tingin ko ay palabas na sila.
"Hi Artemis!" Nakangiting bati ni Hestia sa akin.
"H-hi" Bati ko at pilit na ngumiti sa kanya at binalingan ko ng tingin si Poseidon.
Those pitch black eyes.
Parang unti unting nadudurog ang puso ko dahil sa pag alis niya kaya nang makapasok ako sa room nila Eury ay agad akong napaupo.
"Kaya mo pa ba?" Maangas na tanong ni Psyche, minsan talaga boyish to tapos minsan naman ay nagmamayabang sa ganda niya.
"Kaya pa" Walang emosyon kong sagot kay Psyche.
Nakaupo ako sa upuan ni Hestia at hinarap ako ni Eury at tinignan ako ng mata sa mata.
"Bakit hindi mo nalang sabihin kay Hestia na nasasaktan ka sa tuwing magkakasama silang dalawa?" Tanong ni Eury kaya bumuntong hininga ako.
"Ayokong mahirapan si Hestia nang dahil lang sa akin at isa pa, naunang nagkagusto si Hestia kay Poseidon" Pagpapaliwanag ko.
"Tapos nangako ako sa The Sacred Lifetime Oath natin, wala akong planong sirain yun tsaka..." Pagputol ko sa sinasabi ko.
"Kaibigan ko si Hestia, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin kahit pa na paminsan minsan ay ayaw ko sa kanya" Pagsasabi ko ng totoo. Well, I'm always honest kahit na may masasaktan sa sinabi ko kasi para sa akin, nas mabuti nang masaktan sila sa katotohanan kaysa sa paasahin sa kasinungalingan.
Naputol ang pag uusapan namin nang bumalik na si Hestia, oo si Hestia lang mag isa kaya kumunot ang noo ko, nasaan na ba si Poseidon?
"Oh? nasaan na si Poseidon?" Tanong ni Psyche at binalingan ako ng tingin at kinindatan ako, alam niya kasi na wala akong lakas ng loob para tanungin siya kung nasaan na si Poseidon.
"Kasama si Apollo, nagkasalubong kasi namin ni Poseidon si Apollo sa hallway at nagkausap sila sandali tapos kinausap ako ni Poseidon na may lalakarin pa sila kaya sino naman ako para pigilan sila diba?" Nakangiting sabi ni Hestia kaya napatango tango lang kaming tatlo.
"Pero bakit ba kayo magkasama in the first place?" Okey, hindi ko talaga kayang pigilan ang bibig ko na magtanong.
"May pag uusapan daw sana kasi kami" Tugon niya kaya napa 'ahh' nalang kaming tatlo.
***
It's been three months simula nang palagi nalang akong agaw tingin kay Poseidon kaya huminga ako ng malalim, palagi nalang bang ganito ang buhay ko?
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis