Chapter XI

30 2 0
                                    



Artemis

Nakangiti ako habang naglalakad dahil maganda ang gising ko ngayon. By the way kami lang dalawa ng mamay ko--ina ng papa ko ang kasama ko, yung parents ko naman ay parehong OFW. Noong una ay yung mama ko lang ang nasa ibang bansa pero ang sabi ni papa ay kapag nag college na ako ay mahihirapan na raw ang mama ko sa mga gastusin kaya nag OFW rin si papa, actually magkasama ang papa ni Eury at ang parents ko sa isang apartment.

Apartment yung ng mga OFW kaya hindi naman daw sila nalulungkot masyado doon kasi ang dami nilang nagsasaya.

Si Psyche lang talaga ang medyo mayaman sa aming apat habang si Hestia naman ay may maliit na bussiness ang parents niya na bakeshops.

Anyways, nasa labas ako ng bahay nila Eury dahil palagi naman kaming sabay sabay na pumapasok, as usual kasi ay ako ang mauuna sa kanilang tatlo tapos pupuntahan ko si Eury tapos makikisakay kami sa sasakyan nila Psyche.

Mabait kasi yung mama ni Psyche sa amin dahil kilala na niya kami simula pa nang nasa kuna palang kami, sabi kasi ng mama ko, nauna daw na magbuntis yung mama ni Eury at si tita Aphrodite na mama ni Psyche.

***

"Mukhang masaya ka ngayon ah?" Tanong ni Theia sa akin.

"Ang ganda ko kasi" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hmp! Anyways, tignan mo yung crush ko oh! si Charon" Nakangiting sabi ni Theia kaya napailing iling ako.

Masungit kasi ang lalakeng yan, palaging nakakunot noo sa lahat nang nakakasalubong niya at athletic kasi siya, kasama niya sa isang grupo ng basketball ang damuhong Orpheus.

"Oy Artemis, hindi kaya siya yung nagbibigay palagi sayo ng white roses?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Imposible" Sagot ko pabalik sa kanya. Talagang imposible naman kasing siya yung Mr. C na nagbibigay sa akin ng white flowers.

Alam ko naman na pwede siyang magkagusto sa akin since maganda naman ako at pogi siya, kaya lang hindi nga kami nag uusap at kahit pa na sabihin kong paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Alam mo Artemis? sa buong klase natin ay napapansin ko ang pagsulyap sulyap niya sayo at last week ko lang napansin ang pagdalas niyang pagtitig sayo" Pangungumbinsi pa sa akin ni Theia.

"Pero ang imposible naman kasi nun eh" Sabi ko pa sa kanya.

"Tsaka halos dalawang taon nang nagbibigay sa akin ng bulaklak si C kaya imposible talaga" Sabi ko pa pero talagang hindi pa titigil si Theia.

"Eh paano naman yung kababata mong gwapo na si Cae?--"

"Caerus. Call him Caerus" Sabi ko kaya binigyan niya ako ng meaningful look.

"Oy ang possessive mo naman sa bebe mo" Nakangising sabi niya.

"First of all, hindi ko siya bebe, second, kababata namin siya nila Psyche at Eury, third, ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng Cae okey?" Pagtataray ko. Babanat nanaman sana si Theia pero dumating na yung teacher namin

***

Nang magring yung bell ay agad akong lumabas dahil kukulitin nanaman ako ng bruhang Theia nayun at biglang sumagi sa isip ko ang plano ko ngayon araw.

As usual, nakatanggap nanaman ako ng white flowers kaya napangiti ako, pero this time ay babae ang nagbigay sa akin.

Inamoy amoy ko 'yun habang naglalakad patungong library, this roses really makes my day.

Agad kong binati ang auntie ko at pumunta sa balcony, binuksan ko ito at pinagmasdan ang lahat ng white roses ko.

Noon, hindi pa masyadong malaki ang balcony pero dahil two years nang may nagbibigay sa akin kaya pinalagyan ng extention yung balcony upang lagyan ng iba pang white roses.

Nang matapos kong maitanim ang white roses ko ay agad ko itong diniligan at lumabas na.

Let's the battle begin.

Pumunta ako sa tambayan ng dalawang yun kaya nakita ko agad silang masayang nag uusap habang inlove na inlove sa isat isa.

Jusko kung ito makikita ni Eury? paniguradong iiyak yun. Kaya bago pa mauwi sa kama yung nakakadiring pangyayari ay tumikhim na ako.

"Ehem"

Napalingon sa akin ang dalawa, yung kaibigan naming ahas naman ay parang nakakita ng multo nang makita niya ako.

"A-artemis--"

"Sshhh, bawal mag ingay dito sa library" Paalala ko pa habang dahan dahan na naglalakad patungo sa kanila. Kahit medyo madilim dito sa parteng ito ay kitang kita ko parin ang pamumula niya.

"Orpheus, pwede bang umalis ka muna at hayaan kaming mag usap?" Nakangiting sabi ko kay Orpheus kaya sana nakikita ng mga mata niya ang mga mata ko ngayon na puno ng galit sa kataksilan nila.

"Orpheus a-anong i-ibig sabihin---"

"Sinabihan ko si Orpheus na hindi niya pwedeng sabihin sayo na nakita ko kayo noong una palang" Nakangiting sabi ko.

"Halika, sa balcony tayo mag usap" Nakangiting sabi ko kahit pa nangangati na ang mga kamay ko na sampalin siya pero pinipigilan ko na hindi siya masampal dahil gusto kong si Eury ang sasampal sa kanya.

Kaya lang, nagdadalawang isip parin ako kung sasampalin ba talaga siya ni Eury. Knowing Eury, alam kong hindi niya kayang saktan ang malanding kasama ko.

"Hay, ang sarap ng simoy ng hangin dito no?" Nakangiting sabi ko habang siya naman ay tahimik lang kaya mahina akong natawa.

"Oh bakit tahimik ka? nasaan na yung tapang mo?" Natatawang sambit ko at nilingon siya na nakayuko lang.

"Ang bilis ng panahon no? biruin mo? halos magdadalawang buwan na pala simula nang nalaman ko ang relasyon niyo at halos dalawang buwan mo nang niloloko si Eury, at talagang hindi ka nakonsensya ha? bilib na ako sayo girl ha" Sabi ko at tumawa. Dito kasi sa pwesto namin ay kitang kita namin ang mga studyanteng pakalat kalat, may ibang naglalaro sa field, nakaupo sa bench, nasa ilalim ng puno and such since lunchtime naman ngayon kaya marami talagang tao.

Napangiti ako nang makita ko si Cae at si Eury na nakaupo sa bench, sabay silang kumakain at hindi naman sila gaanong kalayo kaya nakikita namin ang mga ngiti nilang dalawa.

"Ang sweet nila no? i bet na gusto mo rin na magkatuluyan sila para hindi kana makonsensya" Natatawang sabi ko.

Medyo napansin ko rin na sa storyang ito ay parang ako ata ang kontrabida but I don't care.

"Oh! i almost forgot, gusto mong ikwento ko kung ano ang pinagusapan namin ni Orpheus?" Nakangiting tanong ko pero nanatili lang siyang nakayuko.

"Okey I'll start"

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon