Chapter XXX

29 1 0
                                    




Eurydicé

I want to be wasted!

Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa isang stall, nakatulala habang sinasalinan ng bartender ang baso ko ng Alfonso. Actually kanina pa ako nabibingi dahil sa lakas ng music nila.

"Here's your alfonso ma'am, Enjoy your drink" Nakangiting bati sa akin ng bartender at ningitian ko rin siya pabalik.

"There you are" Agad akong ngumiwi nang marinig ko ang boses na 'yun.

"At paano mo naman nalaman na nandito ako?" Pagtataray ko pero ningitian niya lang ako at itinaas ang dalawang kamay na para bang nagsu-surrender.

"Chill, ate" Natatawang sambit niya kaya muntik ko pang ibato sa pagmumukha niya ang hawak kong baso.

"Mas matanda ka sa akin" Seryosong sabi ko pero tinawanan niya lang ako at hinila ang braso ko.

"Marami tayong pag uusapang bagay, hindi kita masyadong marinig kaya doon tayo sa VIP!" Sigaw niya sa mismong tenga ko kaya muntik ko siyang nasapak.

***

"Now talk" Utos niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Inuutusan mo ba ako?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya pero tumawa lang siya.

"Ano ba ang nangyari simula nang magising ka?" Tanong niyakaya bigla kong naalala ang lahat at nagsimula na akong magkwento sa kanya.

[Flashback]

"A-art?...V-vee?" Tawag ko sa kanila. Nagising ako dahil sa ingay nilang dalawa.

"T-tubig" Nanghihina kong sambit. My throat really felt so dry.

"Tubig! tubig nasan yung baso?"

"Nurse! nurse! gising na yung pasyente" Sigaw ni Artemis pero agad kong hinawakan ang wrist nila at slow mo ang pag tapik ko sa mga wrist nila, sana ma gets nila na gusto ko silang pakalmahin muna.

Pareho silang huminga ng malalim at kumilos na, this time, mas kalmado na sila.

Inabutan ako ni Hestia ng tubig habang si Artemis naman ay nasa labas upang tumawag ng doktor o nurse.

Nang matapos kong mainom ang tubig ay agad namang pumasok si Artemis kasama ang nurse para e check ako.

Chineck niya ang dextrose ko at iba pang parte ng katawan ko.

"Mamaya na po malalaman ang findings po ng biglaang pagkahimatay niyo po" Sabi ng nurse at ngumiti saka nagpaalam at lumabas na.

"Ba't n-ag aaway k-kayo?" Mahina kong sabi sa kanila pero walang mi isa sa kanila ang sumagot sa tinatanong ko sa kanila.

"Aalis na ako" Biglang sabi ni Hestia kaya nagulat ako.

Ayaw ko pa siyang umalis.

Pero huli na dahil lumabas na siya sa pintuan pero binigyan niya ako ng ngiti kaya ningitian ko rin siya at bumulong ng 'salamat' pero ngiti nanaman ang iginanti niya.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon