Chapter XXXVII

17 2 0
                                    




Artemis

Napangiwi ako habang pilit na inaabot ang alarm clock na ngayon ay sobrang ingay, nang makapa ko yung alarm clock ay agad ko yung tinapon kung saan na siyang dahilan ng pagkasira pero mabuti naman at naging tahimik na ang paligid.

Puyat kasi ako kagabi dahil marami kaming pinag usapan ni Eury tungkol sa nangyari sa kanya sa loob ng seven years kaya syempre sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng nanyari sa amin ni Poseidon sa loob ng seven years, medyo napatagal yung pinag usapan namin kaya dito na ako sa kanila nakatulog.

"Artemis! buksan mo ang pinto! ano yung narinig ko mula dyan sa kwarto mo na para bang may nabasag" Sigaw ni Eury sa labas.

"Alarm clock yun! ang ingay kasi eh" Sigaw ko pabalik, ilang sandali palang ay naramdaman ko na wala na si Eury sa labas, buti naman at naintindihan niyang ayaw ko munang bumangon at nakadestorbo siya sa beuty rest ko.

Pinilit kong matulog muli pero hindi na ako makatulog kaya inis na inis akong bumangon at pumunta sa banyo.

Nang makababa ako ay nadatnan ko sa dining table si Calliope na kumakain, si Caerus na katabi ni Calliope at si Eury na nagluluto ng agahan.

"Goodmorning tita!" Nakangiting bati sa akin ni Calliope at tumakbo patungo sa akin saka ako niyakap sa may legs at bewang ko.

Agad siyang bumalik sa pwesto niya habang umupo narin ako at tapos narin si Eury sa pagluluto dahil umupo siya sa tabi ni Calliope.

Inobserbahan ko si Calliope habang inalala ang lahat ng pinag usapan namin ni Eury, ngayon ay napagtanto ko na kung bakit may kahawig si Calliope dahil sa parents niya.

"Tita Artemis what's the problem po? you are staring me for the couple of minutes na" Nabigla ako sa sinabi ni Calliope, agad siyang sinita ni Eury.

"Thisbe, don't speak to your tita like that, masama yun" Suway ni Eury sa kanya, aangal na sana si Calliope pero agad akong nakapag salita.

"Ano ka ba Eury, may iniisip lang ako tapos napatulala na pala ako sa mukha ni Calliope" Natatawang banggit ko at nagsimula nang kumain.

Nang matapos kaming kumain ay agad silang nagpaalam sa akin, may lakad pa daw sila.

"Okey lang ba sayo na ikaw lang yung maiiwan dito?" Tanong ni Eury sa akin kaya sinimangutan ko siya.

"Ilang beses mo na akong tinanong tungkol diyan, pag ako nainis sayo baka masampal na kita" Mataray kong sagot sa kanya kaya ningitian niya ako.

"Ikaw parin talaga ang Artemis na nakilala ko" Nakangiti niyang saad kaya umikot ang mata ko sa kanya.

"Kahit pa dalawampung taon pa tayong hindi magkita ay tatarayan parin kita" Ganti ko at pareho kaming natawa.

"Oh siya sige i lock--"

"---Mo ng mabuti ang pintuan, huwag kang magpapasok ng hindi pamilyar sayo bla bla bla, ano ka ba Eury, ginagawa mo akong bata" Pagtatapos ko sa sinasabi niya, kainis eh.

"Pinaalala ko lang" Ganti niya.

"Goodby tita!" Magiliw na sabi ni Calliope at niyakap ako ng mahigpit   Ang cute talaga ng batang ito.

Agad silang sumakay sa sasakyan, Si Caerus ang nagda drive habang katabi niya si Eury at nasa likod si Calliope, sinundan ko muna sila ng tingin hanggang sa naglaho na sila sa aking paningin.

Agad akong nag inat ng katawan at umakyat sa second floor, gusto ko munang matulog ulit

***

Kumunot ang noo ko nang marinig kong may kumakalabog sa pintuan ko.

"Sino ba yan?" Inis kong tanong habang nakahiga parin sa kama.

"Ah..ma'am, may nagwawala po kasi sa baba, nais po raw kayong makausap" Sagot ng maid na nasa labas.

Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya, sino namang gustong kumausap sa akin? sa pagkakaalam ko ay free day ko ngayon kaya gusto ko lang matulog nang matulog.

"Tinanong mo ba ang pangalan?"

"Ayaw po niyang sabihin ma'am eh"

Inis akong bumangot ulit at napatingin sa wall clock, alas tres na pala ng hapon, mahaba haba pala ang tulog ko.

Kung sino man ang nandestorbo sa akin, siguraduhin niya lang na importanteng bagay yung sadya niya.

***

Tumaas ang kanang kilay ko nang makita kong nakaupo siya sa sala, may kasama siyang batang lalake na sa tantya ko ay kaedad lang ni Calliope.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong ko sa babaeng malande na may kandong na batang lalake.

"Baka kapag nagsimula na akong magsalita ay hindi mo na ako makakausap ng pabalang" Mataray niyang sabi sa akin kaya may naramdaman akong hindi maganda. Pakiramdam ko talaga hindi maganda ang sasabihin niya sa akin.

"Hindi na kami magtatagal ng anak ko" Saad ni Khione at tsaka ningisihan ako kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit? Mamamatay na kayo dahil hindi na kayo magtatagal?" Pabalang ko uling sagot at tinignan ang bata, parang may kahawig siya pero hindi ko nalang inalintana.

"Ano ba talaga ang pakay mo?"Inis kong sagot dahil kanina pa siya.

"Oops, anak pala namin ni Poseidon" Ngising saad niya kaya para akong binuhudan ng malamig na tubig sa narinig ko mula sa kanya.

Anak? May anak sila ni Poseidon.

"Ganyan ka naba ka pathetic para lang masira ang relasyon namin ni Poseidon?" Taas kilay kong tanong at hindi ipinahalata sa kanya na kinakabahan ako baka totoo yung sinabi niya.

Pero ang mas kinaiinisan ko ay ang pagtawa niya saka may kinuha siya sa bag niya at may inilabas doong papel at inilapag sa mesa saka siya tumayo ng anak niya.

"Ikaw na ang bahalang maghusga sa nakasulat sa papel na ito" Nakangiting sambit niya at tsaka umalis. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil nandito pa sila sa bahay na ito, nang masiguro kong wala na sila ay agad akong pumunta sa lamesang nilapagan niya ng papel.

At kahit ang paglakad ko ay parang bumagal. Nang mahawakan ko ang papel ay agad kong dali daling binuklat yun at binasa ang pinakaimportanteng parte.

At dahil sa nabasa ko ay bigla akong nanghina at nawalan ng malay habang tumatqtak parin sa isip ko ang mga numerong unang tinignan ko.

99.99999% related

***

Yeps.. Im back in writing kahit mahirap magsulat haha!

Keep safe everyone!

I dedicate this chapter to SaKheShie_24 na matagal nang naghintay ng update so oh! Eto na yung hinihintay mo haha

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon