Chapter XXXVI

18 2 0
                                    



Hestia

"Do we have to do this?" Tanong ni Orpheus sa akin.

"Do we have to accept tita's Invitation?" Dagdag niya pa kaya huminga nalang ako ng malalim.

"Orpheus, ang pangyayaring yun ay pitong taon na ang lumipas, we need closure and we are not kids anymore to play around" Saad ko at ibinaling ang paningin ko sa kanya na nagda drive lang.

Nag text sa akin si tita Zen na kararating lang nila at pinapapunta niya kaming dalawa ni Orpheus doon sa mamahaling spanish cuisine na alam kong si tita Zen ang pumili.

"Ano kaya ang nangyari sa kanila sa loob ng pitong taon?" Wala sa sariling tanong ni Orpheus sa sarili habang nagda drive.

"Walang nakakaalam kasi sa pagkakaalam ko, pinutol ni tita Zen ang kumunikasyon nila Artemis kina Eury para daw kapag bumalik na sila ay maraming silang iku-kwento sa isa't isa" Sagot ko kay Orpheus at pinark na niya ang sasakyan bago kami lumabas.

Hindi ko alam pero kinakabahan akong makita silang muli, pitong taon na kasi ang lumipas simula noong huli kaming nag usap.

"Let's go?" Pag aaya sa akin ni Orpheus kaya ningitian ko lang siya at tumango.

Nang makapasok kami ay agad ko silang nakita kasi sila yung umukupa sa medyo may kalakihang mesa na pang sampung tao.

"Yep---oh nariyan na pala sila" Nakangiting sabi ni tita Zen at lahat sila ay napatingin sa amin.

Medyo nagulat rin ako sa kanilang mga itsura ngayon, simula kasi noong umalis na sila Eury ay hindi narin nagtagpo ang landas namin nila Artemis at Poseidon at sa nakikita ko ngayon, sila parin hanggang ngayon.

Wala akong choice kundi ang umupo sa tabi ni Artemis dahil nakaupo si Orpheus sa tabi ni Caerus.

"Inimbita ko sila dahil para magkaroon kayo ng closure at pag usapan ang nangyari sa inyo seven years ago" Dagdag ni tita Zen, napansin siguro ni tita na parang nagtatanong yung mga mata nila Eury.

Agad namang tumahimik ang lahat at unti unti ko nang nararamdaman ang awkward na ambiance.

Inilibot ko ang aking mga mata at huminto ang aking paningin sa isang bata na napapagitnaan ni Eury at Psyche, nasa pitong taong gulang ang bata at tinignan ko siya ng mabuti, parang may kamukha siya eh.

"Ah siya nga pala siya si Calliope, she's my daughter" Sabi ni Psyche at ngumiti, ako naman ay nagulat kasi may anak na pala si Psyche at teka, sino yung ama?

"Anong anak? anak ko yan, mangaagaw ng anak palibhasa walang matris" Singit ni Eury at inirapan si Psyche kaya nawala yung ngiti ni Psyche.

"Hindi ka paniniwalaan na ikaw yung ina kasi wala ka namang dede" Banat ni Psyche, magsasalita pa sana si Eury pero agad silang sinaway ni tita Zen.

"Twenty five years old na kayo pero ang asal niyo pang five years old, mamaya na yang bangayan niyo dyan" Sita sa kanila ni tita Zen.

"Anyways, pwede niyo bang sabihin ang pinagkaabalahan niyo ngayon sa buhay, paikot kayo" Pag iiba ng topic ni tita Zen, nag agree naman kaming lahat kasi matagal tagal narin simula noong nag usap usap kami at marami na kaming na-miss na balita mula sa isa't isa.

Kaming lahat ay nakatingin kay Eury dahil siya ang una na magsasalita.

"I finished my study at New York, got work and now an English teacher and an etiquette teacher too" Sabi ni Eury kaya lihim akong napangiti, kahit papaano pala ay nakamit niya ang pangarap niya sa buhay. She became more prettier and more mature, more demure and her awra screams elegance.

Si Psyche na sana ang mgsasalita ng biglang sumingit si Calliope.

"My name is Calliope and i was born almost a year after the chaos around mommy, mommy tita and tita He--"

"Calliope, hindi maganda ang sumingit sa usapan ng matanda, we already talk about this" May diing sabi ni Psyche at kinalma ang sarili.

"Well anyways, i became an artist at nandito ako sa pilipinas para kunin ang iba ko pang paintings dahil gagawa ako ng exhibit show and auction doon sa New York and i hope you can come" Pagkwento ni Psyche sa amin. Hindi siya sobrang payat ngunit hindi rin sobrang mataba, parang balance lang at napansin ko rin na pumayat na pala siya simula noong huli naming pagkikita.

"I became a PhD, that's all" Nakangising sabi ni Caerus kaya mahina kaming natawa lahat. Doctor of Philosophy pala ang naabot ng pagiging pilosopo ni Caerus. Mas naging manly na siyang tignan kesa noong huli naming pagkikita.

At ang sunod namang nagsalita ay si Orpheus.

"Army" Yun lang ang sinabi niya at tipid na ngumiti.

"I became a photographer" Panimula ni Poseidon tsaka ibinaling ang paningin kay Artemis.

"Ayoko kasing may ibang makakakita ng katawan siya sa personal" Dagdag ni Poseidon kaya halos lahat kami ay natuwa.

Possessive.

"I'm a model, parehong companya na pinagtatrabahuan ni tita Zen dahil siya naman ang nagpa pasok sa akin" Nakangiting sabi ni Artemis. Lahat sila ay napabaling ang paningin sa akin.

Tipid akong ngumiti bago ako nagsalita.

"I became a kindergarten teacher" Sabi ko at ngumiti at nagsimula nang kumain.

Mabuti naman at medyo hindi kami na awkward dahil palagi naman silang may topic, minsan nakikisawsaw ako sa usapan at minsan naman ay hindi.

Hanggang sa napagdesisyunan na naming maghiwa hiwalay na kaya nagpaalam na kami sa isa't isa at nauna na sila.

Nasa kotse na kami ngayon habang nagmamaneho si Orpheus, tinignan ko yung mukha niya at napansin kong parang may bumabagabag sa kanya.

"Okey ka lang ba?" Tanong ko kay Orpheus na hanggang ngayon ay seryoso parin ang itsura habang nagda drive.

"Sa tingin mo Hestia, kaninong anak si Calliope?" Tanong ni Orpheus habang nakatingin parin sa daan.

Kanina ko pa nga rin yan iniisip, hindi kasi malinaw yung pagkasabi nila Eury at Psyche pero aminado naman si Caerus na siya yung ama.

"Napansin kong maraming alam ang bata" Dugtong ni Orpheus sa kanyang sinasabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

Oo nga no? nabanggit ni Calliope na ipinanganak siya pagkatapos sa nangyari sa aming magkakaibigan, hindi ko alam kung ano pa ang alam ni Calliope.

"Pero bakit parang hindi man lang umangal ang bata nang nagtalo si Psyche at Eury kung sino ang tunay niyang ina?" Tanong ko at bumuntong hininga, pitong taon rin simula noong maghiwa hiwalay kami kaya marami talaga kaming walang alam.

"Posibleng sinabihan na nila ang bata bago sila bumalik dito sa pilipinas" Saad ni Orpheus kaya napatango tango ako kasi posible rin naman.

Pero sino ba talaga ang parents ni Calliope?

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon