HestiaNakatulala lang ako sa paligid habang tinitignan ang mga tao na nandito sa park. Nakaupo ako sa mismong lugar kung saan kami nag away ni Artemis.
Tama naman talaga si Artemis, dapat ko dapat pinigilan ang nararamdaman ng puso ko dahil kung tunay akong kaibigan, kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kaibigan.
Pero hindi sakripisyo ang basehan para malaman mo na ang isang tao ay tapat sayo, may iba pa nga na halos isakripisyo na ang lahat lahat ay nagagawa paring traydurin.
Naiintindihan ko naman si Artemis dahil ginagawa niya lang ang dapat gawin ng kaibigan pero nabigo siya na intindihin ako.
Akala ko kasi maiintindihan niya ako dahil pareho naman kami ng posisyon noon pero ang pinagkaibahan lang namin ay nagawa niyang mag sakripisyo habang ako ay natalo ng pag ibig.
Naputol ang pag iisip ko nang biglang nag ring cellphone ko kaya agad kong hinalungkat ang shoulder bag ko at kumunot ang noo ko nang makita kong si Artemis ang caller.
Pero kahit nagtataka ay sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
[Si Eury, kagabi pa nawawala, magkasama ba kayo?] Nagulat ako sa bungad sa akin ni Artemis. Hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil medyo matagal nagsink in sa akin ang sinabi niya. Bakas sa boses ni Artemis ang pag aalala.
"A-ano?...P-paano?"
[Hindi namin siya ma contact at halos isang araw na siyang nawawala. Hindi man lang namin mareport sa pulis dahil hindi pa umabot ng 24 hours na nawawala si Eury. 20 hours palang nawawala si Eury at hindi ko kayang maghintay pa ng apat na oras bago kami makapag report sa police station] Natatarantang sabi niya kaya pati rin ako ay nataranta. Kalmadong tao lang si Artemis kaya nakakapanibago.
"Saan ba siya huling natagpuan?" Tanong ko ulit. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ay talagang nagsisigawan na kami ni Artemis.
We are not in good terms, remember?
[Sa hospital, then she's gone!] Natatarantang sagot niya.
"Hinanap niyo na ba siya sa bahay nila? sa school? sa tagpuan?" Sunod sunod kong tanong.
[Hinalughog na namin ang mga lugar na yan except sa tagpuan dahil nasa Baguio yun pero papunta na doon si Psyche, I'm gonna hang up] Sabi ni Artemis at pinatay ang tawag na hindi man lang ako nakasagot.
Inilagay ko pabalik yung cellphone sa shoulder bag ko at bumuntong hininga.
Saan kaya posibleng naroon si Eury?
Bukod sa bahay at skwelahan, wala na akong alam na lugar na possibleng pupuntahan niya.
Eury nasaan kana?
Eurydicé
"You should watch your friends searching for you, how lucky of you daughter" Sabi ni mama habang nakatulala lang sa glass window habang hawak hawak sa kaliwang kamay niya ang wine habang nakatingin sa view.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Fiksi Remaja"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis