Chapter III

45 3 0
                                    



Eurydicé

Nagtataka ako dahil hindi nakaabot si Psyche at Hestia sa first subject namin after lunch. Kalalabas lang ng teacher namin at dumagdag pa sa iniisip ko si Artemis dahil nakita niya kanina na hinulma ko ang letters na 'E and O'. Kakaiba kasi magreact ang bruhang yun eh.

Kanina kasi, noong umalis na si Artemis dahil first subject after lunch niya ang History. Malapit na kami sa room noon nang magpaalam si Psyche dahil maglalaro daw siya ng ML dahil rank game daw yun. Pag asa na daw niya yun para maging Master siya. Hinayaan ko lang siya at kami nalang ni Hestia ang pumasok. Nang makaupo kami ay biglang nagpaalam si Hestia na may nakalimutan daw siya sa locker niya.

Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila nakarating sa first subject, kahit si Orpheus ay wala.

'Ui iniisip niya ang first love niya' Napailing ako sa maliit na boses na nasa utak ko. Nasa likuran ko kasi ang upuan nila kaya napalingon ako doon at nakita ko si Poseidon aka Karagatan na nakangisi sa akin.

"Oh? hinahanap mo si Orpheus no? nag cutting yun!" Nakangising sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Gwapo naman si Poseidon the Karagatan, mala Harry Potter ang itsura at kulang nalang sa kanya ay isang wand.

Paano ba kami naging magkaaway ng lalaking 'to? efa-flashback ko nalang.

[Flashback]
Three years ago

August

May dumating na note sa aming room na nagsasabing dapat daw umatend ng meeting ang President, Vice President at ang Secretary ng K-psep club.

Nandito kami sa isang bakanteng room na katabi ng ESP department. Medyo marami kaming nandito at alam ko naman na mag e-election nanaman kami para sa officers for whole grade 9 kasi grade 9 pa ako.

Kanya kanya na sila ng mga vote at tinitignan ko ang mga mukha nila. Halo halo kaming nandito, May taga science high, crack, at regular.

"The nomination for BoD is now open" Sabi ng babaeng taga science high at isa isa na silang nag hands up.

Hanggang sa may isang kalokohan na pumasok sa isip ko, bigla akong napangiti ng masama at itinaas ang aking kanang kamay.

"Yes Miss?" Sabi ng babaeng nasa board, siya kasi ang taga sulat ng nominees.

"I NOMINATE MYSELF!" Sigaw ko sabay ngisi kaya lahat ng nandoon ay tumingin sa akin, may ibang nagulat, nagtaka, at may mga taong hindi ko mabasa ang ekspersyon.

"Ano ang apelyedo mo miss?" Tanong ng taga sulat.

"I'm Eurydicé Axis, Axis po miss" Nakangising sabi ko.

Siyam ang kukunin na BoD at kasama ako doon, para akong sira na ngi-ngiti ngiti. Kaming mga bagong officers ay binigyan ng papel, nilagyan namin yun ng pangalan namin at sabay sabay nag promise.

Kasama ko doon yung lalakeng naka eye glasses na naka kunot noong naka tingin sa akin.

At siya si Poseidon.

[End]

"Oh? bakit ka tulala? nagwapuhan ka sakin no? alam mo Eu, okey lang sa akin na magkagusto ka pero hindi ko masusuklian ang pag ibig mo" Napangiwi ako sa sinabi ni Poseidon. Eu talaga ang tawag niya sa akin ever since nagkakilala kami. Sobrang mouthful daw kasi yung Eurydice eh tapos ako naman ay Karagatan talaga ang tawag sa kanya.

"Umayos ka nga, at tsaka huwag tayong maglokohan dito, alam naman natin pareho na--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nag iba ang reaksyon niya.

"---Naiinis ako sayo dahil pinagtripan mo ako noong grade ten tayo" Pagpapatuloy ko sa sinabi ko. Naalala niya siguro yung time nayun kaya natawa siya.

"Ni-nominate mo pa ako as President!" Inis na sabi ko sa kanya habang pina-flashback ko sa isip ko ang mga pangyayari noong magka klase kami noong grade ten pa kami.

"Sayang nga lang ang hindi ka nanalo, pero ni-nominate mo naman ako bilang Vice President" Sabi niya at natawa naman ako.

"Pero hindi ka nanalo, ninominate mo naman ako bilang secretary" Sabi ko at natawa ng konti.

"Tapos di ka nanalo at bumawi ka naman, ni-nominate mo naman ako sa treasurer tapos tayo lang ang maingay" Sabi niya at natawa.

"Doon ka na nanalo, nagtaka nga ako kung bakit hindi mo na ako nin-nominate sa Bussiness man, PIO, o sa sergeant at arms kaya naisip ko na baka pagod kana kaya natuwa ako kasi tumigil ka na!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Pero lintik lang ang walang ganti kaya ni-nominado kita bilang muse! hahahahaha" Tawa pa niya kaya naalala ko ang araw na iyon.

"Naaala ko pa nga kung paano mo hinubad yung sapatos mo at itinutok sa amin sabay sabi ng 'sasampalin ko lahat bumoto sa akin ng muse' sobrang tawa namin nun tapos lahat kami ay bumoto sayo" Natatawa niyang saad.

"Tapos yung nakalagay sa blackboard ganito, 'Axis- 1,000,000,000 victory'" Natatawang kwento ko kay Karagatan.

"Lugi nga ako kasi pinagtutulungan niyo ako, ako lang mag isa samantalang kayo lahat na mga lalake ang kalaban ko" Naiinis kong sabi tapos ngumiti rin ako sa huli.

"Eh hindi ka magpapatalo eh" Natatawang sambit ni Karagatan. Tawa kami ng tawa ng bigla nalang dumating si Daphne.

"Wala daw yung teacher natin!" Sigaw ni Daphne kaya natuwa kami sa binalita niya. Lumapit ako sa kanya para magtanong.

"Daphne nakita mo ba si Hestia o si Psyche?" Tanong ko. Wala rin kasi si Daphne sa first subject baka nakasalubong niya sa daan.

"Si Hestia? hindi ko siya nakita o nakasalubong man lang pero nakita ko si Psyche. Nagkasalubong kami sa library, palabas na siya habang nakayuko pero nasisigurado kong si Psyche yun at papasok naman ako sa library" Sabi ni Daphne kaya napatango tango nalang ako pero deep inside nagtataka ako dahil bakit naman nandoon si Psyche eh hindi naman yun mahilig na magbasa ng libro?

Magtatanong pa sana ako nang makita ko si Hestia sa may pintuan at nakangiti sa akin.

"Hi momshie!" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Saan ka ba galing? hindi ka tuloy nakaabot sa first subject, ano ba kasi ang kinuha mo sa locker mo at natagalan ka?" Sunod sunod kong tanong pero imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya sa akin. Tatanungin ko sana ulit si Hestia nang dumating si Psyche na hawak hawak ang kanyang cellphone.

"Oh Psyche! bat ngayon ka lang?" Nagtatakang tanong ko pero ningitian niya lang ako.

Nakakapagtataka, bakit ayaw nila akong sagutin?

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon