Orpheus
"She's your mother, isn't she?" Pero hindi na nakasagot si Calliophe dahil nagsalubong na ng kilay ang mama niya at bumati na siya sa mama niya at nasa likuran lang ako ni Calliophe.
"Thisbe, ano ba ang sabi ko sayo? You should not talk to a stranger" Pagpapangaral ni Eury sa bata kaya kumunot ang noo ko.
Paano ako naging stranger kay Calliophe?
"But he's not a mere stranger mommy, he is my daddy Orpheus now" Pagpapaliwanag ni Calliophe kaya tinignan ako ng masama ni Eury kaya natawa ako at itinaas ang dalawa kong kamay na para bang sinasabing wala akong kinalaman sa sinasabi ni Calliophe.
"Mommy, pwede ba na isama natin si daddy sa date natin? He is my daddy now" akiusap ni Calliophe kaya biglang lumaki ang ngiti ko.
Mas mapapadali ang plano ko.
"Your daddy Orpheus is a busy man, He is a soldier so maybe next time nalang ha? Diba Orpheus? Busy ka?" Sagot ni Eury sa bata at pinandilatan ako ng mata na para bang sinasabing dapat akong sumang ayon sa sinabi niya.
"Actually nag leave ako sa trabaho dahil simula nang naging sundalo ako ay hindi ako nag leave" Pagpapaliwanag ko kaya mas pinandilatan ako ni Eury ng mata at humarap naman sa akin si Calliophe at niyakap ako.
"Let's go eat first" Suhesyon ni Calliophe kaya sinang ayunan nalang namin.
***
Nasa isang fast food chain kami dahil paborito daw ni Calliophe ang mga fastfood chain kesa daw sa mga restaurant.
"Ako na ang kukuha ng order, maiiwan ko muna kayo dito" Sabi ni Eury at pumila na sa may counter, nang masigurado kong nakaalis na ngang talaga si Eury ay agad akong humarap kay Calliophe, bale nasa harapan ko silang dalawa pareho.
"You didn't answer my question, She's your mother isn't she?" Pag uulit ko sa tanong ko kanina kay Calliophe.
"But mommy Psyche and mommy Eury told me that I should not confirm something to someone, baka ma disappoint ko sila" Pangangatwiran ni Calliophe sa akin kaya bahagya akong natawa.
"You know.. for a seven years old kid, you're smart" Sabi ko sa kanya. Alam kong pinagsabihan na siya nila Psyche bago sila bumalik dito sa pinas.
"I'm still six years old but really?"
"Ofcourse, Eury is smart so are you" Sagot ko sa bata, hindi ko alam kung kakagat ba siya sa pain na inilagay ko.
Sasagot na sana siya nang may na realize siyang isang bagay, bahagyang kumunot ang noo niya at ilang sandali palang ay sumilay na ang kanyang ngiti na naging ngisi sa katagalan.
"You said it yourself daddy that I'm smart so I won't bite your bait" Natatawang pagpapaliwanag niya kaya natawa narin ako. Ipinalaki nina Eury at Psyche si Calliophe na matalino kaya hindi ito basta basta lang na bata.
Kakausapin ko na sana ulit si Calliophe nang dumating si Eury at may kasunod na crew, ang dami naman ata ng inorder ni Eury, may bibitayin ba?
Agad akong tumayo at tinulungan si EUry na mailapag ang mga pagkain na inorder niya at naupo na siya sa tabi ni Calliophe.
"Let's eat" Sabi ni Eury kaya agad na kinain ni Eury yung Ice cream.
"Calliophe, eat your spaghetti first" Sabi ko at ni-mix yung spaghetti niya.
"But my ice cream will melt" Pagmamaktol niya kaya napabuntong hininga nalang si Eury.
"Eat your spaghetti first baby" Sabi ni Eury kaya humaba yung nguso ni Calliophe, she's cute while doing that.
"Mommy mag c-cr lang ako" Bulong ni Calliophe kay Eury pero narinig ko naman, aakmang tatayo si Eury pero pinigilan siya ni Calliophe.
"Mom, I'm big girl na, I can manage"
"Okey just take your time" Sagot ni Eury at umalis na si Calliophe.
"Kumusta si Hestia? Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot dahil ibang katanungan ang aking sinabi
"So... Calliophe huh? Why did you hide your daughter?" Tanong ko kaya napahinto sa pagkain si Eury at tinignan ako kaya ako naman ang umiwas sa kanyang mga tingin at nag patay malisya habang kumakain ng ice cream.
"Ano ba ang paki mo?" Nagtataka niyang tanong kaya bigla akong napangisi at sinalubong ang kanyang mga titig, bahagya siyang nagulat.
"You really think na wala akong alam sa mga nangyayari seven years ago?"Natatawa kong sabi pero nanatili paring tahimik si Eury.
"Orpheus ano ba ang kailangan mo? Why are you doing this? Kung dahil ito sa mga nangyari seven years ago pwes I already moved on, I have my Thisbe now" Pagpapaliwanag niya habang ako naman ay tumatango tango lang sa kanya.
"Kung sapat na sayo si Calliophe eh bakit bumalik ka pa dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya at bahagya siyang ningitian pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Artemis and Poseidon is getting married and I want to break the ice between the all of us. Matatanda na tayo Orpheus, may sariling buhay narin tayo at hindi na tayo mga bata pa para makulong sa mga pangyayaring iyon" Pagpapaliwanag niya ulit pero dahil wala lang akong kibo ay inikutan niya lang ako ng mata at nagsimula nanamang magsalita
Ibang iba na si Eury na kaharap ko ngayon kesa sa kilala ko noon seven years ago. Yung dating mabait at medyo kalog ay napalitan na ng masungit at may pagka sopistikada na. Hindi ko siya nakitang sinungitan ang mga tao noon kahit kanino man pero ngayon ay madalas na siyang naka poker face, nakataas ang kilay at iniikot ang mata.
"Do you understand?"
"I'm sorry may sinasabi ka ba?" Tanong ko kaya agad kong nakita ang pamumula ng tenga niya at inikutan ako ng mga mata niya.
"Nakakabuwisit ka talaga kahit kelan, Orpheus" Inis niyang sabi kaya natawa ako.
"Talaga? Eh hindi ka nga nabu bwisit sa akin seven years ago" Pang iinis ko pa kaya inikutan niya lang ako ng mata tapos ibinalik niya sa akin ang kanyang paningin at tinaasan ako ng kilay.
Naimpluwensyahan na yata siya nina Psyche at Artemis.
"Bakit sa laki laki ng mall at sa dinami dami ng mall ay talagang ipinagtagpo na maglandas ang landas niyo ni Thisbe" Inis niyang tugon.
"Come on Eury, naging mag bestfriends naman tayo so you can share to me why did you hide your daughter" Sabi ko at sumubo ng hamburger.
"How many times do I have to tell you that it's none of your business" Seryoso niyang sabi at tinaasan nanaman niya ako ng kilay.
"Bakit noong nag sabay sabay tayong kumain ay hindi mo man lang ipinakilala sa amin kung sino talaga si Calliophe? Kung anak ba talaga siya ni Psyche o anak mo ba o anak ban i Caerus?" Seryoso kong tanong kaya nabigla siya sa pagbabago ng tono ng aking pananalita, magsasalita na sana siya nang inunahan ko siya.
"It's none of my business..is it really none of my business? Hmm Eury?" Paninigurado ko pero nanatili parin siyang walang kibo.
"So tell me Eury..." Pagpuputol ko sa sasabihin ko at nanatili parin siyang nakatingin sa akin, hindi na siya kumakain dahil naka focus siya sa kung anong sasabihin ko.
"Bakit mo ipinagdadamot sa akin si Thisbe na anak ko?"
A/N: And cut! Lipat muna tayo kina Poseidon at Artemis.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis