Chapter XXXIII

16 1 0
                                    





Psyche

"Kinakabahan kang bumalik no?" Tanong ko kay Eury na nakapikit ang mga mata. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya natawa ako.

"Gaga! alam kong gising ka, ako pa ang lolokohin mo eh" Natatawang sabi ko kaya dumilat ang mga malalaki niyang mata.

"Oo na gising na!" Naiinis niyang sabi kaya mas lalo akong natawa. Nandito nga pala kami ngayon sa eroplano, mag e-stop over kami sa Honkong then Manila na kami.

"Usap muna tayo" Pagmamaktol ko pero inirapan lang ako ni Eury at muling ipinikit ang mga mata kaya napangisi ako.

"Kung ayaw mo ede mag iingay nalang ako" Sabi ko at ngumiti ng pagkalaki laki kaya muli niyang idinilat ang mga mata niya.

"Ano ba ang pag uusapan natin?" Tanong ni Eury sa akin kaya ningitian ko lang siya.

"Lahat ng pagdududa mo sa akin" Deretsong sabi ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi kita pinagdudahan kahit kailan" Seryosong sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya.

"Alam ko pero pinagdudahan ako ni Artemis noon" Sabi ko at natawa nang maalala ko nanaman ang mga pagdududa ni Artemis sa akin.

"Bakit ka naman pagdududahan ni Artemis at ano naman ang ginawa mo para magduda si Artemis sayo?" Tanong ni Eury sa akin.

"At tsaka sure ka bang si Artemis ang nagduda sayo?" Dagdag pa niya kaya bumuntong hininga ako.

"Okey fine, si auntie Ailish yung nagduda sa akin dahil nakwento kasi sa kanya ni Artemis tungkol sa palaging nimi-meet ni Orpheus doon sa library tapos palagi naman akong nandoon eh" Paliwanag ko at ningisihan siya hanggang sa may naalala ako.

"Alam mo ba? hindi talaga namukhaan ni Artemis kung sino yung kasama ni Orpheus noong unang beses niyang nahuli ang dalawa pero ako lang at si Hestia ang pinagdudahan niya so technically pinagdudahan parin ako ni Artemis, tumigil lang ang pagdududa ni Artemis sa akin nang mahuli nanaman niya si Orpheus kasama si Hestia" Mahabang sabi ko at tinignan niya tapos kinunutan niya lang naman ako ng noo.

"Paano mo naman nalaman yan?" Tanong ni Eury.

"Nakapag usap kami ni Artemis tungkol sa panandaliang pagduda niya sa akin" Sabi ko at natawa.

"Alam mo ba noong magkasama kami ni Hestia na mag mall, nagpaalam kami sa inyo diba?" Tanong ko kay Eury at nag isip isip naman siya. (Chapter IV)

"Oo, naalala ko na, teka ano namang meron doon?" Tanong ni Eury.

"Nasa dulo kasi ang painting shop at ang pakay naman sa mall ni Hestia ay nasa kabilang dulo kaya napagdesisyunan naming magkita nalang sa K-pop Cafe pero hindi ko inaasahang makita si Orpheus, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko" Sabi ko at nanlaki naman ang mga mata ni Eury.

"Inlove ka kay Orpheus?" Gulat niyang tanong kaya muntik ko na siyang masapak.

"Gaga! nang makita ko siya ay bigla akong nagalit dahil alam kong magkikita sila ni Hestia kaya sinundan ko sila" Pagrarason ko kaya napa 'ahh' naman si Eury.

"Nagsinungaling ka kay Artemis, ang sabi sa akin ni Artemis, Third week of june mo pa daw nalaman ang lahat" Sagot ni Eury sa akin kaya natawa ako.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon