Chapter XLVIV

19 2 0
                                    


Psyche

Two years later...

Nakaupo ako sa sasakyan ko sa may driver seat habang hinihintay ang paglabas ni Eury sa bahay nila pero umikot ang mga mata ko dahil hanggang ngayon ay wala parin siya.

Anyways, masaya na ang mga nangyayari sa mga buhay naming ngayon dahil una, ikinasal na si Artemis at si Poseidon two years ago tapos pangalawa, ayos na ang lahat sa pagitan nina Eury at kay Orpheus—Oo nga pala ikinasal na sila almost two years ago narin, first reason nilang dalawa sa amin ay para daw kay Calliophe pero tignan mo naman ang dalawa ngayon, masaya na kanyang pamumuhay.

Si bruhang Artemis naman, ayun! Kasado na kay Poseidon pero wala sa kanila yung anak ni Khione na si Hercules dahil nandoon si Hercules kay Tita Zen, wala na daw kasing kasama si tita Zen sa bahay nila dahil may sariling bahay na sina Eury at Calliophe kaya inampon nalang niya si Hercules para daw may maalagaan siya at isa pa, sabi niya baka hindi daw nila matutukan masyado si Hercules pag nagkaroon na sila ng anak.

Si Hestia naman ay nag improve naman ang lola niyo mga inday dahil---

"Eury, alam mo isa kang malaking tatanga tanga, ipinaghintay mo ang magandang magandang ako dahil lang sa mahilig kang magpa late? Eh late narin nga akong nakarating tapos mas late ka pa sa akin, nakakaimbyerna" Bungad ko sa kanya nang lumabas na siya sa kanilang bahay at inikutan niya lang ako ng mata at umupo sa passenger seat.

"Kina Artemis, go" Napanganga lang ako dahil akala niya siguro agenda na siya dahil may karapatan na siyang utusan ako ng ganyan.

"Pasalamat ka at maganda ako" Inis kong sabi at nagmaneho na.

"Alam niyo, nakakabuwisit kayong tatlo, ginawa niyo akong driver kahit pa sobrang ganda ko" Inis kong sabi pero hindi ako pinansin ng impaktang Eury pero ningisihan niya lang ako.

Nang makarating kami sa bahay nila Artemis ay nakahanda na ang bruha at naiinip na naghihintay sa labas ng bahay.

"Sabi ko naman sayo eh unahin mong puntahan si Artemis, alam mo naman na hindi nale late ang bruha at alam mo naman na dalawang oras bago ang ating napag usapan ay tapos na yan" Umikot ang mata ko kay Eury dahil sa pangaral niya.

"Alam niyo kahit kailan mga bruha kayo, pinaghintay niyo ako ng tatlong oras, tama ba yun? Tama bang paghintayin ang tulad kong mala diyosa ang kagandahan ng tatlong oras?" Reklamo ni Artemis nang makarating siya pero inikutan ko lang siya ng mata.

"Eh sino ba ang may sabi sa iyo na tumayo ka ng tatlong oras sa labas ng bahay niyo?" Tanong ko pero hindi ako pinansin ng bruha at inirapan lang ako.

"Kahit kalian talaga ay palagi kayong late, 27 years old na tayo pero hindi parin nagbago ang mga ugali niyo nine years ago, para parin kayong highschool kung umasta" Pangangaral ni Artemis kaya ningisihan lang naming siya ni Eury.

"Alam kong matagal naring naghihintay si Hestia dahil sa inyong tatlo, siya lang ang matinong kausap pagdating sa usapan ng oras" Dagdag pa ni Artemis kaya di nalang naming siya pinansin.

Nang makarating kami sa bahay ni Hestia ay agad siyang nagreklamo kung bakit ang tagal ko.

"Wow ako talaga ang nasisi ha? Pwedeng si Eury naman" Sabi ko pero nagtakang tumingin sa akin si Eury.

"Bakit ako?" Tanong ni Eury habang nakaturo sa sarili nia.

"Alam niyo kanina pa ako naiimbyerna sa inyo, Ako na nga lang ang magda Drive Psyche" Sabi ni Artemis kaya sa huli nagkapalit palit kami ng pwesto. Nasa driver seat si Artemis habang katabi niya si Eury at nasa likuran ako ni Eury at katabi ko si Hestia.

Anyways, papunta kami ngayon sa dating tagpuan namin, si Artemis nga pala ay may anak na lalaki na si Apollo at magto two years old na yung cute niyang baby kaso si Poseidon muna ang bantay dahil may lakad kaming apat, si Hestia naman ay hindi nagpa kabog, boyfriend niya si Caerus at wala akong planong e kwento ang mga pangyayari dahil malapit na ang ending.

Tapos ako? Well, maganda naman ang buhay ko, kasama si Eros.

Artemis

Nabubuwisit ako habang nagda drive dahil sa ingay ng tatlong ito kaya mas pinili ko nalang na e-focus yung atensyon ko sa daan dahil sa mga pangit na ito. Nililibang ko lang ang sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng mga punong magaganda.

"Artemis, huwag kang tatanga tanga, malapit na tayo"Sabi ni Eury sa akin pero hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya dahil may dumaan na isang napakalaking truck na bumusina.

"Ano nga ulit yun Eu?" Tanong ko ulit.

"Ang sabi ko..." Hindi ko na maintindihan ang mga sinabi ni Eury, hindi dahil sa may dumaang truck kundi dahil sa akin.

Biglang sumikip ang dibdib ko at para bang kinakapusan ako ng hininga kaya napakapit ako ng mahigpit sa manubela.

Wala akong kahit anong naririnig.

Napayuko ako habang iniinda ang sakit ng dibdib ko at nanatili parin na mute yung mandinig ko. Nagiging blurred narin yung paningin ko at para bang napipi ako dahil hindi ako makapagsalita kahit na gustuhin ko.

"Art okey kalang ba?"

"Ako nanaman ang magmamaneho, baka nasobrahan ka ata sa pagdrive"

"Artemis, ihinto mo ang sasakyan!"

Alam kong nagsasalita sila pero wala akong naririnig, parang nilulunod ako.

"T-tulong..tulong" Sagot ko pero hindi ako sigurado kung naririnig ba nila ako pero pinilit kong ipanatili ang mga mata ko sa daan.

Hindi ako makahinga..

"Artemis! Ikaliwa mo!"

Pero nang nag focus ako a daan ay nawala na yung nanlalabo kong paningin pero wala parin akong naririnig at may namataan akong isang puno na nasa kanan kaya pinilit kong ikaliwa pero huli na ang lahat at nawalan na akong ng malay.

A/N: Next stop, the last chapter.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon