Psyche'It's not your fault Psyche, ginawa mo lang ang dapat gawin ng kaibigan' Bulong ko sa sarili ko. Kanina pa ako naglakad lakad dito sa mall pero hinahayaan ko lang kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakayuko at naglalakad at paulit ulit na kinakausap ang sarili ko.
'Come on Psyche, hindi mo yun kasalanan. Nakita mo lang kung gaano kalungkot ang kaibigan mo kaya mo siya dinala sa lugar na iyon at pinalabas lahat ng emosyon niya para naman kahit papaano ay makahinga siya' Bulong ko ulit sa sarili ko.
Nanginginig ang mga kamay ko at mga tuhod ko at namumutla rin ako, hindi ko kasi sinabi sa kanila ang lahat ng nangyari.
[Flashback]
"Di ko na kaya" Huling sambit niya bago siya nawalan ng malay.
Buti nalang ay nasalo ko siya at sinapo ang kanyang pisngi.
"Eury, Eury!" Paulit ulit kong sigaw habang mahinang tinatapik ang pisngi niya. Nakahiga sa lap ko ang ulo ni Eury habang paulit ulit na tinapik ang kanyang pisngi.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko, nanghihina na ako at nanlalabo na ang mga paningin ko ng dahil sa luha. paulit ulit lang ako ng pagtapik nang may naramdaman akong malapot na likido.
Nanlamig ang mga kamay ko anng makita ko ang dugo na umaagos mula sa ilong niya.
"Eury! Eury!" Mas malakas na ang boses ko at mas nanlamig ang mga kamay at nanginginig na ang tuhod ko kaya hindi ako makatayo.
Laking gulat ko nang may tumulong sakin.
"Eury? Ps-Psyche? Anong--"
"Si Eury! Si Eury!" Nagulat ako nang makita kong si Eros pala ang taong ito pero hindi ko yun inalintana pa dahil mas mahalaga si Eury.
Agad na binuhat ni Eros si Eury patungo sa kanyang sasakyan at sumakay narin ako sa sasakyan ni Eros.
Nasa driver seat si Eros habang nasa likod kami ni Eury. Mabilis ang pag mamaneho ni Eros pero malayo pa kami.
"Eros! malayo pa tayo sa manila! wala ka bang alam na hospital dito?" Tanong ko.
"Hindi ko alam, magtatanong tanong nalang tayo!" Natataranta niyang sagot.
Mabuti nalang at nakapagtanong kaagad kami at agad naming naisugod sa hospital si Eury.
***
Nakatingin lang ako ngayon kay Eury. Nailipat na siya sa private room at hindi ko pa alam kung ano ang findings ng doctor. Wala pa kasing resulta at kung meron naman daw, hindi pwedeng sabihin sa amin dahil kailangan daw ay ang pamilya ng pasyente.
"Ano ba ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Eury? maayos naman siya sa huli naming pagkamustahan ah?" Tanong ni Eros. Ewan ko pero natawa ako ng mapakla.
"Ang huling pagkamustahan niyo ay dalawang taon na ang lumpas. Ano ba ang gusto mo? ipaalala ko sayo ang lahat ng nangyari two years ago?"Pagtataray ko pero hindi na niya ako sinagot. Maya maya lang ay biglang nag ring ang cellphone niya at tinignan ako na para bang nagso-sorry. Kumunot ang noo ko at tinignan yung caller.
Agad akong napangiwi nang mabasa kong si Khione yun.
"Sasagutin ko muna to ha? babalik lang ako" Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumango lang ako sa kanya at ang narinig ko nalang ay ang pagbukas sara ng pintuan.
Wala pang isang minuto ay narinig kong bumukas ang pintuan. Nakatalikod ako sa pintuan kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok pero nakakapagtataka naman kung si Eros dahil kilala ko si Khione, napaka oa nun masyado kaya alam kong oras ang hihintayin ko bago siya darating.
"Psyche" Tawag niya sa pangalan ko kaya nanlaki ang mga mata ko pero hindi ako lumingon sa kanya. Kilalang kilala ko ang boses na 'yun kahit pa halos ilang taon ko na siyang di nakausap o nakita.
Umupo siya sa kinauupuan ni Eros kanina at tinignan si Eury na natutulog lang.
"Paubos na ang oras niya dito sa pilipinas, alam mo na ang gagawin ko" Panimula niya na ikinatakot ko.
Dahil alam ko sa sarili ko na wala na akong magagawa kapag siya na ang makalaban ko.
"You see, this past two years... she had enough. I have eyes and ears everywhere" Dugtong niya at bumuntong hininga at pasimpleng sinuklayan ang buhok ni Eury.
"Pero--"
"No buts" Pagputol niya sa sinasabi ko.
"Pero marami pa siyang gustong marating sa buhay, huwag mo naman sanang ipagkait yun sa kanya" Lakas loob kong sagot sa kanya.
"Pero paubos na ang oras niya dito sa lugar na ito. Eury and I made a deal---"
"Pero diba after graduation pa yung deal?" Pagputol ko rin sa sinasabi niya. Hindi kasi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon.
"You see, your so called 'friend' here destroyed your amazing oath that cause a heartbreak to 'my' dear Eury. As I've said, she had enough, you can come with us if you want to" Saad niya.
"Masisira mo ang pangarap ni Eury--"
"So what's the difference? they destroyed Eury too! at huwag mo akong kalabanin Psyche, pareho nating hindi gustuhin na mangyari yun" Seryosong sabi niya at tumayo.
"I already prepared everything. Alam kong hindi ka papayag sa gusto kong mangyari so i already talked to your parents that you really want to study in New York to pursue your dream of being an artist because if i will bring Eury with me, i should tag you along too because i know that you can destroy my plan" Mahabang sabi niya at naglakad papuntang pintuan at hinawakan ang doorknob.
"And by the way, we will move Eury to Manila for her other 'friends' can pay her a visit" Yun ang huli niyang sinabi at lumabas na.
[End]
Nanginginig talaga ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring yun sa buhay ko.
Hanggang ngayon ay nakayuko lang ako habang nakatulala nang may bigla akong nabangga.
"Nako pasensya napo kayo" Paumanhin ko pero tumawa lang siya.
"Psyche, don't be so bothered what i told you yesterday. Oh by the way, our flight will be tommorow so be ready" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Paano kung hindi papayag si Eury sa gusto mo?" Tanong ko pero ningitian niya lang ako.
"Ofcourse she will, she's in vunerable state right now and very hurt and besides, you know what's my main porpose for bringing the both of you in New york right?" Sa sinabi niyang yun ay napayuko ako. Hindi ko kasi maitatanggi na gusto ko rin ang plano niya sa new york para sa akin at kay Eury.
"See you tomorrow darling" Nakangiting sabi niya at naglakad papalayo habang ako ay nakatulala lang.
Sino nga ba siya?
Well, siya yung kausap ko kahapon sa hospital, siya yung taong sobrang tagal nang hindi nakita ni Eury.
Si tita Zen, ang nanay ni Eury.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis