Chapter XXXIX

13 2 0
                                    


Eurydice

"Sumosobra na talaga ang higad nayan ah" Inis na sambit ni Psyche, tinawagan ko kasi agad siya nang makaalis si Karagatan at kinwento ko na sa kanya ang mga pangyayari.

"Seryoso? Ang kapal ng mukha niyang sabihin na nagkaroon siya ng anak kay Poseidon—"

"Pero paano kung totoo yun? Baka naglasing si Karagatan at hindi niya alam na kung saan saang butas nalang pumapasok yung t*t* niya diba?" Pangongontra ko at sinimangutan ako ni Psyche.

"Ano ka ba? Kakampi ka ba ni Poseidon o kalaban? Bakit ka ba nag wha-what ifs dyan? Think positive beh! Mas kilala mo si Poseidon kesa sa akin kaya sana naman huwag kang nega" Pagsusuway sa akin ni Psyche.

"Yun na nga eh, kilala ko siya kaya alam ko ang mga galawan niya" Sagot ko sa bruhang Psyche.

"Sobra naman siguro yun kung papatol si Poseidon sa isang low class na pokpok diba?" Wala sa sariling sabi ni Psyche, susuwayin ko na sana siya nang biglang nagising si Artemis.

"P-poseidon..nasaan s-si Poseidon?" Yun ang una niyang sinabi nang magising siya kaya agad kaming tumayo si Psyche at lumapit sa kanya.

"Ano ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Okey ka na ba?" Sunod sunod kong tanong kay Artemis pero iba yung lumabas sa bibig ni Psyche.

"Wow girl ha? Yung bebe mo yung un among hinanap, hindi yung ganda ko" Inis na sabi ni Psyche kaya kaming dalawa ni Artemis ay sa kanya napatingin. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Karagatan.

"Ano ka bang damuho ka, matuto ka ngang kumatok hindi yung papasok ka nalang bigla" Inis kong sabi pero hindi niya ako pinansin dahil nagmadali siyang lumapit kay Artemis at kinamusta ito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Poseidon.

"Mabuti n-naman, m-medyo maayos n-na" Sagot ni Artemis at binalingan ako ni Poseidon ng tingin.

"Ano naman kung papasok ako bigla ng hindi kumakatok?" Tanong niya kaya inikutan ko lang siya ng mata.

"Paano nalang kung nagkataon na nagyayabangan kami ng size ng bra naming so syempre ipapakita naming mga dede naming so ano? Makikitingin ka?" Inis kong sagot sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin.

"Aalis muna ako, may pupuntahan pa kasi ako, mga bwisit kayo" Inis kong saad sa kanila.

"Okey lang, di kita kailangan dito" Inis na sagot sa akin ni Karagatn.

"Ako rin, aalis na ako dahil hindi niyo naman napapansin ang ganda ko at alangan namang makiki third wheel ako sa inyo diba? At isa pa, sa ganda kong ito? Pang third wheel? Like duh!" Sabin i Psyche at nauna syang lumabas sa akin kaya sumunod narin ako pero narinig ko pa ang pahabol ni Karagatan.

"Mas mabuti nga at umalis na yung destorbo kong kapatid"

Buwisit.

***

Nang makaalis ako ay agad kong ti-next si Khione.

MAGKITA TAYO

Oh diba? Capslock para damang dama niya na kailangan na naming magusap, ano nanaman kasing kalokohan ang pinasok ng kapatid ko.

K-pop Café, now.

Nang mabasa ko yun ay agad kong kinuha ang sasakyan ni Artemis at pumunta sa K-pop Café na sinasabi ni Khione, binilisan ko pa talaga ang pag da drive dahil excited na akong masabunutan ang pokpok na iyon. Pagkatapos niyang guluhin si Psyche seven years ago, si Artemis nanaman? Wala talagang magawa sa buhay ang babaeng yun.

Nang makarating ako ay nakita ko siya agad kaya umupo ako sa harapan niya.

"Tea? Coffee?" Pag aalok niya sa akin kaya ningitian ko lang siya.

"Anything will do" Sagot ko at nagtawag siya ng waiter, nag order na siya at ilang sandali lang ay dumating na ang order niya, ibinigay sa akin ng waiter ang isang iced coffee at dalawang slice ng cake na chocolate flavor.

"Bakit ang dami niyong naghahanap sa akin? may kasalanan ba ako sa inyo?" Nag kibitz balikat lang ako sa sinabi niya

"Parang ganon na nga" Tipid kong sabi.

"Alam mo bang nagkausap kami ni Poseidon kanina? Mababasa mo talaga sa kanyang mukha na labis ang galit niya sa akin pero wala naman siyang magagawa kundi ang panagutan kami ng anak ko" Natatawang sambit niya habang ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ng cake.

"Kelan ka naman niya binuntis?" Tanong ko at natawa naman siya.

"Akala ko si Psyche at si Artemis lang ang grabe kung maka prangka, pati na pala ikaw Eury ay matabil narin ang dila" Natatawa niyang sabi kaya kumunot ang nook o dahil nagtataka na ako sa babaeng ito, bakit panay ang tawa niya? May nakakatawa ba?

"Hindi mo sinagot yung tanong ko" Sabi ko, ang haba haba ng sinabi niya tapos hindi man lang niya nasagot ang tanong ko.

"Kailangan ko pa bang e-mano mano ang mga posisyon na ginawa namin? Saan ako magsisimulang magkwento? Sa parte bang nakita ko kayo ni Poseidon na nag iinuman oh dumeretso tayo do'n sa parting hinubad niya yung panty ko? In fairness, masarap pala si Poseidon" Sagot niya, sasagot na sana ako dahil hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng babaeng ito nang may narealize akong bagay.

May nangyari sa kanila sa panahong nag usap kami ni Karagatan? May isang bagay nalang akong kailangang malaman bago ko mapatunayan ang lahat.

"Nag usap kami ni Poseidon? Kelan naman yun aber?" Pang e-echos ko sa kanya habang siya naman ay nagkunwaring nag iisip.

"Hmm.. hindi ko na matandaan ang araw na iyon eh pero sa pagkakaalam ko eh kinabukasan no'n ay naglaho ka nalang bigla, paano ko nalaman na nawala ka nalang bigla? Eh sabay kayo ni Psyche nawala sa araw na iyon" Sagot niya kaya mas kumunot ang noo ko, parang may kakaiba sa kanya at sa mga sinasabi niya.

"Ano naman ang paki mo kay Psyche? Bakit inaalam mo pa ang mga nangyayari sa buhay niya?" Tanong kong muli ngunit inikutan niya lang ako ng mata.

"Dahil kay Eros" Bored niyang sagot kaya pinalampas ko nalang yun.

"So naniniwala ka talaga na paniniwalaan ko ang mga dahilan mo?" Tanong ko kaya nagtaka naman siya.

"Ikaw na mismo ang may sabi na bago may mangyari sa inyo ay nakita mo kami ni Poseidon na nagkausap, naalala ko na.." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.

"Alam mo kasi... sa araw din na iyon ay alam kong may naka s*x yung kapatid ko at kilala ko kung sino yun at isang bagay lang ang nakakasigurado ako..." Pambibitin ko sa sinasabi ko at ininom yung iced tea.

"Hindi ikaw yun" Nakatingin ako sa mga mata niya nang sinasabi koi yon kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Ipagpalagay nalang natin na nagawa mong lokohin si Artemis, si Poseidon at kahit ako ay naloko mo rin pero base sa timeline na sinabi mo ay nakakasigurado akong hindi ka nabuntis ni Poseidon o naka s*x man lang" Natatawang sabi ko, kung kanina ay siya yung palaging natatawa pwes ako nanaman ngayon.

"Nagawa mo man silang mapaikot gamit ang papel na iyon pero nakakasiguro akong hindi anak ni Poseidon si Hercules" Saad ko at tumayo.

"Thank you for your tea and a little time bitch but you have to fix everything as soon as possible or I will do it myself, bye" Yun ang huli kong sinabi at umalis.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon