Chapter XXXV

29 1 0
                                    




Artemis

Nakangiwi ako habang naghihintay dito sa airport.

"Ang tagal naman nila" Pagmamaktol ko, sayang naman itong monochromatic outfit ko.

"Relax Cia, wala pa tayong five minutes pero bagot na bagot kana" Pagpapakalma sa akin ni Poseidon.

Seven years na kaming mag jowa at going strong kami kaya mainggit kayo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa buhay nila Eury at Psyche doon sa NYC. Hindi rin nila alam kung ano ang nangyari sa amin sa loob ng pitong taon, hindi rin nila alam kung kami pa ba ni Poseidon o hindi na.

It's tita Zen's idea, dapat daw hindi kami mag uusap sa loob ng pitong taon para marami kaming mapagusapan and i want to surprise them too.

Poseidon and i are getting married.

Napangiti ako nang naisip kong muli na ikakasal na ako kay Poseidon, paniguradong magugulat sila.

"Kalalapag lang daw ng eroplano nila" Sabi ni Poseidon kaya agad akong napangiti kaya kahit ayaw kong aminin, namiss ko sila.

Nagsimula nang nagsilabasan ang mga pasahero daladala ang mga gamit nila at sinasalubong sila ng mga kaibigan at kapamilya nila.

Halos mabali ang leeg ko sa kakalingon kung saan na kaya sila.

"Artemis, is that you?" Tawag sa akin ng boses na pamilyar kaya agad akong lumingon.

"Psyche?"

"Art?"

Napangiti ako at agad akong yumakap sa kanya kahit na medyo may pagka oa parin ako.

Medyo nag mature ang mukha ni Psyche, makikita mo sa awra niya ang pagiging sopistikadang maldita at para mataas na tao. Her hair is so long and straight na mas nakapagdagdag ng lady like look niya.

"Nasaan na sila Eury?" Tanong ko, sasagot na sana si Psyche nang may yumakap sa akin mula sa likuran kaya hinarap ko siya, nakayuko lang siyang nakayakap sa akin pero alam kong si Eury ang babaeng ito. Parang 60 percent na magkahawig ang buhok ni Eury at Psyche.

"Ang ganda naman ng outfit mong monochromatic, talaganag agaw pansin sa ibang tao" Nakangiting sabi niya kaya agad kong napansin ang pagbabago ng itsura niya simula noong huli kaming nagkita seven years ago.

Medyo tan skin siya noong highschool kami pero ngayon, para na siyang model ng myra E. Mas naging attractive ang mga mata niya at medyo tumangos ang ilong niya.

Kung si Psyche ay parang sopistikadang maldita, ang awra naman ni Eury ay parang sopistikadang edukada kaya lihim akong napangiwi, ang sopistikada ng dating nila tapos ako pang magandang model lang.

At least ako maganda, panalo parin ako.

"Mahihiya naba ako sa monochromatic mong outfit?" Singit ni tita Zen habang seryoso ang mukha kaya natawa ako, model kasi si tita kaya siya ganyan. Nagpatuloy ang pagtatawanan namin ng bigla akong may naalala.

"Teka si Poseidon, hahanapin--"

"I'm here baby" Ngiting bati sa akin ni Poseidon habang hinawakan niya ako sa bewang ko.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon