Chapter VI

28 3 0
                                    


Artemis

Hindi muna ako papasok sa boring class namin dahil kailangan kong itanim ang bulaklak na ito sa library. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na auntie ko yung librarian at mahilig siya sa bulaklak and her name is Ailish at lahat ng bulaklak na ibinibigay sa akin ay tinatanim ko para naman mas magtagal pa ang buhay. Nakaipon lahat ng bulaklak na ibinibigay sa akin doon sa maliit na balcony.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napakatahimik na lugar and that makes me calm. Pumunta agad ako sa table ng auntie ko.

"Good afternoon auntie" Nakangiting bati ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti sa akin.

"Itatanim mo nanaman ba yan?" Tanong ni auntie Ailish. Agad naman akong tumango sa kanya.

"Iiwan ko muna to dahil kukuha pa ako ng flower pot, teka meron pa bang flower pots?" Tanong ko kay auntie at agad naman siyang tumango sa akin.

"Napapadalas kasi ang pagbibigay ng manliligaw mo kaya naman bumibili ako ng flower pots kapag may oras ako at tsaka nagustuhan naman ng principal yung mga bulaklak, kaya pasalamat ka sa manliligaw mo" Mahinang sabi ni auntie at bahagyang natawa kaya natawa rin ako at inilapag sa kanyang mesa ang bulaklak.

"Yung available na flower pots ay nasa balcony rin, kuha ka nalang doon" Sabi ni auntie kaya tumango ako.

Sinuri naman ni auntie ang bulaklak habang ako naman ay pumunta sa balcony at kumuha ng flower pot.

Napapikit ako sa simoy ng hangin dito sa balcony, ang presko presko naman dito kaya bahagya akong napangiti.

Nag stay ako sa balcony ng ilang minuto dahil ang sarap ng simoy ng hangin hanggang sa napagdesisyunan ko nang kumuha ng flower pot at bumalik doon sa pwesto ni auntie.

"May letter pala oh, hindi mo man lang napansin" Mahinang sabi ni tita kaya napakunot ang noo ko.

"Letter?"

"Oo, basahin mo oh" Kinikilig na sabi ni tita kaya agad kong binasa ang letter.

Good afternoon my beautiful Artemis, i just want to remind you about my feelings for you.

I am deeply inlove with you...

At hindi ako magsasawang ipaalala sayo kung gaano kita kamahal, Artemis. Pasensya na kung hindi ko pa magawang magpakilala sayo, wala pa kasi akong lakas ng loob na harapin ka.

Someday, i will have balls to confess my feelings for you. Hindi ko pa magagawa yun ngayon dahil medyo magulo pa ang lahat, may mga bagay pa akong inaasikaso.

It's very hard for me seeing you from afar, bilang lang ang mga pagkakataon na matitigan kita sa malapitan, you're attractive caramel eyes, small nose, kissable lips, your curved body, your original smell, lahat ng tungkol sayo ay nakatatak sa isip ko.

I love you Artemis, and i always do.

Ps. Don't give your sweet smile to other men or else jealousy will eats me.

Pps. Don't give your precious smile to this delivery kid.

~ C.

"Si Mr. C nanaman yan no?" Nakangiting sabi ni auntie kaya tumango ako.

"Si C lang naman ang nagbibigay ng white flowers sa akin eh" Nakangiting sabi ko.

"Pero auntie wala naman akong kilalang lalake na nagsisimula ang pangalan sa C eh" Sabi ko kay auntie.

"Baka naman hindi mo siya kilala pero kilala ka niya, hindi ko alam kung bakit siya nainlove sayo eh ang maldita mo naman" Sabi ni auntie kaya natawa ako ng mahina.

"Itatanim ko muna to auntie tapos maglilibot muna ako sa library" Sambit ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"Hindi ka nanaman ba papasok sa history class mo?" Tanong ni auntie kaya ngumiti ako.

"Alam mo na ang sagot dyan auntie"

***

Kakatapos ko lang na ayusin yung flower pot kaya naglibot libot nanaman ako sa library, alam ko kasing makikita ko nanaman ang malanding yun.

Nakakatawa ngang isipin na nakakaya niyang ngitian si Eury na hindi man lang nagkakaroon ng guilt. Kapal ng balat niya ha.

Pumunta ako sa madilim na parte ng library kasi alam ko na nadoon nanaman ang mga taksil dahil umalis ang babaeng yun at alam kong dito nanaman sila magkikita.

At hindi ako nagkamali, nandito nga sila, nakatingin ako sa may butas habang pinagmamasdan ang kataksilan nila. Kung nakikita lang ito ngayon ni Eury ay sigurado ako na sa bawat ngiti na ibinibigay nila sa isat isa ay isang luha ang mawawala kay Eury, iiyak agad yun eh, soft hearted kasi.

Ako yung nasasaktan para kay Eury kung sakaling makikita niya ito.

Bigla akong may naisip na kalokohan kaya napangiti ako ng masama.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at kinunan sila ng picture, halos two weeks na silang nagkikita ng palihim at halos two weeks narin akong sumusunod sa kanila.

Noong una ko silang nakita ay hindi ko sila nakunan ng picture pero nang magtagal ay palagi na akong nagpapa late sa History class ko para lang makunan sila ng picture.

Ilang sandali palang ay lumabas na ang babaeng traydor sa library na ito kaya lumapit ako kay Orpheus. Nakatalikod siya sa akin.

"Orpheus..." Tawag ko sa pangalan niya kaya napalingon siya. Nanlaki ang mga mata niya sa akin.

"A-Artemis..."

"Yep! that's my beautiful name" Nakangiting sabi ko sa kanya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang halo halong emosyon.

"Listen Artemis---"

"No! you fvcking listen!" Sigaw ko sa kanya kaya tinaasan ako ng kilay ng auntie ko.

"Labas" Walang emosyon na saad ni auntie. Hindi ko sinunod si Auntie bagkus ay hinila ko si Orpheus papunta sa balcony, sinara ko pa ang pintuan upang hindi nila marinig ang pag uusapan namin.

Nakatanaw ako sa malaking feild na kung saan konti lang ang mga taong nandito.

"Artemis, mali yung iniisip mo tungkol sa aming dalawa ni--"

"Mali?! Orpheus kayo yung mali! alam niyong masasaktan si Eury sa gagawin niyo! Orpheus Naging bestfriend mo naman siya diba? Hindi niyo ba naisip ang mararamdaman ni Eury?!" Sigaw ko sa mismong pagmumukha niya.

"Mahalaga rin sa akin si Eury, Artemis. Bigyan mo kami ng oras para ipaintindi sa kanya" Sabi ni Orpheus kaya tumawa ako.

"Huwag mo akong utusan, Orpheus, di mo ako kontrolado"

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon