A/N: Oh balik na tayo kay Eury, nagrereklamo na siya dahil siya daw yung bida tapos si Artemis ang palaging may eksena.
Eurydicé
Nakatingin ako kay Vee na nakangiti sa akin ng matamis kaya pilit ko rin siyang ningitian.
Ayaw kong maniwala na nag traydor ka sakin, Vee.
Nagkanya kanya na kami ng daan habang ako naman ay parang wala sa sarili habang naglalakad hanggang sa may nakabangga ako.
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang lakas ng impact ng pwet ko sa sahig.
"I'm sorry" Sabay naming sabi.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang boses na 'yon, hindi ako pwedeng magkakamali.
"Orpheus"
"Eurydicé" Napapikit ako dahil libo libong ala ala ang nagbalik sa akin sa simpleng pagtawag niya sa akin. Napangiwi ako nang marealize kong sabay kaming nagsalita.
I miss the way he called me that, pero alam kong hindi tama tong nararamdaman ko.
Nanatili akong nakayuko dahil ayaw kong makita ang mukha niya, masasaktan lang ako.
Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha ko nang maalala ko yung nakita kong video, mahal ko sila pareho pero hindi ko matanggap yung nasa video.
Kahit na nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kong maglakad patungong cafeteria pero hindi ko siya namataan doon kaya pumunta ako sa field at nakita ko siya doon kaya lumapit ako sa kanya.
Bilang lang sa mga kamay ko ang mga taong nandito, malapit na kasi ang time kaya nagsialisan na sila.
Ngumiti siya sa akin kaya biglang kumirot yung puso ko, di ko kayang komprontahin siya.
"Hi! upo ka" Nakangiting bati niya sa akin pero umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Sabihin mo sa akin na hindi naman talaga totoo yung nakita ko sa cellphone ni Artemis diba?" Nakangiting sabi ko kahit na nagbabadya na ang mga luha ko at siya naman ay namumutla.
"Gawa gawa lang yun ni Artemis para e-prank ako diba?" Nakangiti kong sabi sa kanya at siya naman ay tumayo sa pagkakaupo niya.
"Eury..."
"Wala lang magawa si Artemis sa buhay kaya niya ginawa ang kalokohang yun diba?" Sabi ko pero siya naman ay umiiling lang.
"Magsalita ka naman oh, sabihin mo naman sa akin na hindi yun totoo!" Sigaw ko pero kahit siya ay umiiyak.
"Magsalita ka naman Vee"
Artemis
A/N: Muling nagbalik ang kontrabida sa pag ibig~~~
Ps. This is the continuation of the kaharutan of Artemis and Poseidon.
"Flowers for you" Nakangiting sabi niya at ibinigay sa akin yung white flowers na as usual ay may ugat ugat pa upang maitanim ko.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis