Chapter XXI

19 2 0
                                    

A/N: Tama na ang pabitin at kaharutan! let's start the war--charot walang ganon, bad daw yun sabi ni Eurydicé.

Kay Hestia muna tayo.


Hestia

"Magsalita ka naman Vee" Sabi ni momshie sa akin habang pilit na pinipigilan ang luha niya.

"I'm sorry momshie" Umiiyak na sabi ko at lumapit sa kanya.

"Bakt ikaw pa? bakit siya pa?" Hindi na napigilan ni momshie ang luha niya.

"Hestia, saan ba ako nagkulang sa pagiging kaibigan ko sayo? nagkulang ba ako sa suporta? nagkulang ba ako sa oras? sa tiwala? sa pagmamahal? sabihin mo naman oh!" Dagdag ni momshie at napaupo kaya lumapit ako sa kanya at aakmang tutulungan siya pero tumayo siya mag isa at umatras siya palayo sa akin.

"Hindi ka naman nagkulang momshie, sumobra ka" Sabi ko at aakmang lalapit ulit sa kanya pero humakbang nanaman siya paatras.

"Nakshie...bakit?" Kalmadong tanong niya habang marahan na nakapikit at pilit na ngumingiti sa akin.

"P-pero okey l-lang naman s-siguro yun, alam kong m-maaalagaan ka niya ng m-mabuti k-kasi nakikita ko namang m-mahal karin n-niya" Pagpatuloy ni momshie sa sinasabi niya habang nakapikit parin at pinipilit na ngumiti sa akin.

"M-masaya ako para sainyo" Umiiling ako sa pinagsasabi niya kaya lumapit ako at kinuha yung kamay niya.

"Momshie magalit ka sakin! saktan mo ako momshie! awayin mo ako! sapakin mo ako! sabunutan mo ako! sampalin mo ako, huwag lang yung ganito!" Umiiyak na sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya na pilit kong sinasampal sa mukha ko pero pinapatigas ni momshie ang kamay niya kaya hindi ko masyadong nagagawa.

Dahan dahan niyang inimulat ang mga mata niya sa akin at mabilis na dumaloy ang luha niya.

"Hindi ko kayang saktan ka Hestia, mahal na mahal kita" Nakangiting sabi niya sa akin kahit na patuloy ang pagdausdos ng mga luha niya.

And i see the pain in her eyes. Pain, sadness and a glint of happiness kaya mas lalo akong umiyak.

Hindi siya galit.

"Momshie ano ba! magalit ka sa akin kasi may karapatan ka doon" Sabi ko at lumuhod ako sa harap niya.

"Huwag lang yung ganito, mas gustong kong magalit ka momshie, nagtraydor ako sayo at alam mo yun pero hindi ka man lang nagalit?" Inis kong sabi pero hindi ko inaasahan ang sunod na mangyari.

Tinulungan niya akong tumayo.

"Wala akong karapatan na magalit sayo dahil pareho nating alam na hindi naging kami pero minahal ko siya ng sobra" Sabi ni Eury.

"Momshie..."

"Masakit nakshie, lalo nang makita ko yung video pero hindi ko kayang magalit sayo, mahal na mahal kita Vee" Sabi ni momshie at niyakap ako kaya ako naiyak.

"Momshie, hindi ko deserve ang kabaitan mo sa akin, nagtraydor ako Eury kaya walang kapatawaran yun, hindi man naging kayo pero alam ko kung gaano mo kamahal si popshie at sinira ko yung Oath" Umiiyak kong saad pero umiiling lang siya sa akin.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon