OrpheusNakatingin ako kay Eury na masayang nakikipag usap sa childhood friend niya, sana masaya kana Eury.
I miss you Eury.
Pero naalala ko yung pinag usapan namin ni Artemis, second week of school kami nagkausap kaya halos isang buwan narin ang lumipas pero sariwa parin yun sa isip ko
Orpheus
One month ago"Huwag mo akong utusan, Orpheus, di mo ako kontrolado" Sabi ni Artemis habang nakatingin sa akin ng deretso.
"Hawak ko kayong dalawa sa leeg ng traydor kong kaibigan" Dugtong pa niya.
"Alam niyo ba na ang se-selfish niyo?! hindi niyo man lang naisip ang mararamdaman ni Eury?!" Sigaw niya kaya nainis ako.
"Paano naman kami, ha Artemis? dapat ba kami ang mag a-adjust para kay Eury?" Tanong ko rin at medyo tumaas ang boses ko sa kanya.
"Oo! kasi pareho naman nating alam na mas malaki ang isinakripisyo ni Eury kesa sa lintik na pag ibig niyong dalawa!" And those words hit me. Pareho kaming natahimik at pinagmasdan ko ang mga puting bulaklak.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong pamilyar sa akin ang bulaklak.
"Kelan pa?" Tanong ni Artemis.
"Anong kelan pa?"
"Kelan niyo pa niloloko si Eury?" Deretsong tanong niya.
"Wala kaming niloloko---"
"Pero naglihim kayo sa isang bagay na dapat alam namin bilang kaibigan! panloloko man o panlilihim, pareho rin yun!" Sigaw ni Artemis. May point naman siyang magalit sa amin dahil may mali rin kami.
"Hindi pa kami, hindi pa niya ako masagot sagot dahil kay Eury, parehong importante sa buhay namin si Eury kaya ang gusto niya na alam na ni Eury ang lahat at tanggap niya ang relasyon namin" Paliwanag ko sa kanya kaya lang, parang hindi naniniwala si Artemis sa sinabi ko.
"Pero bakit hindi kayo nagtapat noon? bakit hindi kayo nagtapat ha?" Artemis asked so I caught off guard.
"Alam naman natin na madaling masaktan si Eurydicé--"
"Stop calling her Eurydicé!, At Oo! madaling masaktan si Eury pero kahit anong desisyon niyo ay masasaktan at masasaktan si Eury!" Sigaw pabalik ni Artemis sa akin.
"You missed something! alam mo bang maiintindihan ni Eury ang pagmamahalan niyong dalawa?! hindi niya pa ito matatanggap sa simula pero alam kong pilit niyang iintindihin yun kasi kahit anong mangyari! mahal ni Eury ang higad na 'yun at mahal karin niya!" Sigaw niya kaya napatahimik ako.
I did not realized that.
"Kelan mo pa niligawan ang higad na yon?" Seryosong tanong ni Artemis sa akin.
"Two years ago---" Isang malutong na sampal ang nagpatigil sa akin ng pagsasalita. Tanggap ko ang sampal na iyon, isang sampal ng isang nagmamalasakit na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis