Chapter XXVIII

20 1 0
                                    



Artemis

Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko habang nasa sasakyan ako ni Poseidon.

"Poseidon, pakibilisan naman oh" Nanginginig kong pakiusap at tumatango naman si Poseidon sa akin habang ako naman ay hindi mapakali.

Lumipas ang ilang sandali ay naipit kami sa traffic na siyang mas nakapagpainit ng ulo ko.

"Tangina ng traffic yan!" Inis kong sigaw pero nanginginig parin ako.

"Hey Cia, you have to calm down, okey lang si Eury at makakarating rin tayo doon" Pagpapakalma sa akin ni Poseidon na nakatingin sa akin pero umiling iling lang ako.

"Hindi...hindi mo ako maintindihan, Poseidon! kailangan kong makita si Eury ngayon din!" Saad ko.

"Cia, Eury will be fine" Sagot ni Poseidon sa akin at pilit akong ningitian kahit na nahahalata kong nag aalala narin siya. Pinilit ko siya na Cia lang ang itawag sa akin dahil ang haba naman kung Salacia pa.

Ipinikit ko ang aking mga mata para ipakalma ang aking sarili.

Parating na kami, Eury.

***

Nakaratay na ngayon si Eury. Kami lang tatlo nila Poseidon at Psyche ang nandito.

"Psyche, ano ba talaga ang nangyari?" Ulit kong tanong sa kanya pero hindi parin niya ako sinasagot sinula nang makarating kami dito si Poseidon.

Akala ko hindi nanaman niya ako sasagutin tulad noong una pero mabuti naman at ibinuka na niya ang bibig niya.

"Dinala ko lang naman si Eury sa lugar na kung saan natin nilalabas ang lahat. Doon ko siya pinasigaw at pinalabas ang lahat ng sama ng loob niya at lahat ng sakit na nararamdaman niya pero bigla nalang siyang nahimatay nang ng kalapit na kami" Paliwanag ni Psyche na nakayuko lang hanggang ngayon.

Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas yung pintuan at pumasok ang dalawang taong kinaiinisan ko.

"Ang kapal naman ng mukha niyong bisitahin si Eury, hindi naman kayo welcome dito" Pagtataray ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin kaya inirapan ko sila.

Akala nila ha?

"Huwag kang mag alala, Artemis, aalis rin kami dito, binisita lang namin si Eury" Sagot sa akin ni Hestia kaya muntik pa akong natawa.

"Kayo ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to kay Eury" Walang alinlangan kong sagot sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan.

"Ano ba ang nangyari kay Eury?" Tanong ni Orpheus kay Psyche pero hindi umimik si Psyche dahil nakatulala lang siya sa labas ng bintana.

Hindi ko masisisi si Psyche, syempre siya yung huling kasama ni Eury eh.

"Labas muna ako" Walang gana kong sagot at wala namang umangal kaya lumabas na ako ng tuluyan at pumunta sa canteen.

Hindi ko namalayan na sinusundan pala ako ni Poseidon.

Nakaupo lang ako habang si Poseidon ang kumuha ng order namin. Inilapag na ni Poseidon yung inorder niya para sa amin at naupo na.

He look so worried for something.

"Ano ba ang iniisip mo?" Tanong ko kaya tinitigan niya ako ng deretso.

"Hindi mo ba napapansin?" Tanong ni Poseidon kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Anong napapansin?" Tanong ko pabalik.

"Unti unti na kayong nawawasak at nasisira, mas mabuting mag usap kayo ni Hestia at pag usapan ng mahinahon ang lahat" Sabi ni Poseidon kaya agad akong ngumiwi sa sinagot niya.

"Seriously? pag usapan? naririnig mo ba ang sarili mo Poseidon?" Hindi makapaniwalang sambit ko at binuntutan yun ng walang buhay na tawa.

"You have to Cia, para kay Eury ay gagawin mo yun" Sabi ni Poseidon at kumagat ng sandwich na binili niya.

"You have to set aside your pride for Eury, Cia" He answered back, i sigh.

"Sa tingin mo Poseidon, hindi ko pa ba nagawa ang lahat ng dapat kong gawin bilang kaibigan?" Tanong ko ulit pero umiling lang si Poseidon at uminom ng mineral water.

"You don't understand Cia, Lahat ng dapat gawin ng kaibigan sa sitwasyon ni Eury ay nagawa mo na, you're a good friend with a bad attitude" Napangiwi ako sa huli niyang sinagot sa akin.

"So kailangan kong kausapin si Hestia ng mahinahon?" Tanong ko pero agad namang tumango si Poseidon.

"Sa tingin mo, matutuwa ba si Eury kapag nalaman niyang nag aaway away kayo? mas masasaktan si Eury kapag nag aaway kayo ni Hestia at si Eury ang dahilan" Nakangiting sabi ni Poseidon kaya huminga ako ng malalim.

"Ano naman ang pag uusapan namin?" Tanong ko kaya mas lalong lumaki ang ngit niya.

"Anything will do"



Hestia

"Im sorry...Momshie" Bulong ko kay Eury na hanggang ngayon ay nakahiga parin. Si Artemis at Poseidon ay hindi parin bumabalik kaya hindi pa kami pwedeng umalis dahil walang makakapagbantay kay Eury, umalis na kasi si Psyche na hindi man lang sinabi kung saan pupunta.

"Hestia, i think you need to talk, the both of you actually" Paninula ni Orpheus kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Kami ni Eury?" Tanong ko.

"Kayo ni Artemis" Pagtatama ni Orpheus at sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok si Artemis.

"Orpheus, hinahanap ka ni Poseidon sa labas" Sabi ni Artemis kaya lumabas si Orpheus kaya ang naiwan nalang ay ako, si Eury na nakaratay at si Artemis na nakaupo na ngayon sa kinauupuan kanina ni Orpheus.

"Mas lumala ang galit ko sayo" Panimula ni Artemis.

"Matagal ko nang alam yun" Sagot ko sa kanya.

"I expect you to do the same thing i did before for friendship. Nagawa kong bustedin si Poseidon dahil alam kong masasaktan ka rin, pero bakit ikaw? hindi mo yun nagawa para kay Eury?" Nakataas ang kilay ni Artemis habang nagsasalita.

And that words hit me, Bakit ko nga ba hindi ko yun nagawa kay Eury?. Bumuntong hininga ako para naman kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng dibdib ko.

Pero naalala ko ang mabigat kong rason kung bakit ko sinagot si Orpheus, i love him.

"Huwag mo akong gamitan ng rason mo na 'i love him' dahil hindi uubra yan sa akin. I love Poseidon too, i love him very much pero para sa ikakabuti ng lahat ay hindi ko siya sinagot para sayo kahit pa hindi tayo ganoon ka close" Dagdag ni Artemis. Hindi nalang ako sumagot sa kanya.

"What? tongue tied? guilty?" Panunudyo pa niya pero hindi pa yun nadugtungan pa ng may narinig kaming tumawag sa pangalan namin.

"A-art?...V-vee?"

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon