Chapter VIII

41 3 0
                                    



Eurydicé

Hay. Nakakapagod namang mag aral, inaantok pa ako dahil sa kaka wattpad ko kagabi! nag enjoy kasi ako sa binabasa ko kaya ayon! alas tres na ako nakatulog at hindi talaga ako makakatulog kung hindi na-lowbat ang cellphone ko.

#WattpadersProblem talaga ito.

Well anyway, napagdesisyunan ko nang mag half day lang kasi inaantok na talaga ako at malapit nang matapos ang klase as in three minutes nalang.

Nang lumabas na ang teacher namin ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Hindi ko na talaga kaya!

"Girls, magha-half day lang muna ako ngayon" Sabi ko at pinipigilan kong mahikab.

"Bakit momshie may problema ba?" Nag aalalang tanong ni Hestia kaya pilit akong ngumiti at umiling. Maalalhanin kasi si Hestia.

"Wala naman, inaantok lang talaga ako" Sambit ko kaya ningitian ako ni Psyche.

"Yan ang resulta sa kaka-wattpad mo eh" Sambit ni Psyche sa akin at tumawa kaya binatukan ko siya.

"Gago!"

"Maganda naman"

Napangiwi ako sa sinagot sa akin ni Psyche, kahit kailan talaga ay palagi niyang ibinibida ang ganda 'kuno' niya. Well hindi siya si Psyche kung hindi niya ibibida ang sariling ganda.

"Kayo nalang ang magsasabi kay Artemis...talagang inaantok na ako eh" Sabi ko.

"Okey, baboh!"

"Bye momshie~~"

At sabay silang umalis ng room. Kinuha ko na ang bag ko nang mapansin kong nakatingin sa akin si Karagatan.

"Oh? anong tinitingin tingin mo dyan?" Kunwaring pagtataray ko sa kanya.

"Hindi mo talaga ako tutulungan na makuha ang babaeng mahal ko?" Tanong niya sa akin kaya naawa ako sa kanya.

"Pasensya kana Karagatan ha? yun kasi ang desisyon niya" Malungkot kong sabi sa kanya kaya dahan dahan siyang pailing habang hindi siya makapaniwala sa sinagot ko.

"Alam mo Eu? darating rin ang araw na tutulungan mo ako, sadyang magulo pa talaga ang lahat" Sabi ni Karagatan kaya kumunot ang noo ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang lahat basta ang alam ko, tutulungan mo akong mabawi siyang muli" Sabi ni Karagatan at tumayo sabay kuha ng kanyang bag

"Mauuna na ako Eu ha? may gagawin pa kasi ako"

"Sige" Wala sa sariling banggit ko. Naguguluhan kasi ako sa sinabi niya sa akin at nagpi play yun sa utak ko.

Kaya bago pa ako mabaliw ng tuluyan ay naglakad na ako palabas ng room at nakasalubong ko si Daphne na ang daming dala at parang nagmamadali kaya agad ko siyang tinulungan at kinuha ko yung hawak niyang mga papel.

"Bakit ang dami naman nito?" Natatawang sabi ko.

"Nagmamadali kasi ako, teka nandyan pa ba ang mga kaklase natin?" Tanong niya kaya umiling ako.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon