Eurydice
Nagulat ako nang makita si Hestia, nagtaka ako dahil bakit kasama niya ang anak ko kaya agad akong tumayo.
"Hestia—"
Ngunit naputol yung sasabihin ko nang niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya at tumagal rin ang yakap na iyon ng halos isang minuto bago kami bumitaw sa isa't isa. Nang matapos niya akong yakapin ay tumingin siya kay Orpheus.
"Hestia, it's not what you think" Paliwanag ko pero ningitian lang ako ni Hestia.
"Alam ko kung anong pakay ni Orpheus, at alam ko kung ano ang gagawin ko" Nakangiting sabi ni Hestia at binalingan ng tingin si Thisbe.
"Magba bonding kami ng inaanak ko" Sabi ni Hestia at hinawakan ang kamay ni Thisbe.
"Mawalang galang na pero may date pa kami" Natatawang sabi ni Hestia at umalis kasama si Thisbe. Nang makaalis sila ay bumalik ako sa kung saan ako nakaupo.
"Ano pa ba ang pag uusapan natin?" Seryoso kong tanong, Ano pa ang pag uusapan naming diba? At bakit parang may alam si Hestia sa mga nangyayari? Bakit parang alam niya ang mga pinanggagawa ni Orpheus----okey, oo nga pala, magkasama sila sa loob ng pitong taon.
"Paano ako naging ama ni Calliophe? I mean I don't remember we've done something like that" Pagpapaliwanag ni Orpheus kaya umikot ang mata ko.
"Anong gusto mo? Ipapaliwanag ko sayo kung paano natin ginawa si Thisbe?" Inis kong tanong, bakit ba parang napakabastos naman ata ng mga tanong niya? O ako lang ang nag iisip nag ganyan?
Sumeryoso yung mukha niya kaya napaiwas ako ng tingin, siguro naman may karapatan siyang malaman kung ano at paano nangyari kaya inalala ko ang nangyari seven years ago.
Flashback
(Seven years ago)
Kakaiwan lang sa akin ng Poseidon na iyon, alam kong mag iinom nanaman yun hanggang umaga kaya kailangan ko muna siyang paaalalahanin na aalis na ako bukas at huwag siyang magpakalasing ng sobra dahil baka kung saan saang butas ng aso siya makakapasok, alam niyo naman yung mga lalake diba? Basta lasing kahit mukhang bakulaw basta may puke ay ayos na.
Nang makatayo ako ay biglang umikot ang paningin ko, buti nalang may umalalay sa akin.
"Salamat naman—Orpheus?"
"Eurydice." Seryoso niyang sabi kaya natawa na ako. Lasing na lasing na yata ako, pero konti pa naman yung nainom ko e, paano ako malasing na umabot ako sa puntong naghahalucinate na ako?
Binalingan ko ng masamang tingin ang bar tender.
"Hoy ikaw putanginang bar tender, bakit lasing na ako? Anong alak ang ibinigay mo sa akin?" Inis kong sabi sa bar tender kaya napalingon sa akin ang bar tender.
"Pero maam, nakaubos ka na po ng isang case ng Jack Daniels, kayong dalawa ng kasama mong lalake" Paliwanag ng bar tender.
Ganon ba?
"I apologies for her actions, lasing na kasi siya eh" Paliwanag ng lalaking kamukha ni Orpheus at pinilit niya akong umupo sa kung saan ako nakaupo at sa harapan ko naman nakaupo yung kamukha ni Orpheus.
"Sinong lalaking kasama mo?" Seryosong tanong ng lalaking nasa harapan ko kaya natawa ako.
"Alam mo? Isa karing putangina, ano ba ang alam mo sa buhay ko ha? Eh hindi naman talaga ikaw si Orpheus, naghahalucinate lang ako kasi yung totoong Orpheus ay kasama ng bestfriend kong si Hestia" Natatawa kong paliwanag sa kanya habang siya naman ay walang kibo lang.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko—"
"Si Poseidon yung kasama ko, kapatid ko yung sa ina kaya huwag ka nang magtanong, at isa pa yung kapatid ko para lang sa kaibigan kong maldita na si Artemis" Paliwanag ko sa kanya pero wala parin siyang kibo kaya inoferan ko siya ng drinks.
"Libre ko dahil kamukha mo yung first love ko" Sabi ko pero wala parin siyang kibo kaya nagtaka na ako, hindi naman siya pipi diba? Nakapagsalita pa nga siya kanina eh.
"Oo nga pala, hahanapin ko yung gago kong kapatid, baka kung saan saang puke ng babae yun papasok" Paliwanag ko at tumayo at sinubukan kong maglakad pero nahilo ako kaya bumalik nalang ako sa pagkakaupo.
"Huwag mong gawin yung mga bagay na hindi na kaya ng katawan mo" Pangangaral niya na parang ama kaya inikutan ko nalang siya ng mata.
"Ede huwag kaya naman pakihanap naman yung kapatid ko oh? Paki tignan kung sino yung kasama niya" Pakiusap ko at kinuha ang cellphone ko para ipakita ang picture namin ni Poseidon.
"Eto siya oh, pakihanap naman siya, ang kulit mo kasi eh" Inis kong sabi sa kanya hanggang sa may nahagilap ako sa gilid ng mga mata ko kaya hinila ko yung kamay niya.
"Huy totoy, pakitignan mo nga ang lalakeng iyon, kamukha kasi niya yung kapatid ko eh" Sabi ko at nilingon naman niya tsaka tumango siya sa akin.
Tinignan ko yung kasama ni Poseidon ng mabuti, medyo madilim kasi eh at masakit sa mata ang disco lights kaya nag focus ako sa babaeng kasama niya.
"Si Artemis ba yung kasama niya? Paki check naman oh baka kasi nag hahalucinate nanaan ako, et yung picture niya—"
"Si Artemis nga ang kasama ni Poseidon" Sabi ng lalaking nasa harapan ko.
"Paano mo nakilala ang dalawang iyan? Eh hindi naman mga peymus ang mga itsura ng dalawang iyon, mas maganda pa ako don" Natatawang sabi ko, naku kapag narinig ni Artemis yung sinabi ko ay talagang mandidiri ang babaeng iyon.
Nagkwentuhan muna kami at paminsan minsan parin siya kung sumagot pero nag iinuman parin kami.
"Alam mo, may nakakatawa akong kwento sayo tungkol sa first love ko" Kwento ko.
"Alam mo kasi, yung first love kong si Orpheus ay na meet ko noong mga bata pa kami, kaso lang magpapakilala na sana ako nang dumating yung tatlo kong tropa dahil may mas malalim akong rason noong bata pa ako kaya nagpakilala ako kay Orpheus bilang si Hestia kaya ayun.. the rest is history!" Sigaw ko pero kaya lang ay hindi yata siya natuwa sa kwento ko, parang ibang iba yung ekspresyon niya, hindi ko matukoy kung ano.
Marami pa akong pinagsasabi at hindi ko na matandan ang iba.
End of the flashback
"Nang magising ako ay nakita ko nalang ang sarili ko na nasa isang kama, hubo't hubad habang ikaw yung nasa tabi ko, mabuti nalang at madaling araw akong nagising kaya—"
"Iniwan mo ako" Pagpuputol ni Orpheus sa sinasabi ko.
"Kaya nga nandito kami para ayusin ang lahat, Oo nagkamali ako dahil hinayaan kong tumagal ito ng ganito pero sana naman maintindihan mo ako" Paliwanag ko.
"Kailangan niyong mag usap ni Hestia---"
"Mag uusap kami, sa tamang panahon"
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis