Orpheus
A/N: Orpheus muna dahil nagsawa na ako kay Eury—joke lang.
"Bakit mo ipinagdadamot si Thisbe na anak ko?" Tanong ko kaya literal siyang nanginig.
"Pa-paano?"
Flashback
Kakatapos lang ng salo salo namin nila Eury nang may nag message sa akin galing sa unknown number, sinagot ko nalang baka wrong number lang
"Hello? Pasensya na at na wrong number ka ata—"
{Orpheus right? Meet me here in the Korean restaurant na malapit sa kinaroroonan mo ngayon}
"Tita Zen—"
{Just follow what I say dahil may sasabihin ako sayo na dapat kong ginawa noon pa—toot toot~~}
Napailing ako dahil binabaan niya ako ng tawag. Matagal ko nang alam na siya yung ina ni Eury kaya agad akong pumunta sa pinakamalapit na Korean Restaurant. Nang makapasok na ako ay agad akong sinalubong ng isang kagalang galang na babae.
"Good evening sir, I am Kwon Young Ji, the owner of the restaurant and I assume you are Mr. Orpheus, please follow me" Sabi ng babae kaya bahagya akong nagulat, ang mismong may ari ang sumundo sa akin kaya napailing iling ako dahil ngayon naisip ko na kung gaano ka makapangyarihan si Tita Zen.
Agad kong nakita si tita kaya lumapit na ako," Please take your seat" paanyaya niya kaya umupo narin ako. May nakahanda nang mga pagkain at alam ko na VIP ang room na ito.
"Kumain ka muna, maya maya na tayo mag usap dahil may hinihintay pa ako" Paliwanag ni tita kaya tumango lang ako at sinabayan siya sa pagkain. Kalmadong kalmado lang ako pero deep inside kinakabahan ko dahil hindi ko alam kung bakit niya ako pinapunta dito eh kakakita lang naming kanina ah.
Maya maya pa ay may dumating na brown envelope na inabot ng waitress kay tita.
"Madali talagang kausap si Daphne, yung classmate niyo noon, naalala mo pa? doctor na kasi siya ngayon" Kwento ni tita kaya naman kumunot ang noo ko, bakit kilala nya si Daphne eh hindi naman gaanong ka close si Eury at Daphne?
"Well anyways, eto pala ang pakay ko sayo" Sabi niya at tumikhim habang binabasa yung papel na inabot sa kanya.
"Anak niyo ni Eury si Calliophe" Walang pag alinlangang sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain, yung talagang kahit ang pagnguya at paglunok ko ay nahinto rin.
"A-ano?"
"Anak niyo si Calliophe" Ulit niya sa sinabi niya at inabot sa akin ang isang Dna result at doon ko nakitang 99.999% nag match ang Dna naming ni Calliophe.
"Pero paano mo nakuha ang dna ko?" Tanong ko. Nakapagtataka naman kung bigla nalang siyang nagkaroon ng result kung hindi naman siya nakakuha ng dna samples na nagmula sa akin.
"Hay nako Orpheus, diba sabay sabay tayong kumain kanina diba? Pinakuha ko yung kutsara na ginamit mo and viola! Nakuha ko kaagad ang result dahil mabait si Daphne" Natutuwang saad niya habang ako naman ay nanatiling nagtataka.
"Orpheus, alam kong marami ka pang gusting itanong sa akin pero hindi na ako ang makakasagot niyan, si Eury na" Sabi niya at piunasan niya ang kanyang labi.
"Ngayon, ang gusto ko lang ay ang mag usap kayo ni Eury, pag usapan niyo ang lahat as soon as possible" Bilin niya habang ako naman ay nakakunot noo parin sa kanya.
"Pero bakit mo ito ginagawa tita?" Nagtatakang tanong ko kaya tinitigan na ako ng deretso sa mata, magkatulad na magkatulad talaga sila ng mata ni Eury.
"Im not doing it for you or for Eury, I'm doing it for Calliophe, hindi deserve ni Calliophe na hindi man lang makasama ang ama niya. Hindi ka nakasama ni Calliophe sa halos pitong taon ng buhay niya kaya gusto kong wakasan na iyon" Sabi ni tita kaya nanatili parin akong walang kibo dahil pino proseso ko pa ang lahat sa utak ko.
"Ang plano ni Eury ay ipakilala ka naman talaga sa bata because Calliophe know that you are her father pero hindi masyadong nagmamadali si Eury dahil ang gusto niya pagkatapos na ng kasal nina Artemis at Poseidon but I can't wait anymore, I already waited for two years already" Pagpapaliwanag ni tita kaya medyo naliwanagan na ako.
"Anyways, if you don't mind.. I used your name as the client para sa pagpa Dna test" Sabi ni tita kaya umiling lang ako.
"I don't mind at all" Sagot ko.
"Good! So mauuna na ako"
End
"Pero bakit naman ako pinangunahan ni mama?" Tanong ni Eury sa sarili niya.
"Just tell me Eury, bakit mo hindi ipinakilala agad sa akin si Calliophe? She's my daughter too! Bakit hindi mo man lang ako kinontak for the whole seven years?" Tanong ko pero napayuko lang si Eury.
"I did it for Hestia, ayaw kong masira ang buhay niyo ng dahil lang sa nagkaroon tayo ng anak"Paliwanag niya kaya naikuyom ko ang kamao ko.
"Ipinagkait mo sa akin si Calliophe, tama ba yun?" Mariin kong sabi.
"But Hestia is my friend" Inis niyang sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis.
"And Calliophe is our Daughter" Sagot ko sa kanya kaya napapikit siya sa galit.
"Pinili kong magpakalayo layo at sirain ang buhay ko dahil ayaw kong masira kayo ni Hestia, Hestia is still my friend, my bestfriend kaya—"
"Kaya mas pinili mong pagkaitan ng ama si Calliophe?" Pamumutol ko sa sinasabi niya kaya huminga siya ng malalim.
"Look, kaya nga kami nandito para ayusin ang lahat, alam kong nagkamali ako kaya nga inaayos ko, Naiintindihan naman ako ni Thisbe---Teka bakit hindi pa nakakabalik si Thisbe?" Sabi niya kaya nagtaka rin ako, kung maraming tao sa Cr ay dapat sa mga oras na ito ay nakabalik na siya.
Tatayo na sana si Eury nang marinig naming ang may pamilyar na boses.
"Hi mommy, I'm sorry if I made you worry, I meet tita along my way kasi eh" Paliwanag ni Thisbe. Nasa likuran siya ni Eury kaya hindi agad nakita ni Eury kung sinong tita ang sinasabi niya pero sa pwesto ko ay alam ko kung sino yun.
Agad namang lumingon si Eury para makita kung sinong tita ang sinasabi niya.
"Mommy Eury, I met tita Hestia in my way"
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis