Eurydice
"Teka nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko habang inilibot ang aking paningin sa paligid, hihingi na sana ako ng tulong ng may namataan akong dalawang bata na nag uusap, ako at si Orpheus noong mga pitong taon pa siguro kami.
Pero bakit ako nandito? Para akong bumalik sa alaala ko noon pero hindi nila ako nakikita at pinagmamasdan ko lang sila.
May isang lalake na alam kong si Orpheus habang nakatingala sa isang puno dahil nandoon yung saranggola niya at sa pagkaalala ko sa memorya ko ay nakita ko si Orpheus sa di kalayuan kaya nakita kong lumapit yung maliit na ako kay Orpheus.
"Oh, bakit nakatunganga ka lang diyan? Anong akala mo sa saranggola? Bababa mag isa papunta sayo? Ano yun? Yung saranggola ang mag aadjust para sayo?" Pagtataray ng batang ako kaya natawa ako, hindi ko alam na may pagka mataray pala ako.
"Eh ano naman ang gagawin ko? aakyat sa puno?" Pamimilosopo ng batang Orpheus sa batang ako.
"Nye nye nye nye, ano ba yan kalalaki mong tao pero lalampa lampa ka" Pangungutya ng batang ako at umakyat sa puno ng walang kahirap hirap at kinuha yung saranggola ng batang Orpheus, nakakatuwa palang panoorin ang sarili mo sa ibang posisyon.
"Ayan oh! Sa susunod matuto ka namang umakyat" Sabi ng batang ako at ibinigay ang saranggola.
"Eh sa nakakatakot eh" Sagot ng batang Orpheus kaya tinawanan lang siya ng batang ako.
"Anong nakakatakot? Ang sabihin mo naduduwag ka" Kutya ng batang ako.
"Hindi no! talaga namang nakakatakot eh"
"Paano mo malalabanan ang takot mo kung hindi mo susubukan diba?" Pangangaral ng batang ako at naupo sa may ugat ng puno at tumabi naman yung batang Orpheus at pareho silang nakatingin sa kawalan.
"Salamat pala ha? tatlong araw na kasi itong nakasabit eh" Sabi ng batang Orpheus pero nanatili paring nakatingin sa langit.
"Sus wala yun, ang arte naman nito" Sagot ng batang ako.
"Ako nga pala si Orpheus, ang sabi ng mama ko ay dapat ko raw hanapin ang Eurydice ko kapag lumaki na ako, dapat ako daw ang makahanap sa kanya, hindi yung naunahan niya ako at una niya akong nahanap at nakilala" Sabi ng batang Orpheus kaya naman agad akong tumingin sa batang ako.
Alam ko ang iniisip ng batang ako dahil yun din ang naisip ko noong bata pa ako.
Ang hindi muna magpakilala.
"Ikaw ano ang pangalan mo?" Tanong ng batang Orpheus pero bigla nalang tinawag ng mga batang Artemis, Psyche at Hestia ang batang ako.
"Hestia, Hestia ang pangalan ko" Sagot ng batang ako at tumakbo na sa mga batang Artemis, Psyche at Hestia.
Teka—Sila Hestia!
Biglang sumakit ang ulo ko at napapikit ako sa sobrang sakit, naalala ko na... nabunggo kami sa may malaking puno... hindi maganda ang pakiramdam ni Artemis dahil napansin kong ang pagpikit ng ng mariin.
Bigla nalang nanlalabo ang paningin ko at hindi ako makahinga..
At nawalan na ako ng malay.
Orpheus
Nagluluto ako habang nasa sala si Calliophe at naglalaro habang naka on ang tv, habang nagluluto ako ay biglang sumigaw si Calliophe.
"Dad! Hurry up, something is wrong with the news!" Naiiyak na tugon ni Calliophe kaya inoff ko yung kalan at iniwan ang niluluto ko at nang makarating ako sa sala ay umiiyak na si Calliophe habang nakatingin sa tv na kung saan ang kanang bahagi ng kotse ay nadurog dahil sa pagbangga nito sa punong matibay.
"Dito po sa may bandang*** ay may nangyaring aksidente, durog ang kanang bahagi ng kotse dahil sa punong kanilang nabangga, dalawa ang may major injury at isang mild injury at ang isa naman ay dead on arrival na at pareho silang nasa *** hospital ngayon. Ang mga pangalan nito ay nagngangalang Eurydice Axis-Gerrero, Psyche Conception, Artemis Guzman-Dulguime at Hestia---" Pinatay ko na ang tv at kinuha ang susi ko.
"Calliophe, pupuntahan natin ang mommy at mga tita mo, hurry!" Sabi ko at tumango naman si Calliophe sa sinabi ko at sumakay na sa passenger seat, ibinigay ko kay Calliophe ang cellphone ko at nagsimula nang mag drive, gustuhin ko man na pabilisan ang takbo ng sasakyan ngunit may kasama akong bata, ayokong pati ang bata ay mapahamak.
"Dad, why are you giving me your phone?" Tanong ni Calliophe.
"Call your tito Poseidon, your daddy Caerus and tita Zen, sabihin mo sa kanila kung ano ang nangyari at sabihi mo na magkita sa nasabing hospital" Sabi ko at mabilis namang ginawa yun ni Calliophe habang ako naman ay halos manginig sa kaba.
Nagkaayos na kaming lahat, bakit ngayon pa ito nangyari?
***
Nang makarating ako ay agad kong nakita sina tita kaya agad akong tumakbo palapit sa kanila.
"Tita, nabalitaan niyo ba—"
"Alam ko Orpheus pero may dapat akong sasabihin sayo" Nalilito ako sa sinabi ni tita, nakaupo lang si Poseidon habang nakatunganga, si Eros naman ay ganon din at hindi ko alam kung nasaan si Caerus.
"Tita ano ba ang nangyayari---"
"May sakit si Eury kaya ko siya dinala sa ibang bansa" Para akong nanigas sa sinabi ni tita.
"May colon cancer siya na minana niya mula pa sa lola niya, nag skip sa akin yun kaya alam kong mamamana yun ni Eury" Paliwanag ni tita pero bakit medyo namumula ang mga mata niya.
Muntik ko nang makalimutan sila Eury. Sa pagkakaalam ko sa balita ay may isang nagkaroon ng mild injury, dalawang major injury at isang... nasawi.
"Tita sila Eury po? Kumusta na po sila?" Tanong ko pero umiwas lang si tita ng tingin at umupo kaya umupo nalang ako sa tabi niya.
"Si Hestia ang taong nagkaroon ng mild injury sa noo, balikat at binti. Si Artemis naman ay nandoon sa ICU dahil may major injury siya sa ulo at ag sabi ng doctor malaki ang possibility na magkaroon siya ng temporary amnesia, Si Psyche naman ay nalagyan ng mga bubug ng bintanang kotse sa kanyang mata kaya naman may posibilidad rin na mabubulag siya at si Eury..." Parang hindi ko nakakaya ang mga sinasabi ni tita.
"Siya yung dead on arrival"
A/N: Final stop, the Epilogue.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis