EurydiceMay girl's date kaming apat at magkikita kami dito sa K-pop Cafe na malapit lang sa Irene High, Ako palang at si Hestia ang nandito, early bird kasi kami eh.
"Nakakapagtataka naman, diba early bird rin naman si Artemis? bakit medyo late siya?" Nagtatakang sabi ni Hestia, kahit nga ako eh ay nagtataka, usually kasi mauuna siya ng thirty minutes or on time siya, pero ngayon ay magte-ten minutes late na siya.
Tsk tsk, filipino time.
"Momshie, kahit minsan ba ay hindi ka nagduda kay Psyche?" Takang tanong ni Hestia kaya kumunot ang noo ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"I mean, hindi naman sa sinisiraan ko si Psyche dahil magkaibigan kami.. pero--"
"Pero ano nga?" Natatawang sabi ko.
"Pero hindi kaba nagduda o na-curious sa pinagusapan nila ni Orpheus noong isang araw?" Nagtatakang tanong ni Hestia sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya, naiintindihan ko naman si Hestia eh, nakita rin kasi si Hestia na magkausap si Psyche at Orpheus doon sa library.
"Malaki ang tiwala ko kay Psyche at sa inyong dalawa ni Artemis, yun lang ang mahalaga sa akin nakshie" Nakangiting sabi ko at naalala ko yung pag uusap namin ni Psyche.
Hindi kasi alam ni Hestia na nagkausap kami ni Psyche pagkatapos ng big lunch nayun.
'Eury, kung ano man yung pinag usapan namin ni Orpheus, hindi na importante yun, basta ang mahalaga ay nakapag explain na ako sayo kahit hindi ko sinabi yung pinag usapan namin at ang pangyayari bago kami nag usap'~Psyche.
"Pero momshie hindi mo ba naisip na baka magkagustong muli si Psyche kay Orpheus" And that words from Hestia hits me.
Paano kung yun ang napag usapan nila diba? Ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang sarili ko sa pagiging overthinking ko.
Kalma kalang Eury, magtiwala ka kay Psyche.
Tama! dapat akong magtiwala kay Psyche, siya ang pinakaclose ko kaya alam kong hindi niya ako ta-traydurin.
Oo nga pala, nagkagusto noon si Psyche kay Orpheus noong second year palang kami. Medyo sikat kasi si Orpheus dahil basketball player siya.
Pero noong naging magka klase kami noong fourth year ay hindi na siya nagkagusto dahil pumasok na sa mundo niya si Eros.
"Momshie?" Tawag ni Hestia sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh?"
"Bakit kanina ka pa tulala?" Tanong niya kaya napailing ako.
"May iniisip lang"
"Iniisip mo ba kung bakit late si Artemis? huwag kang mag alala dahil alam kong parating nayun--Oh ayan na pala sila oh! magkasabay pala ang dalawa" Nakangiting sabi ni Hestia at nakatingin siya sa pintuan ng Cafe, nasa likuran ko kasi ang pintuan at agad silang lumapit at naupo.
Napatingin ako kay Artemis na parang badtrip.
"Oh anyare sayo?" Tanong ko kay Artemis habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis