A/N: Na-miss ko si Psyche kaya sa kanya muna tayo. Palagi nalang si kontrabidang Artemis eh, haha!
Ps. Soon, si Psyche naman ang magkakaroon ng maraming POV pfft---joke.
Psyche
Pumasok ako sa library at hindi man lang ako napansin nila Eury at Artemis na gumagawa ng tambak na gawain. Ayaw kong lumapit sa kanila baka patutulungin pa ako ni Eury sa mga gawain ni Artemis.
Bagay lang kay Artemis yan *insert evil laugh* alam ko kasing nandito siya palaga sa library at palagi siyang late sa unang subject niya sa hapon, ewan ko kung ano ang pinupunta ni Artemis dito, yung mga bulaklak niya siguro.
Kasi imposible naman na palaging nandito si Artemis para magbasa ng libro, kilala ko si Artemis simula sa pagkabata, ayaw na ayaw niya ang pagbabasa kasi nakakatamad daw ang magbasa--which is truelala, sa wattpad lang naman kami ni Artemis na mahilig magbasa.
Kumuha ako ng makapal na libro at umupo doon sa isang mesa na kung saan natatanaw ko rin naman sila Eury at Artemis.
Hinati ko ang pahina ng libro sa gitnang bahagi at ipinatayo ito, medyo nasa madilim ako na parte ng library kaya hindi ako mapapansin nila Eury dito pero nakikita ko naman sila ng maayos.
Kinuha ko ang cellphone ko at ni-mute yun at inopen ang data ko pagkatapos ay inopen ko ang isang app.
Welcome to mobile legends.
Malakas kasi ang signal dito sa library kaya ako tumatambay dito.
Magsisimula na sana akong maglaro nang nahagip sa paningin ko si Eury na sunod sunod na tumutulo ang luha niya habang nakatingin sa cellphone ni Artemis, alam kong kay Artemis yun dahil kulay black yun tapos ang cellphone ni Eury ay white.
Kinalikot ni Eury ang cellphone niya at nagmamadaling niligpit ang mga gamit nila at lumabas kaya agad kong isinauli ang libro na kinuha ko at lumabas rin para sundan sila.
Nakayuko ako habang sinusundan sila dahil inoff ko yung data ng cellphone ko, mamaya na ako mag mo-mobile legend, makiki chismis muna ako kung ano ba talaga ang nangyayari.
Nang malagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko ay pabaling baling ang ulo ko dahil hindi ko na nakita sila Eury at Artemis.
Saan kaya sila nagpunta?
Hahakbang na sana ako nang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Nandito ka nanaman!" Inis na sabi ni Khione kaya umikot ang magaganda kong eyeballs sa kanya.
"Nandito ka nga rin eh" Walang buhay kong sagot sa kanya. Kelan ba titigil ang babaeng 'to?
"Kontrabida ka talaga sa storya ko kahit kailan!" Inis niyang sigaw sa akin.
"Wala akong paki basta ang mahalaga ay mas maganda ako sayo at ako ang bida sa sariling storya ko" Kalmado kong sabi. Nakaharap ako sa kanya at isang metro lang ang layo namin sa isat isa.
"Ikaw! nakakainis ka! bakit ka ba palaging ume-epal sa buhay ko? mas maganda naman ako sayo ah? mas mayaman! at mas matalino! pero bakit mo kinukuha ang mga bagay na dapat sa akin?" Inis na sigaw niya kaya agad na tumaas ang kilay ko at lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis