Artemis
"What? Sinasabi mo bang tuloy parin ang kasal niyo ni Poseidon kahit na may anak na kami?!" Galit na tugon ni Khione kaya tinaasan ko siya ng kilay, ang kapal naman ng babaeng ito para pagtaasan ako ng kilay niyang manipis at made in lapis.
"Oh ano naman? Ano ba ang gusto mo? Invitation card?" Natatawa kong sabi sa kanya. Nasa isang restau kami na kabubukas pa lamang kami nag usap. Kahapon lang ako natauhan dahil sa pinagsasabi ni Psyche, akalain mo nga naman diba? May sense pala minsan kung kausap si Psyche.
"You can't do this! Bakit napaka selfish mo sa bata?" Inis niyang tanong kaya napa smirk nalang ako sa kanya.
"Yung bata lang ba talaga ang inaalala mo Khione? Oh baka naman gusto mo lang talagang mapasayo ang mga bagay na kung ano man ang meron si Poseidon ngayon?" Natatawang sambit ko at humigop ng kape na inorder ko.
"Infairness kung may rank yung mga malandi with kapal face, baka nasa Mythic ka nang hinayupak ka at talagang gagamitin mo pa talaga ang bata?"Dagdag ko pa sa sinasabi ko.
"Eh ano naman ang gagawin niyo kay Hercules aber?" Inis na sabi niya kaya natawa ako, at dahil sa pagtawa ko ay yung ibang kostumer ay napalingon na sa amin.
"I'm sorry people" Natatawa paring sambit ko kaya naman mas nagalit si Khione pero hindi naman siya pwedeng magwala dito dahil mapagkakamalan siyang baliw.
"Anyways about Hercules ay napag usapan na naming ni Poseidon yun kagabi, napag usapan namin na kung anak niyang talaga si Hercules ay aampunin naming yun at dadaan kami sa malinis na proseso para sa bata" Paliwanag ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng deretso.
"At sa tingin mo ba ay papayag ako? Ako parin ang tunay na ina ni Hercules kaya ang desisyon ay sa akin parin" Sagot niya sa akin kaya ningitian ko lang siya.
"Okey, madali lang naman akong kausap eh pero may second option pa naman kami at yun ay ang sayo lalaki ang bata at sosoportahan lang naman si Hercules sa lahat ng pangangailangan niya" Kalmado kong sabi.
"Narinig mo yun? Yung bata lang, si Hercules lang...labas kana doon" Dagdag ko sa sinasabi ko.
"I will call my lawyer, sisiguraduhin kong ako ang mananalo at ang desisyon ko ang masusunod. Gusto ko na pakasalan ako ni Poseidon at mamumuhay na kami ng payapa kasama ang anak namin na si Hercules" Sabi niya at ngumiti na para bang baliw.
"At walang Artemis na manggugulo" Natatawa niyang sabi kaya napakuyom ako ng kamao ko pero hindi ko ipinahalata yun sa kanya.
"At sa tingin mo ay ikaw yung kakampihan ng korte? Eh paano kung mapapatunayan naming na hindi naman talaga anak ni Poseidon si Hercules?" Ganti ko sa kanya kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Paano mo naman magagawa yun kung sinasabi ng dna test na ibinigay ko sa inyo na blood related talaga sila? Oh diba magmumukha kang tatanga tanga?" Ganti niya kaya natawa lang din ako.
"Alam mo.. sabi kasi ni Poseidon sa akin kagabi ay may tinext daw si Eury sa kanya" Kwento ko sa kanya kaya agad naging seryoso yung mukha niya.
"At alam mo bang tungkol yun sayo?" Dagdag ko pa kahit na hindi naman talaga pero mukhang effective dahil nanlaki ang mga mata niya.
Kinuha ko na yung prada ko na bag at tumayo, "See you in court, bitch" Paalam ko sa kanya at naglakad paalis
Hestia
Naglakad lakad ako habang hinahanap ko si Orpheus sa napakalaking mall na ito, bigla nalang kasing nawala si Orpheus habang nandito kami sa mall. Busy ako sa kakalingon nang may mabangga akong batang babae kaya agad ko siyang tinulungan.
"Pasensya ka na bata ha? Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko" Paghihingi ko ng tawad sa bata, yung bata naman ay nakayuko lang kaya nang inangat niya ang mukha niya ay agad ko siyang nakilala.
"Calliophe?
"Tita Hestia?"
Sabay naming sabi ni Calliophe kaya naman ngumiti siya at niyakap ako.
"Mommy Eury talks a lot about you po" Sabi ni Calliophe kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil hindi ko naman alam kung anong ipinagku kwento ni Eury kay Calliophe.
"Really? Teka nasaan ba ang kasama mo rito?" Tanong ko pero umiling lang siya at ngumiti.
"I am here wih mommy Eury and she is talking to Daddy Orpheus by now" Sabi ni Calliophe kaya nabigla ako, nag uusap pala sila ngayon ni Eury.
"How about I will buy you an icecream tapos pag usapan natin ang mga kinukwento sayo ng mommy Eury mo?" Suhesyon ko kaya agad naman niya akong ningitian.
"I would love to!" Sagot ni Calliophe at hinila ako sa pinakamalapit na ice cream parlor, hindi ko alam na may pagkabibong bata pala si Calliophe.
"Anong flavors ba ang gusto mo?" Tanong ko nang makarating kami sa counter.
"Chocolate and vanilla flavor" Nakangiti niyang sagot at nag hanap ng pwesto na kung saan kami pwede at nang nakuha ko na ang order ko ay lumapit na ako kay Calliophe.
"This one is for you and this one is for me" Nakangiti kong sabi at ibinigay yung icecream niya at naupo na ako.
"You know what tita? My mommy Eury told me that you, mommy Psyche, Mommy Eury and tita Artemis are really close friends but suddenly, something happened where all of you were just a mere victim" Pagku kwento ni Calliophe kaya napangiti ako, hindi pala sinabi ni Eury kay Calliophe ang lahat bagkus ang sinabi niya lang ay naging biktima lang kaming lahat.
"Mommy is kinda poetic po eh, she said this phase herself, 'Ang kaguluhan ng aming pagkakaibigan ay bunga lamang ng maling akala' I understand tagalog but I don't know what mommy Eury means, what does it means tita?" Tanong ni Calliophe kaya natawa ako at sinimangutan niya ako.
"You and mommy Psyche are the same, you'll laugh at me when I ask something" Nakapout niyang sabi at kumain ng Icecream.
"Really?"
"Yes, and mommy Eury told me that the friendship she had with you is one of the best memories she will mesmerize forever in her heart" Sabi ni Calliophe kaya biglang may humaplos sa puso ko sa kwento niya.
Marami pang ikinuwento si Calliophe na mas naantig ang puso ko, Eury told Calliophe every fun experienced we shared together with Artemis and Psyche.
"I think we should go, baka nag aalala na si Eury sayo" Sabi ko at tumayo at nag agree naman ang bata.
"Yeah, mommy is kinda hysterical pa naman pag mawala ako" Sabi ni Calliophe at hinawakan ang kamay ko.
"Come with me tita, they are on the fastfood chain, It's kinda near here" Paliwanag sa akin ni Calliophe kaya nagpahila lang ako sa kanya at nang makarating kami doon ay agad ko silang nakita kaya lumapit kaagad kami pero hindi naman masyadong malapit, sapat na upang marinig ang sinasabi niya.
At para akong nabingi sa mga narinig ko.
A/N: Next chaptie is the story of Eury, kung paano sila nagkaanak ni Orpheus.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis