HestiaKumunot ang noo ko habang kumakain kami, parang may kakaiba dito sa nangyayari. Nasa paikot kami na mesa, Si momshie, Ako, Orpheus, Artemis, si Psyche at si Caerus.
Kung paano namin naging kasama si Orpheus? Inimbitahan siyang kumain ni Caerus dahil kaibigan daw namin siya.
Kilala ko si Caerus, naging magkaibigan kami last summer two years ago.
"Alam mo Hestia, mas lalo kang gumaganda" Sabi ni Cae sa akin.
"Oh! lumalandi ka nanaman Cae" Pagtataray ni Artemis.
"Tong payatot nato ang kj, inggit ka lang eh" Pangungutya ni Caerus kay Artemis kaya lahat kami ay natawa ng mahina.
"Huwag kang mag alala, mahal na mahal naman kita eh" Sabi ni Caerus at ngumuso kay Artemis, inambagan siya ni Artemis ng suntok.
"Eto gusto mo?"
"Sabi ko nga eh, kay Psyche nalang ako hahalik" Sabi niya at ibinaling ang nguso kay Psyche.
"Hoy bakla! tumingil ka dyan ha!" Inis na sabi ni Psyche kaya kay momshie siya bumaling.
"Krass, huwag mo namang tanggihan ang kiss ko" Sabi ni Caerus kaya ningitian siya ni momshie.
"Ano kaba Krass, nakakahiya! may kasama tayo oh!" Naiilang na sabi ni momshie kaya nag pout si Caerus.
"So ikinahihiya mo na ako Krass?" Nagtatampong sabi ni Caerus kaya mahina akong natawa. Ang cute kasi nila.
"Sige para hindi na magtampo ang Krass ko, kiss ka sa noo ko" Sabi ni momshie at lumapit sa kanya si Caerus at hinalikan siya sa noo.
"Yan kasi Eury eh! ini-spoil mong masyado ang baklang yan kaya ganyan yan umasta hanggang ngayon" Sabi ni Psyche kaya natawa ako.
"Ang dapat sayo Cae, pinuputulan ng ano!" Sabi ni Artemis.
Hanggang sa naalala ko na kasama pala namin si Orpheus kaya magsasalita na sana ako nang makita ko si Poseidon na naghahanap ng pwesto, medyo marami pa kasing tao dahil kaming mga grade 12 lang ang walang pasok.
"Oy si Karagatan oh! Karagatan! halika!" Nakangiting sabi ni Eury kaya nabahala ako.
Nakiupo naman si Poseidon sa amin.
"Karagatan, meet my Krass---i mean meet Caerus, kababata namin ni Artemis at Psyche" Sabi ni momshie.
"Hi"
"Hello"
"Oo nga pala Krass, meet Orpheus, kaibigan namin" Nakangiting sabi ni momshie kay krass--i mean Caerus. Nahahawa na ako kay momshie eh!
"Hi! I'm Orpheus" Sabi ni Orpheus at nakipagkamay kay Caerus.
"I know! bukang bibig ka ni Krass--ouch--i mean kilala kita kasi madalas--ouch--i mean minsan ka nang naikwento sa akin ni krass--itai! i mean nilang tatlo" Sabi ni Caerus habang ngumingiwi, alam ko naman na inaapakan ni momshie yung paa niya.
"Ganon ba? it's good to hear" Nakangiting sabi ni Orpheus.
"At pwede bang dumeretso na tayo sa sadya niyo sa akin, may gagawin pa kasi ako" Dagdag pa ni Orpheus.
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis