Poseidon
Nagde develop ako ng mga pictures nang biglang nag ring yung cellphone ko kaya nagmamadali akong nag hugas ng kamay at kinuha ang phone ko, kumunot ang noo ko nang mabasa ko yung caller.
Eu-eu is calling...
"Oh? Anong kailangan mo at napatawag ka?" Bungad ko sa kanya pero nagtaka ako dahil walang sumagot, tinignan ko yung phone ko pero on going naman ang tawag kaya mas nagtaka ako. Ilang sandali pa ang lumipas bago nagsalita si Eury.
"K-karagatan, umuwi k-ka muna" Nanginginig niyang sagot kaya bigla akong kinabahan, bihira lang kung tumawag si Eury kaya mas bihira ko lang marinig na magsalita ng ganyan.
"A-anong nangyari?" Sagot ko, kahit ako ay utal utal nang magsalita at nararamdaman kong may hindi magandang balita ang ibabalita sa akin ni Eury.
"Si A-artemis...na-nahimatay---toot toot"
"Fvck!"
Agad akong lumabas at dali daling kinuha ang sasakyan ko, I am sweating bullets while my hands were trembling, "Hang on there, Cia" Bulong ko sa sarili ko habang nag da-drive. Sa pitong taon naming pagsasama ni Cia ay napagkaalaman kong medyo mahina ang puso niya pero gusto parin niyang mag adventure kaya doble ingat ako, pero hindi naman masyadong mahina ang puso niya at sa loob ng pitong taon naming pagsasama ay ngayon palang ako nakabalita na nahimatay siya.
***
"Nasaan si Artemis?" Tanong ko sa maid.
"Nasa itaas ho sir, nagpapahinga at ang nagbabantay po sa kanya ay si maam Eury po" Sabi ng maid at tumango lang ako at umakyat na sa itaas at pumunta sa kwarto na kung saan alam kong nandoon si Artemis at si Eury, sinilip ko muna kung ano ang nangyayare sa loob nang namataan ko si Cia na payapang natutulog at may nakakabit na sa kanyang kamay na dextrose habang nag uusap si Eury at pumasok na ako.
"Nandito ka na pala" Bati sa akin ni Eury at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Mauuna na ako" Sabi ng doctor at binigyan rin ako ng tipid na ngiti. Nang makaalis na ang doctor ay naupo ako sa harapan ni Eury.
"Pasensya ka na karagatan ha kung pinakaba kita masyado, ito kasi ang unang beses na nabalitaan kong nahimatay si Artemis" Sabi ni Eury habang may hawak hawak na papel.
"Ano yang hawak mo?"
"Papel"
"Tanga, ang ibig kong sabhin ano ang laman niyan" Inis kong sagot kay Eury, minsan talaga may pagka eng-eng ang babaeng ito;
"Aah eto ba? Eto lang naman ang dahilan kung bakit nahimatay ang kaibigan ko" Sabi ni Eury kaya agad kong hinablot ang papel at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
Poseidon Dulguime and Hercules' Dna's matched 99.999%
Sa galit ko ay nalamukos ko ang papel, "Khione.." Bulong ko, alam ko na siya ang may kagagawan nito, alam kong pakana niya ang lahat ng ito, pero bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung saan maayos na kami? Bakit ngayon pa na kung saan malapit na kaming ikasal?
"Kagagawan ito ni Khione?!" Biglang sigaw ni Eury at hinablot sa akin ang nilamukos kong papel at parang sinuri iyon.
"Oh baka naman totoo ang nakasulat sa papel na ito" Nandududang tanong ni Eury sa akin kaya bigla akong kinabahan pero nanatili akong walang kibo.
"Sabi ng maid ay may kasama daw yung babae, isang batang lalake na sa tantya daw nila ay kasing edad ni Thisbe. So tell me, what happened seven years ago? May nabuntis kabang aso? Naglasing ka ba at kung saan saan ka nalang nagparaos?" Sunod sunod na tanong ni Eury sa akin pero hindi ko alam, gulong gulo ako at hindi ko na maalala ang nangyari seven years ago.
"Sige sasabihin ko sayo ang mga naalala kong pinaggagawa mo last seven years ago, eherm.. seven years ago, nag inuman tayo sa bar dahil nagkaroon ako ng problema, hindi ko makakalimutan yun dahil tinawag mo akong ate!, baka naman nagtagal ka pa masyado doon at nakabuntis ng aso—I mean tao" Pagsasalaysay pa ni Eury sa akin kaya nag isip ako ng mabuti.
Think Poseidon..think..
Nang may bigla akong naalala ay bigla akong tumayo
"May pupuntahan lang muna ako, bantayan mo muna siya para sa akin" Sabi ko kaya tinaasan niya lang ako ng kilay kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Please.. I just have to check to some things okay.. gonna go" Sambit ko at lumapit kay Eury at hinalikan siya sa noo, lumapit rin ako kay Cia at hinalikan ko siya sa labi, "I'll be right back" Bulong ko at umalis.
Nang makaalis ako sa bahay ay agad kong kinuha ang phone ko at hinanap ang number niya.
Calling Khione..
Nakita ko yung umber niya na nasa likod ng papel ng Dna
"Natanggap mo na ba ang munti kong surpresa?" Bungad niya sa akin kaya pakiramdam ko ay biglang dumilim ang paningin ko.
"Nasaan ka? Mag usap tayo, tayong dalawa lang" Seryoso kong tugon.
"Aaw.. ang sweet mo naman sa akin.. tayong dalawa lang? date na ba ang tawag do'n?" Sagot ni Khione kaya napapikit nalang ako sa inis.
"Oh baka naman ito yung way mo para makabawi ka sa akin at sa anak natin? ...ang sarap pakinggan sa tenga no? anak natin" Sagot niya sa akin at dinugtungan pa niya ito ng hagikgik.
"Pinakamalapit na park sa skwelahan natin noon, now." Sagot ko sa kanya at agad na pinatay ang tawag dahil hindi ko kayang tagalan siya sa pag uusap.
***
"Oh anong itatanong mo sa akin? Siguro itatanong mo kung anak mo bang talaga si Hercules" Sabi ni Khione sa akin nang magkita kami.
"Paano ka nagkaroon ng anak mula sa akin? Sa pagkakaalam ko kayo ni Eros ang magkasintahan" Kuyom kamao kong sagot sa kanya.
Tinawanan niya lang ako na para bang may nakakatawa talaga kaya mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa kanya.
"Dahil nabuntis mo ako ay naghiwalay kaming dalawa dahil hindi naman namin anak si Hercules..anak natin siya" Natatawang sambit niya ngunit pinatili ko ang sarili ko na maging kalmado lang.
"Paano ko naging anak si Hercules?" Tanong ko kaya naging seryoso narin siya.
"Sige ipapaalala ko sayo, natatandaan mo pa ba ang araw na nagkausap kayo ni Eury? Nandoon rin ako sa mga panahong iyon at dahil may problema ako sa mga oras na iyon ay naglasing ako" Panimula niya kaya bigla akong kinabahan, hindi ko alam pero paano kung totoo ang sasabihin niya?
"Iniwan ka ni Eury kaya naglasing ka ng mag isa at doon na nangyari ang pangyayaring hindi ko inaasahan pa" Ngising sabi niya at bigla nalang parang nag flashback sa isip ko ang mga pangyayari seven years ago kung saan...
Alam kong may nangyari..
BINABASA MO ANG
Him, Her and I (COMPLETE)
Teen Fiction"Being an option of your own story is painful than heartbreaks...but being betrayed by your friend is more painful than being an option of your own story"~ Eurydicé Axis