Chapter XXVI

20 2 0
                                    



Hestia

Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad ako patungong fourth floor.

"Kaya mo yan, Hestia" Bulong ni Orpheus sa tenga ko at hinawakan ang kamay ko kaya ningitian ko siya, mabuti nalang at nandito si Orpheus sa tabi ko.

Nakaharap na ako sa aming pintuan at tinitigan ko lang ito na para bang wala akong plano na buksan ito.

"Common Vee you can do it" Sabi ni Orpheus at ningitian ako tsaka hinalikan niya ako sa ulo.

Naalala ko nanaman si Eury, she usually the one who told me those words pero iba na ngayon, iba na ang ikot ng mundo.

Si Orpheus ang nagbukas ng pintuan at agad na pumwesto sa likuran namin tapos ningitian ako na para bang sinasabi na makakaya ko rin ito.

Pagpasok ko sa room ay una kong napansin ay ang mataray na tingin sa akin ni Artemis pero ibinaling lang niya ang paningin kay Eury na nakayuko lang habang may sinusulat.

Dahil nandito si Artemis, isa lang ang ibig sabihin niyan, wala pa ang teacher namin.

Nasa gitna si Eury habang nasa left side niya si Psyche na nakatingin lang sa sinusulat ni Eury at si Artemis naman ay nasa right side niya at nakaupo siya sa arm ng arm chair.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nahagip ng paningin ko ang notebook niya, may sinusulat siya pero yung nakasulat lang sa itaas ang nakita ko pero hindi ko mabasa.

It's written in baybayin.

Si Eury lang ang marunong bumasa at sumulat ng baybayin sa amin dahil yun naman ang hilig niya.

"Pwede ko bang makausap si Momshie--"

"As far as i remember, si Vee lang ang tumatawag ng momshie kay Eury" Sagot ni Artemis sa akin kaya napapikit ako.

"And you are Hestia, not Vee" Dugtong pa niya at umayos ng upo.

"P-pwede ka bang makausap?" Tanong ko kay Eury pero nanatiling nakayuko si Eury habang nagpatuloy sa pagsusulat. Alam kong tula yung sinusulat niya kasi mapapansin mo yung magkakapareho sa bandang huli ng sinusulat niya.

"You're a traitor, you are not a friend anymore" Walang emosyon na sabi sa akin ni Psyche kaya umawang ang bibig ko.

"At tsaka kung gusto mong makausap si Eury, pwede namang nandito kami diba? i mean hindi ka naman ganon ka importante para mag usap kayo ng kayo lang" Maarteng sagot ni Artemis sa akin.

"At isa pa, mapagkakatiwalaan mo naman kami, hindi tulad ng isa dyan" Dugtong pa ni Artemis, alam ko naman na ako ang pinaparinggan niya.

"Can i talk to you privately Eury?" Tanong ko kay Eury pero si Psyche ang sumagot.

"As what have Artemis said; you can talk to Eury kahit na nandito kami" Sagot ni Psyche sa akin. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Eury.

"Maaari na kayong umalis, may pag uusapan muna kami" Mahinang tugod ni Eury kaya nagdadabog silang umalis kaya huminga ako ng malalim.

"Momshie..." But no respond.

"Momshie..." Tawag ko ulit pero hindi parin siya kumikibo at nagpatuloy sa pagsusulat ng tula niya.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon