Chapter XXVII

22 1 0
                                    




Psyche

Today is saturday at halos tatlong araw na simula nang inamin ni Hestia kay Eury na sila na ni Orpheus.

Nasa driver seat ako at ako ang nagda drive--malamang habang si Eury naman ay tumitingin lang sa paligid.

Kami lang dalawa at isinama ko si Eury baka mamatay siya doon sa bahay nila, kakatamad pa namang dumalo ng libing.

Pupunta kami ng Baguio pero hindi yun alam ni Eury dahil ang alam niya ay esu-surprise ko siya.

"Matutulog muna ako ha?" Paalam ni Eury kaya tumango naman ako at ningisihan siya.

"Okey lang, medyo malayo layo pa naman ang byahe eh" Saad ko habang nakatingin lang sa daan.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pagmamaktol ni Eury kaya napangiti ako.

"Basta"

"Saan na kasi?"

"Sa tabi tabi lang"

"Saan ba yang tabi tabi?"

"Basta! ang kulit mo"

"Saan nga?" Pangungulit pa niya kaya napangiwi ako.

"Kung hindi ka titigil dyan sa kakatanong mo ay madedistract ako tapos mababangga tayo o baka naman ay pababayarin kita sa dahil nakisakay ka" Walang emosyong sabi ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa daan pero nakikita ko sa peripheral vision ko na sinamaan niya ako ng tingin.

"Ikaw tong namimilit na isama ako tapos ako yung magbabayad?" Inis niyang tanong kaya tumawa ako.

Kuripot talaga si Eury.

"Kaya matulog ka na dyan kung ayaw mong magbayad ka sa akin" Nakangiting sabi ko kaya mabuti naman ay sinunod niya ako.

***

"Hoy kuripot na prinsesa, gising na" Nakangiting sabi ko sabay yugyug ng balikat niya pero hindi siya nagising kaya napatitig ako sa mukha niya.

Yung eye bags niya ay may eye bags narin, ewan ko kung matatawa ba ako o maaawa.

Pero syempre dahil isa akong mabait na kaibigan, tatawa muna ako bago ako maaawa.

"Hoy gising! yung eye bags mo ay may eye bags narin tapos nakikita kong magiging three layer na ang eyebags mo" Natatawang sambit ko.

"Matutulog muna ako kasi marami nga akong eyebags diba?" Sarcastic niyang sagot habang nakapikit parin kaya may naisip akong kalokohan.

Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa dashboard. I pressed the camera app and focused it to Eury's face.

'Click'

Nagulat ako kasi malakas ang pagka click at napangiwi ako.

Kaya biglang bumuka ang mga mata ni Eury na malaki at nakatingin sa akin ng masama.

"Pinicturan mo ako?" Saad niya kaya ningisihan ko siya at ipinakita yung phone ko sabay takbo sa labas.

"Gago ka Psyche!" Sigaw niya habang ako naman ay natatawa lang habang nakatingin sa picture ni Eury.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon