Chapter XIV

18 2 0
                                    



Eurydicé

"Yung ex-bestfriend mo, nagseselos sa akin" Sabi ni Krass kaya siniko ko siya sa tagiliran niya.

"Gago ka ah" Inis kong sabi kay Krass pero natatawa lang siya sa akin habang naglibot libot kami sa buong school, kailangan kasi siyang e-tour kuno kahit medyo matagal na siya dito pero mabuti narin yun para naman magkausap pa kami at magkaroon kami ng boding time.

"Alam mo Krass? namiss kitang kasama kaya lang sayang kasi hindi natin kasama si Psyche at Artemis, alam ko kasing namiss karin ng mga yun eh" Sabi ko kay Krass pero inakbayan niya lang ako at ningitian ako.

Kung hindi lang talaga kami close ng lalakeng to ay baka matagal ko na siyang sinuntok, ayaw ko kasi sa mga lalakeng touchy, parang lahat naman ata ng babae ay ayaw sa mga touchy dahil baka kung saan saan na umaabot ang mga kamay nila.

"Oh, napatulala ka sa kagwapuhan ko, kung nagkakagusto kana sa akin Krass ay sabihin mo lang, hindi naman kita iiwasan, sasaluhin pa kita" Nakangiting sabi ni Krass kaya natawa ako. Matamis kung ngumiti si Krass kaya maraming nababaliw sa kanya.

"Krass umamin ka nga, nagkaroon ka ba ng girlfriend sa japan?" Tanong ko pero umiling lang siya habang nakangiti.

"Kaejiho Rukizo!" Banggit ko sa real name niya.

"Wala nga at huwag mo ngang banggitin ang japan name ko! NGSB rin ako no, anong akala mo Krass? ikaw lang ang may karapatan sa title nayun?" Sabi ni Krass kaya natawa ako.

"Normal lang sa akin na maging NBSB kahit na mag 18 na ako, pero ikaw? tsk tsk, imposible" Napailing iling kong sabi habang naglalakad kami dito sa hallways.

Hanggang sa nakarating kami sa library, papasok sana kami nang nakita kong parang nagmumuni muni sa balcony si Artemis at si--

"Hoy Krass, huwag naman nating destorbohin ang dalawang yan, nagmo-momment sila eh" Sabi ni Krass kaya napatango tango nalanga ko.

"Dalhin mo nalang ako doon sa cafeteria, libre mo ako!" Nakangiting sabi ko sa kanya kaya napailing iling siya.

"Hindi ka parin nagbabago krass" Sabi sa akin ni Krass kaya ngumiti lang ako.

"Syempre mananatili akong krass mo at mananatili kitang krass, Krass forever kasi kita eh" Nakangiting sabi ko.

***

Napangiti ako sa dami ng dala ni Krass, may carbonara, pizza, cake, chicken with rice, spaghetti, coke at frappe.

"Yiee, kaya nga mahal na mahal kita eh" Nakangiting sabi ko habang si krass naman ay umupo.

"Sige kain kana, kakahiya naman sayo krass eh, pang tatlong tao yang sayo" Sabi niya kaya tumawa lang ako.

"Mayaman ka naman eh kaya dapat gumagastos ka rin paminsan minsan, share your blessings ika nga" Sabi ko habang ang atensyon ko at nakatuon lang sa pagkain ko.

"Pero krass seryoso na, nakita ko yung Orpheus nayun kanina noong nasa isang bench tayo, ang sama ng tingin niya sa akin kaya alam kong nagseselos siya sa akin" Puno ng kompyansang sabi ni krass kaya napangiwi ako.

"Sure ka riyan Krass?"

"Sure ako krass kasi lalaki rin ako, alam ko kung ano ang nararamdaman ng kapwa ko lalake" Seryosong sabi ni Krass kaya napangiwi ako, mukha nga siyang seryoso kaya napaisip ako.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon