Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahil may bagyo sa Thailand,Na cancel ang flight namin at mamayang gabi na lang ulit ang susunod kong byahe pa Melbourne naman.Kaya naman naisipan ko munang magpahinga sa room kung saan nag i stay ang mga FA na kagaya ko.Mayroon kasi kaming libreng resting area dito (CRASH PAD).Malapit lang din sa VAL pero dahil maliit lang sya at sama sama kaming mga FA at ilang piloto na malayo ang inuuwiang bahay,Mas pinili ko na lang na umuwi na lang sa Bulacan palagi kahit malayo.Pwede din naman akong kumuha ng sarili kong unit malapit dito pero mas gusto kong makasama palage ang Inang kaya hindi na ako naghanap pa ng matitirahan.Isa pa,Hindi naman kalayuan ang Bulacan sa Manila.Liban lamang kapag traffic at rush hour sa kahabaan ng EDSA.
"Ma'am Gari,Pinatatawag daw po kayo ng CEO (Boss GDV) sa opisina nya. Meron daw po yata syang importanteng sasabihin._FA Jet.(Sya yung FA na sinasabi ko kay Martha na PAMIN).Matagal tagal na din naman syang FA kaya kilala ko na sya.
"Ganun ba,Sige Salamat Jet,Susunod na kamo ako._AKO.Saka naman ako mabilis na nagsuot muli ng uniform ko at nagtali ng buhok.Kasalukuyan kasi akong namamahinga sa kama at patulog na sana ng katukin nga ako ni Jet.
Lumabas ako ng kwarto at nabungaran ang iba pang FA na kagaya ko din na biglang nanahimik ng makita akong lumabas sa room.Alam kong paglabas ko nitong Unit ay saka nila ako pag uusapan.Kaya din siguro wala ako ni isang nakakausap sa kanila dahil hindi ko talaga ugali ang makipag tsismisan.At lalong makipag plastikan.Puro mga senior Pilot,FA at senior staff lang ang madalas kong kausap dahil kilala at kabisado ko na ang mga ugali nila.
Kumatok muna ako at saka ko binuksan ang pinto sa opisina ng CEO na si Boss GDV.Kapag kasi karaniwang oras na gaya nito ay alam kong wala ang secretary ni Boss kaya nagtuloy tuloy na lang ako sa pagpasok. Malaki at maaliwalas ang opisina ng may ari ng VAL.Madalas na akong makapunta dito kapag pinatatawag ako kaya naman sanay na akong pumapasok sa loob mismo ng opisina nya.Kumbaga,At ease na ako sa paligid.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good Afternoon po Boss.Nandito na po ako.Pinapatawag nyo daw po ako sabi ni F.A Tolentino._AKO.Nagsalita pa din ako mag isa kahit wala akong taong nakita sa loob.Wala kasi akong nadatnang nakaupo sa silya nya kaya naisip kong baka nasa loob sya ng silid nya.
"Excuse me? May maipaglilingkod ba ko sayo,Miss?_Mula sa likod ko ay may nagsalitang hindi pamilyar sa akin kaya bahagya akong nagulat.
"Nandito ako dahil pinapatawag daw ako ni Boss GDV... Pero mukhang wala naman sya kaya..._AKO.Napahinto ako sa pagsasalita matapos kong lingunin ang taong kumakausap sa akin,Papano naman kasi ay halos magka halikan na kami sa sobrang lapit pala ng mukha nya sa akin.
"Hahahahha.Im so sorry,Nagulat yata kita.Kasi naman hindi ko din alam na may tao pala.Mabuti pala at bumalik ako dito.Nakalimutan ko kasing i check kung na lock ko yung door,Obviously,Hindi ko nga na lock._Yung guy na mukhang babae.Infairness ha,Mabango ang hininga nya.Unlike sa ibang mga nakaka salamuha ko dito sa VAL na kundi amoy yosi ang hininga ay amoy panis na laway.
"Talaga namang nakakagulat ka.Kasi naman napakalapit mo sa akin. Pupwede namang makipag usap kahit hindi magkalapit ang mukha hindi ba?_AKO.Tinarayan ko tuloy sya para hindi mahalatang nailang ako sa presensya kanya.Bakit ba naramdaman kong nag init bigla ang pisngi ko.
"Pasensya na.Hindi ko naman alam na may magugulating FA pala.Kasi ang alam ko,basta mga sanay sa ere hindi madaling masindak at magulat.Anyways,Ano nga bang sadya mo dito,Kung si Boss GD ang sadya mo sorry pero kanina pa sya nakauwi._Lalaking babae.Napakunot ang nuo ko.Papanong nakapasok ang isang baguhang piloto dito sa loob ng opisina ng CEO? Unless kamag anak sya ng BOSS?
"Excuse me,Pero hindi ako basta basta nasisindak.Ikaw ba naman ang biglaing kausapin ng nakatalikod,Hindi ka ba magugulat nun? Malay ko bang may tao palang papasok sa loob mg opisina ng BOSS na hindi manlamang kumakatok._AKO. Mabilis kong inayos ang sarili ko.Sa totoo lang,Bakit bigla yata akong na concious sa ayos ko.
"Uhmmm...So hindi ka nagulat pero namumula ka? Ibig sabihin nagblush ka dahil may crush ka sa akin noh?Ang alam ko kasi,kapag may mga babaeng nakakaharap mismo yung crush nila ng malapitan...Namumula yung pisngi.Parang ganyan._Lalaking babae.Muli nyang inilapit ang mukha nya sa akin habang sinasabi nyang crush ko nga daw sya.
"Excuse me,Are you out of your mind? Wag ka ngang feeling dyan! Pwede bang lumayo layo ka sa akin at hindi ako natutuwa sa paglapit lapit nyang mukha mo sa akin.FYI lang po Sir...Nagpunta ako dito dahil pinatatawag ako ng CEO ng VAL.At wala akong pakialam sa concern mo at kung bakit ka nandito.Wag kang ilusyunada.Hindi kita type para lang maintindihan mo!_AKO.Ewan ko ba kung bakit masyado akong defensive sa kanya.Alam ko namang gusto lang talaga nya kong asarin.
"Owwwws,Really? Are you sure na hindi moko type talaga? Baka mamaya kainin mo yang sinabi mo ha.Pwede pang mag change ng mind.Kahit baguhang empleyado lang ako dito,Masipag naman ako at magaling makisama kaya hindi ka mapapahiya sa akin.Promise next time na magkita tayo,Magbabago na yang isip mo at magiging crush mo na ko. _Babaeng lalaki.Saka sya muling ngumiti sa akin na tila ba nang aakit. Ewan ko ba,Bakit kapag binibiro nya ako ng ganun bakit may kakaiba akong nararamdaman.
"No way!Hinding hindi ako magkaka crush sayo! Masyado ka namang bilib dyan sa sarili mo...Ikaw na nga ang nagsabi,Baguhan ka pa lang.Ni hindi mo nga kilala kung sino ako eh.Saka hindi porke mas mataas ang posisyon mo sa akin,Pwede mo na kong ganyan ganyanin.Alalahanin mo na pwede kitang i reklamo dahil sa pagiging bastos mo sa akin.Baka imbis na tumagal ka dito,Mas mapadali ang pagtanggal sayo._AKO.
"Hahahaha.Ako ba yung bastos na tinutukoy mo ha Miss?Wala naman akong ginawa sayong kabastos bastos.Sa pagkaka alam ko nga,ikaw yung palaging galit sa kin dyan at nagtataray palage.Aminin mo na kasi,Type moko kaya ka ganyan sa akin ka sunget._Lalaking babae.Napahawak na lang ako sa nuo dahil sa palagay ko walang patutunguhan itong pagtatalo naming dalawa.Kaya naman sa inis ko ay mabilis ko syang iniwan duon sa loob ng opisina ng Boss.
Tinawagan ko na lang ang secretary ni Boss GDV at saka nya ipinaliwanag sa akin na kaya ako pinatatawag sana ng boss ay dahil ako daw pala ang isasama nya sa trip nilang mag asawa papuntang HAWAII.Bukas makalawa na lang daw ako kakausapin ng personal ni Boss GDV after ng byahe ko pa Melbourne.