Dahil nga sa nalaman ko mula kay Skyler,Na Nagsisimula na nga daw si Captain Serrano sa panliligaw nya kay Gari ay bigla akong naalarma.Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon,At ako na mismo ang gumawa ng hakbang para mapalapit ng husto kay GARI.
"So papano yan Gari,Maiwan kana muna dito ha.Special request ka ng Kapitan mo para maging nurse nya muna pansamantala eh.Babalik na kami sa apartment.See you tomorrow na lang.Ikaw naman AJ,Wag mo namang abusuhin itong bagong nurse mo at kawawa naman._Katie.
"Hahahahha.Kawawa nga talaga kasi hindi na lang sya basta FA ngayon kundi Nurse pa.Anyways,Pagaling ka lang at palakas kaagad Captain para maka pamasyal tayo ulit._Gucci.
"Captain,Yang bespren ko ha.Wag mong masyadong pahirapan.Pagaling ka kaaagad.Seeyou tommorrow guys._Martha.Matapos ang paalaman ay naiwan na lang kami ni Gari dito sa itaas dahil hinatid ni Maui ang mga bisita sa baba.
Ang totoo ay wala naman na talaga akong nararamdamang masakit sa akin.Pero gaya nga ng nauna ko ng balak...
Sinamantala ko na lang din ang pagkakataon para masamahan nya ako dito sa kwarto ko.Namiss ko kasi yung time na magkatabi kami nuon sa kama nya habang nandun kami sa kanila sa Bulacan.Kaya naisip kong samantalahin ang pagkakataon para may dahilan akong samahan nya."Gusto mo na bang mag shower na muna bago ka matulog or kakain kana muna?_Gari.
"Uhmmm...Actually,Parang nagugutom ako eh.Pwede mo ba muna akong samahan sa baba para kumain?Sabayan mo na lang din ako para ganahan ako._AKO.Sumabay na kasi sya kanina mag dinner kina Maui kaya alam kong busog pa sya.
"Sige,Sasabayan kita kung yun ang gusto mo.Basta kumain ka lang para mabilis kang lumakas at gumaling._Gari.Napansin kong mula pa ng dumating sya kanina ay hindi nya ako sinusungitan.Bagay na ikinatuwa ko naman.
"Salamat.Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang naging nurse ko for tonight.Mabilis akong lalakas talaga kapag ganyan kaganda ang tagapag alaga ko._AKO.Agad nya akong inalalayan sa pagbaba ko ng kama at saka inakay hanggang sa pagbaba sa hagdan.Ngayon ko lang na appriciate ng husto ang mataas at mahaba naming hagdan dahil matagal kaming magkadikit at magkahawak ni Gari habang bumababa.
"Wow naman...Talagang service de luxe ang pag alalay sayo ng maganda mong nurse my dear twinnie!Dinaig mo pa ang hari ng UK sa pagka sosyal!Iba ka talaga Kapitan!_Maui.Sinimangutan ko sya at hindi na lang inimikan dahil baka humaba pa ang usapan namin at mahalata pa ni Gari na umaarte lang ako.
"Nagugutom daw kasi sya kaya kami bumaba muna.Sasamahan ko lang syang mag dinner._Gari.
"Sige lang Gari,Feel at home ka lang dito sa bahay ha.Madami namang pagkain sa kitchen.Im sure gutom na nga talaga yang kakambal ko kasi nga hindi pa kumakain yan mula kanina._Maui.Saka sarcastic na tumingin sa akin.
Alam kasi nya na kumain na ako kanina bago pa dumating ang mga bisita dahil kasabay namin siya Nina Tatay at Nanay maghapunan."Gusto mo bang subuan kita? Para kasing hindi mo masyadong mahawakan yang spoon and pork mo.Ako na muna ang mag aassist sayo._Gari.Saka naman ako tumango tango.
Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga mahina gaya ng inaarte ko ngayon."Salamat sa pagpapakain sa akin.Para tuloy akong baby nito.Pero teka,Hindi kaba hahanapin ng Inang mo?Kasi nga ay hindi ka umuwi ngayon gaya ng palagi mong g7nagawa kapag wala kang duty sa work._AKO.
"Nagsabi ako sa kanya na bibisitahin nga kita.Pati nga sya ay nag alala din para sayo eh.Magpagaling ka daw at mag ingat sa susunod para hindi na maulit ang nangyari._Gari.
"Pakisabi kay Inang salamat.Magaling kamo ang nurse ko kaya mabilis lang ang recovery ko.Anyways,Mas okey siguro kung sa room na tayo magkwentuhan.Tapos na din nama ako kumain.Hayaan mo na at mayroon namang magliligpit na dyan._AKO.Gusto pa kasi sana nyang iligpit at hugasan ang pinakainan ko pero mabilis ko syang inawat kaagad.
"Ilang pirasong pinggan at baso lang naman yan,Kayang kaya kong hugasan._Gari
"Hayaaan mo na yan...Kinuha kitang Nurse at hindi dishwasher kaya tayo ng pumanhik sa kwarto ko para makapahinga na din.Medyo masakit na sa likod kapag natagalan ako sa pag upo._AKO.Isa na namang kasinungalingan na nananakit ang likod ko kahit hindi naman.Ngayon ko naiintindihan si Maui sa pagiging pabebe nya dahil yun din ang ginagawa ko ngayon kay GARI.
"ANG MAGPABEBE"
Ako na ang mag isang naglakad papunta sa banyo at saka naligo.
Ayoko namang pati yun ay magpasama pa ako sa kanya.Baka naman mabatukan nya na ko sa pag iinarte ko."Ikaw naman ang maligo.May inilabas na akong white tshirt at pajama duon sa bathroom.May toothbrush at saka bagong undies na din duon para sayo._AKO.Lumabas akong naka pajama na at saka ko bitbit sa kama ang blower ko para mabilis matuyo ang hair ko.
"Salamat.Kundi lang nakakahiya,Hindi na sana ako maliligo.Naligo naman na kasi ako bago pumunta dito.
Pero mas okey na ding maligo para siguradong walang virus dito sa room mo.Sige,Maliligo lang muna ako saglit.Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka ha._Gari.Nagmamadali syang pumasok sa loob ng CR habang ako naman ay abala pa din pagpapatuyo ng basa kong buhok.Fresh na fresh at amoy sabong pampaligo si Gari ng lumabas mula sa banyo.Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag init ang pakiramdam ko pagkakita ko sa kanya.Lalo pa at suot nya ang bagong pajama na binili ko pa nuon sa Europa.Tapos white na tshirt na may kanipisan kaya aninag ko ng bahagya ang kanyang suot na bra.
"Tulungan na kitang magpatuyo nyang buhok mo.Para mabilis kang makatulog na._Gari.Saka sya sumampa sa kama at tumabi sa akin.Lalo tuloy akong nag init dahil sa pagdidikit ng aming mga braso.
"Ikaw din...Ako naman ang magpapatuyo ng buhok mo pagkatapos ko para maka tulog kana din ng maaga._AKO.
"Okey lang,Kaya ko naman kahit mag isa lang.Saka dun na lang ako sa Sofa matutulog para kumportable ka sa paghiga mo._Gari
"No!I mean dito ka na lang sa bed matulog kasi malaki naman itong kama ko.Hindi naman ako malikot matulog hindi ba kaya okey lang kahit magkatabi tayo.Ayoko namang dyan ka patilugin sa sofa,Para namang hindi tama yun._AKO.
"Uhmmmm...Okey.Kung yun ang gusto mo.Basta wag kang magrereklamo kapag napalakas ang paghilik ko ha.
Kasi alam mo na,Malakas ang AC nitong kwarto mo kaya siguradong mapapasarap ang pagtulog ko.hahahhaa._Gari.Nahawa ako sa malakas na pagtawa nya.Hindi ko man gustong magsinungaling at magpanggap na may sakit ako,Pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko ito dahil talaga namang napakasaya ko sa mga sandaling ito dahil kasama ko syang muli.
BINABASA MO ANG
" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXG
Roman d'amourStrict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...