Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Bakas sa mukha ni Aloha ang pagkabahala habang naglalakad papunta sa sasakyan nya.Saktong bubuksan nya na ng pinto ng driver seat ng bigla akong nagpakita sa kanya.Kaya naman muli nyang ibinalik sa bulsa nya ang susi ng kotse nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Gari? What are you doing here? Hindi ba ngayong gabi ang byahe mo pauwi sa inyo sa Bulacan? Bakit nandito kapa? _Aloha. Tumingin sya sa relo nya at saka lumapit sa akin.
"Hindi na muna ako umuwi sa amin.Kay Martha na muna ako makikitulog ngayong gabi. Gusto sana kitang makausap,Kung hindi ako nakaka abala sayo?_AKO
"Ganun ba,Mas okey siguro na dun na tayo mag usap sa mas malapit sa apartment ni Martha para hindi ka naman gabihin masyado.Lets go,Sumakay kana sa kotse ko para hindi tayo masyadong gabihin._Aloha.Pinagbuksan nya ako ng pinto sa tabi nya at saka naman sya umikot papunta sa drivers seat.
"Pasensya kana,Medyo nag alala lang ako sa nangyari sa inyo ni capt.Serrano.Hindi ko alam kung ano ba talaga ang punot dulo ng kaguluhan nyo pero base sa kwento ni Sir Jaime kasi ay ako nga daw ang dahilan._AKO.
"Wag kang masyadong mag alala tungkol duon.Maliit na usapin lang yun at maliit na di pagkakaintindihan.Maaayos din naman yun kaagad for sure._Aloha.Ngumiti sya sa akin ng bahagya.Sa totoo lang,hindi ako sanay na pareho kaming kaswal na ganito at hindi nya ako inaasar gaya ng palagi nyang ginagawa sa akin.
"Pero gusto ko pa ding malaman kung ano ba talaga ang dahilan bakit kayo nagka isyu ni Capt.Serrano.Totoo bang dahil sa akin kaya kayo nagtalong dalawa? Pero ano namang kinalaman mo dun,Dahil ba sa palagi mong pang aasar sa akin?Kinompronta kaba nya dahil duon?_AKO.Yun lang kasi ang nakikita ko dahilan para sila magkaroon ng komprontasyon.
"Hahahahha.Ano kaba,Hindi naman dahil duon noh.Napaka babaw namang isyu nun kung sakali diba? Siguro lang talaga,May mga bagay na kaming di gusto sa isa't isa kaya ganun.Actually,Matagal ko ng napapansin na hindi ako gustong kaibigan ni Capt.Serrano.Pero ayos lang naman sa akin dahil karapatan nya yun._Aloha.
"Pero hindi naman siguro aabot sa magkakapisikalan na kayo hindi ba? Kaya nga ikaw na muna ang kinausap ko para naman malaman ko ang panig mo sa kwento.Saka ko nanlang sya kakausapin kapag medyo kalmado na ang sitwasyon.Pero papano nga pala ang parents mo?Alam na ba nila?_AKO
"Hindi ko alam pero posible yung mangyari.Knowing my parents na madaming mata sa VAL,siguradong may alam na sila sa nangyari at wala naman akong magagawa dun._AJ
"Kapag nagkataon,Malamang na mapaalis ng VAL si Capt.Serrano dahil sa nangyari.Para namang nakaka konsensya na ako ang isa sa rason kaya sya mapapalis sa trabaho kaya sana maging maayos na ang lahat talaga._AKO
"Bakit,Sa palagay mo ba dahil ako ang kalaban nya kaya sya mapapatalsik ng VAL? Malulungkot kaba ng sobra kapag natanggal sya? Yun ba ang inaalala mo?_ AJ
"Hindi sa ganun.Kaya lang kung isa nga ako sa dahilan ng di nyo pagkakasundo,Normal lang naman na makaramdama ako ng guilt para sa kanya kung sakali.Lalo pa at isa syang single father kaya kailangan nya ng trabaho para sa anak nya._AKO
"Wag kang mag alala.May due process namang sinusunod ang VAL.Kung sino sa amin ang napatunayang may kasalanan,Hindi naman kaagad patatalsikin kundi bibigyan muna ng karampatang parusa at warning.Kaya hindi naman siguro kaagad agad mati terminate._Aloha.
"Mabuti naman kung ganun.Hayaan mo,kakausapin ko din si Capt.Serrano para naman mapaliwanagan sya.Baka sakaling pakinggan nya ako at mas mabuti na makapag usap kayo at magkasundo na lang para sa ikapapanatag ng lahat._AKO
"Willing naman akong makipag ayos.Basta dapat alam nya lang kung ano ang dapat para sa kanya.At dapat wala syang ibang taong gagamitin para sa pansarili nyang interes._Aloha.
Huminto kami sa tapat na ng mismong apartment ni Gucci.Gusto ko man syang ayain sa loob pero nahihiya din naman ako kay Martha dahil nakikitulog lang din naman ako sa kanya.
"Its okey,Hindi naman na din ako magtatagal dahil maaga ang flight ko bukas.Alam ko din namang may mga trabaho kayo at pagod kaya hindi na kita inabala pang dalhin sa kung saan.Salamat sa time,Atlis kahit papano may nakausap ako ngayon.Paki kamusta na lang ako kay Martha. _Aloha.
"Salamat din sa paghatid sa akin.Pasensya kana kung naabala kita.Mag iingat ka sa pag uwi.Salamat._AKO.
"Oiiii,Ano yun ha? Sosyal naman ng taga hatid mo,Naka Ferrari pa.Tama ba ko sa naiisip kong naghatid sayo,Si Aloha Villareal ba yun ha bespren?_Martha.Inantay na muna kasi ako ni AJ na pagbuksan ni Martha ng pinto saka sya umalis.
"Oo,Sya nga yun.Nag usap kasi kami kanina kaya hinatid na din nya ako dito ngayon._AKO
"Nag usap? May problema ba sa trabaho nyo?Kaya kaba dito nakikitulog ngayon kasi nga may problema?_Martha
"Hindi ko nga alam ano nga ba ang problema eh.Basta ang alam ko lang,May kinalaman sa akin.Kapag nakausap ko na si Capt.Serrano bukas baka maliwanagan ako.Hindi naman kasi inilaborate pa ni AJ ang nangyari eh._AKO.
"Ganun ba,So mukhang seryoso ang isyu dahil pati pala yung manliligaw mong binatang ama na si Serrano ay involve din._Martha
"Binatang ama talaga? OO silang dalawa ni AJ ang talagang sangkot sa problema.At ayoko namang isipin na dahil nga talaga sa akin kaya sila nagkaroon ng di pagkakaunawaan._AKO.
"Uhmmm...Parang ngayon talaga ay lumalabas na ang totoong motibo nyang manliligaw mo.Sa pagkakakilala ko kasi dyan kay Aloha,Base na din sa mga kwento nina Gucci at Katie sa akin.Super matulungin,malawak at marespetong tao yang si Capt.Aloha.As in never pa daw yang nasangkot sa kahit na anong kontrobersya.Kaya nakakapagtaka namang magkaroon ng ganyang problema ngayon._Martha.
"Sa palagay mo,Bakit sasabihin nina Capt.Bernardo at capt.Mariano na hindi naman daw nakakapagtaka na pag awayan ako nung dalawa?_AKO
"Hindi ko din masasagot yan.Silang dalawa lang ang nakakalam kung ano nga ba ang talagang totoong dahilan. Pero kung saka sakali man,Naniniwala akong may MALAKING DAHILAN si Capt.Aloha kaya hindi na nya napigilang di patulan yung si Serrano.Pupusta ako ng isang daang porsyento...SI Serrano ang nag umpisa ng gulo._Martha.
Ayoko mang kampihan si Aloha pero nararamdaman ko din na sya ang nasa katwiran.Kahit pa sabihing wala namang ipinakitang di maganda sa akin si Serrano...Iba pa din ang pakiramdam ko sa mga nangyari.Nararamdaman ko na sincere at nasa tama si ALOHA gaya ng sabi ni Martha.