56.GARI

789 38 3
                                    

Kaarawan ko naman ngayon at wala akong pasok kaya hindi na muna ako gumising ng maaga tulad ng nakasanayan ko na.Nararamdaman ko na ang init ng sikat ng araw mula sa bintana kaya napilitan na akong bumangon mula sa kama.Naka pajama at saka manipis na puting loose tshirt lang ako kapag matutulog madalas.
Kaagad akong dumiretso sa banyo para maghilamos at mag toothbrush ng mapansin ko na may mga matang nakatingin sa akin.

"Surprise!!! Happy happy Birthday MARGARITA!!!_Mula sa likod ng sofa ay nagsipag labasan ang mga taong pinagmulan ng pagbati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Surprise!!! Happy happy Birthday MARGARITA!!!_Mula sa likod ng sofa ay nagsipag labasan ang mga taong pinagmulan ng pagbati.at gulat na gulat ako sa kanilang lahat.Sila Inang,mga ate at tiya kasama si Berta na syang magdala ng cake at si...

"Aloha? What are you doing here?_AKO.Saka ako biglang pinamulahan ng mukha dahil naalala kong manipis na tshirt nga lang pala ang suot ko.Agad akong tumakbo pabalik sa room ko at naghagilap ng pang loob at saka nag ayos ng mukha kong may muta pa.

"Gari,Dalian mo na dyan at tunaw na itong kandila mo!
Nahiya kapa sa bisita mo.hahahaha._Ate Marie.

"Nariyan na ate,Sandali na lang!_AKO.Naglagay pa kasi ako ng pulbo at lipstick dahil napaka pale ng itsura ko kapag bagong gising.

"Anak,Maligayang bati sayo.I love you so much._Inang.
Niyakap nya ako at saka hinalikan.Kakatapos ko lang i blow yung cake ko.

"Ate Gari,Na surprise kaba? Si Kapitan ang nakaisip nito eh.Gusto ka daw nyang surpresahin kaya lahat kami kinasabwat nya.Nagustuhan mo ba?hahahha._Berta.

"Pati nga kami ni Ate Issa ay sinundo pa ni captain sa mga tinitirhan namin eh.Para daw maka sigurado syang pupunta talaga kami.Wala naman kaming kawala pareho dahil strict itong kapitan mo eh!_Ate Marie.Pansin ko na komportable si Ate Marie kausap si Aloha.Para bang matagal na silang magkakilala kung mag usap.

"Bunso,Happy Birthday.Grabeh,28 kana.Parang kelan lang eh uhuging bata kapa.hahahha.Just kidding.Anyways,Heres my gift fr you,Buksan mo na.Sana'y magustuhan mo._Ate Issay.Isang sikat na brand ng imported lingerei ang regalo nya sa akin.

Isang sikat na brand ng imported lingerei ang regalo nya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hahahaha.Para namang paghahanda na yan sa honeymoon sis!Atat kana din bang magkaroon na ng pamangkin kay Gari ha?_Ate Marie.Bigla naman akong nagblush sa biro ni Ate Marie lalo pa at nakatingin din pala sa akin si Aloha.

"Naku,Wag nyo ngang minamadali yang si Garina magka nobyo.Kayo nga dyan ang dapat mayroon ng mga anak ngayon.Kaso ay puro kayo trabaho kaya napaglipasan na ng panahon._Tiya Bering.Nanahimik naman yung dalawa at hindi na nakahirit.Pagdating kasi sa usaping pag aasawa ay tiklop ang bibig nilang dalawa na hindi ko din alam kung bakit.

"Bering! Inayos mo na ba ang mesa? Halina muna at tayo'y magsikain na at saka tayo sabay sabay na magsisimba.Halika na kayo mga anak.Margarita,Asikasuhin mong mabuti si Kapitan.syanga pala,Siya ang sumagot at nagpa ayos ng mga decoration mo dito sa bahay.Tapos pati ang catering mamaya pag uwi natin ay sya din ang namahala._Inang.Napasilip ako sa balkonahe at nakita ko nga na may mga nag aayos ng hardin para sa gaganaping kainan mamaya.

"Salamat sa lahat,Captain..Hindi ka na dapat nag abala pa ng husto.Sabi ko naman sayo ayos na ako sa simpleng salo salo lang eh._AKO.

"Pasensya kana.Nalaman kasi nila Nanay at Tatay na ngayon ang kaarawan mo kaya gusto daw nilang pumunta dito sa inyo.Naisip ko naman na para wag ka ng maabala pa at ma stress sa pagbisita nila mamaya,Nagpadala na lang ako ng magki cater sa handaan mo.Wag kang mag alala, Sinimplehan ko lang naman ang magiging party mo eh._Aloha.Napalingon ako sa pagdarausan ng party ko daw.

"Simple? Parang daig pa ang debut ng anak ng presidente yang pinagawa mo oh.May mga pa bulaklak pa at saka pailaw.Seryoso ka talaga na simple lang yan para sayo?_AKO.Napakamot sya ng ulo sa sinabi ko

"Actually,Hindi ko naman alam kung ano ang itsura ng simple talaga.Basta tumawag lang ako dun sa nirecommend sa akin ni Katie na kaibigan nyang events organizer at sila na daw ang bahala sa lahat._ALOH

"Sila na ang bahala kasi naman malaki ang ibabayad mo sa kanila.So papano na ngayon yan?Alangan namang palayasin ko yang mga yan diba.Since sabi mo nga na pati ang parents mo ay darating din today,Wala naman akong choice kundi ituloy na lang itong surpresa mong bonggang birthday celebration ko._AKO.

"Galit kaba? Kung ayaw mo ng set up nila pwede ko namang wag ng ipatuloy eh.Wala namang problema duon kapag sinabi mong ayaw mo,Di na natin itutuloy.Pwede namang sa labas na lang tayo kumain._ALOHA.Nahiya naman ako bigla dahil sa tono nya.Naisip ko na napaka walang hiya ko naman kung gagawin ko yun samantalang nag effort sya ng husto para lang masurpresa ako.

"Hindi naman ako galit,Inis siguro Oo.Pero at the same time ay natutuwa din ako dahil first time lang na may mangyayaring ganitong ka bonggang kasiyahan dito sa amin.Salamat sa mga ginawa mong tulong para magkaroon ako ng ganitong ka garbong handaan._AKO.

After naming mag almusal ay nagsipag gayak na kami para magsimba.Nakaupo lang sa sofa si Aloha ng madatnan ko syang nakatingin sa fone nya.Agad akong lumapit sa kanya para sabihin sanang dun na kami sa ibaba mag antay pero kausap pala nya sa fone tru vd call si Doktora

"Wait lang Gari,Sabay na tayong bumaba.Sige na doc,bukas na lang tayo ulit mag usap.bye!_Aloha.Napasimangot ako ng bahagya sa nadinig kong malambing na pagba bye sa kanya nung doktora.Halata naman kasing type na type sya ni girl kahit nuon pa.

"Sorry ha,Kinausap ko lang sandali si Doktora.Pinaaabot nya din nga pala ang pagbati.Sana daw ay mag enjoy ka sa party mo later on._Aloha.Ngumiti lang ako at saka kami bumaba na ng hagdan.Ilang saglit pa ay nagsipagbabaan na din sina Inang at ang mga ate.Nagpaiwan na si Tiya Bering para daw may bantay sa bahay.Mahirap nga din naman na walang tao sa bahay kapag naghanap yung mga event organizer ng kakausapin.

Napansin ko na gentleman pala si Aloha talaga.Daig nya pa ang tunay na lalaki sa pag aassist sa aming lahat.
Naka alalay din sya sa Inang habang naglalakad kami papunta ng simbahan.Madalas na nakangiti lang sya kapag pinagtitinginan sya ng mga tao dahil sa kaputian nya.Napagkakamalan syang artista dahil sa makinis nyang kutis at magandang pagdadala ng damit.In short...Pansinin at lilingunin talaga sya ng mga tao dahil aakalain nilang isang matinee idol ang kasama namin ngayon

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon