Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Kumpirmado!Isa nga sya sa kambal na anak ng mag asawang GD at Sally Villareal.Siya si Captain ALOHA JAZZ VILLAREAL a.k.a AJ ng VILLAREAL Group. At sya din ang pinaka sikat na youngest billionaire ng Forbes Magazine ngayong taon.Bukod pa duon ay sya din ang ambassador ng mga rich and famous lgbtq group dito sa bansa.Di lang sya basta mayaman kundi sikat na personalidad din.
"May mga grupo daw kasi syang tinutulungan talaga.Kaya madami ang nakakakilala sa kanya pagdating sa pagkakawang gawa.And takenote ha,Bukod sa natatangap nyang benipisyo sa VAL...Yung sinusweldo nya sa pagiging piloto nya yung pinaghahati hati nya sa mga foundation na tinutulungan nya.Kaya naman maganda din ang balik nun sa kanya._Gold.Pagkababa na pagla baba kasi namin ay kaagad naming ni research ang background ni Capt.AJ at hindi nga kami nagkamali,sya ang tagapagmana ng VAL.
"Teka,teka papano ako? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya gayung boss pala natin sya?_AKO.
"Ikaw naman kasi,Napaka suplada mo sa lahat.Kaya ka binabansagang OLDMAID eh,Wala kang pinapalagpas.Lahat tinatarayan mo.So,Papano ngayon yan...Alangan namang bigla ka na lang babait kapag kaharap mo si Captain Aj, Magtataka naman yun kasi masyado kang obvious._Gold.
"Ano ngang gagawin ko? Hindi naman pupwedeng ngitian ko na lang sya bigla tapos saka ako magsorry sa kanya. Para naman akong ewan nun.Haaaaisst! Ang mabuti pa ay iwasan ko na lang sya para hindi na lang kami magkausap o magkita diba?Mas okey yun para iwas gulo na din.Sigurado naman akong aasarin na naman ako nun pag nagkaharap kami eh._AKO.Nakakapagtakang ako lang naman ang palage nyang inaasar kapag nagkakasalubong kami.Samantalang sa iba naman ay madalas na ngiti lang bati nya.
"Para namang makakaiwas ka dun e nasa iisang mundo lang kayo.Ang planetang VAL!Kahit nga ang CEO na si Boss GD madalas nating makasalubong kapag nandito eh,Sya pa na kaparehas natin ang schedule madalas? Hahahhaa.Wala kang choice kundi magpakumbaba sa kanya.Goodluck na lang sayo noh!_Gold.Si Gold yung tipo na mapang asar na kaibigan at direct to the point kapag may gustong sabihin.Kaya siguro kami naging magkasundo dahil pareho kaming prangka.
"Papano ko naman gagawin yun aber? Hindi ko naman yata kayang magmukhang katawa tawa sa harap ng mga tao dito sa Val. Ano yun,Mag aabot ako ng flowers sa kanya at luluhod sabay sabing"SORRY sa mga nagawa ko sayo Captain"..._AKO
"Alam mo parang maganda yang idea mo na yan!Siguradong matutuwa sayo ang mga mataaas na tao sa VAL,kasi imaginin mo ha..E effort ka ng ganun para lang mag sorry.Perfect yan.Malamang mag viral pa yan sa social media! "Isang magandang dalagang FA ng VAL,Humingi ng tawad sa kanyang kapitan dahil sa kanyang pagtataray"... _Gold.Saka sya tumawa ng tumawa ng malaka sa akin.Sa inis ko sa kanya ay ihinagis ko ang hawak kong stocking.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Saktong umiwas naman sya at saka biglang bumukas ang pinto ng opisina.Swak na swak sa mukha nung pumasok.
"Ohhhh my gaaad,What the hell is this?_Maui.Nasa ulo nya pa din ang stocking na ibinato ko kay Gold.Mabilis ko namang inalis yun kaagad sa ulo nya at saka ihinagis sa ilalim ng mesa ko.
"Ooohhhh noo!I'm so sorry Madam.I mean Miss Maui pala. _AKO.Napatingin ako kay Gold at saka ko sya sinenyasan mamaya kami magtutuos.Nakatakip naman sa bibig nya si Gold na pilit pinipigilan ang sarili na tumawa.
"Akala ko kung ano na!Nagulat ako.Anyways,Mabuti at nandito ka na pala Gari,Hindi na ko mahihirapang maghanap pa.Halika,Samahan moko dali._Maui.Hinila nya ako sa braso kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya.Paglabas namin sa opisina ay mga nakatingin sa amin ang mga staff ng Val.
Isang kulay asul na kotse ang naka abang sa amin buhat sa harapan ng building.Mabilis na pinagbuksan ng driver nya si Maui at saka sumenyas sa akin na sa tabi nya ko maupo.Alanganin man ay sumakay na din ako sa kotse nya
"Teka lang Miss Maui,San po ba talaga tayo pupunta?_AKO
"Wow ha,Maka Miss Maui ka naman dyan wagas! Hindi naman ganyan ang tawagan natin dati ah.Remember nung nagmeet tayo sa apartment ni Martha,Super saya natin diba?_Maui
"Eh kasi naman,Hindi ko pa alam nuon na sa inyo pala ang VAL.Natural na normal lang ang treatment ko sayo before. _AKO
"Hahahaha.So ngayon alam mo na pala na isa akong Villareal?Pero parehas lang tayo,Kasi hindi ko din naman alam na FA ka pala sa VAL.Sana pala nuon pa tayo nagkakilala noh?_Maui.
"Papano mo nga pala nalaman na sa Val ako nagwowork? I mean,Sinabi ba sayo ni Marthena or ni Gucci?_AKO
"Naku hindi noh.Nanunuod kasi kami sa bahay nila Nanay at tatay ng awarding ceremony nina SKY and AJ.Nung una silang pinakilala sa VAL bilang mga bagong piloto.Tapos nakita kita na inawardan ka bilang BEST EMPLOYEE of the year.Tapos ayun,Kinunfirm ko nga kina Tatay GD kung ikaw nga yun kaya pinuntahan kaagad kita sa main office._Maui
"Tapos ano namang reaction ng parents mo nung nalaman nila na magkakilala tayo? Nagtaka ba sila?_AKO
"Syempre natuwa sila.Kasi meron daw pala akong mga matitinong mga kaibigan gaya nyo nila Katie at Marthy. Alam mo naman,May hindi ako magandang karanasan sa mga dating kaibigan.Kaya sila Nanay at tatay ay ingat na ingat na ngayon na magsasama ako kung kani kanino._Maui Naisip ko lang,Magkaibang magkaiba sila ng kapatid nya na si Capt.AJ.Halata kasing hardworking si Captain at madami pang tinutulungan.Unlike Maui na happy go lucky ang dating.
"Bata kapa naman,Normal lang sa mga ganyang edad ang mag enjoy with friends.Basta dapat may limitasyon.Bakit nga pala ako ang niyaya mo at hindi si Katie?_AKO.Mas close sila nuon at pareho silang anak mayaman kaya nagtataka ako na ako ang niyaya nya ngayon.
"Naku busy yun kay Gucci!Saka hindi naman yun madalas mag shopping gaya ko.Ang mommy nya ang umoorder ng mga damit nya from Paris kaya hindi yun tumatapak sa CK mall.Ikaw ba,Mahilig kang mag shopping?_Maui.Mahilig din ako mag shopping at bumili ng mga damit.Kasi naman ay kailangan ko din yun sa trabaho ko.
"Medyo.Pero hindi naman palagi.Kailangan ko din naman kasi sa trabaho lalo pa at matataas na tao palage ang kaharap ko.May mga meeting din kami na hindi naman kailangang naka uniporme lang palage.Pero hindi ako shoppaholic._AKO
"Well,Tamang tama kasi SALE ngayon sa CK mall.Madami tayong madidiscount for sure.Saka trip ko ding magpa Salon and body massage.Mabuti na lang at ikaw ang nakasama ko today.Im so happy!_Maui.Natawa naman ako sa reaction nya.Para syang bata na tuwang tuwa.Naisip ko na ganun pala kapag wala kang kapatid na makakasama,Ang boring ng life.Kasi nuong hindi pa busy sa mga trabaho nila ang mga ate ko at nasa kolehiyo pa lang ako,Madalas nila akong yayain magshopping kapag bagong sweldo sila sa trabaho.Ang saya kaya kapag may mga kapatid kang kasama mag malling.
Saka ko naisip bigla si AJ.Kasi naman ay magka iba ang trip nilang magkapatid kaya hindi nya maisama yun magshopping.