Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Liban sa mga opisyales ay wala ng nakaka alam sa mga nangyayari between me and capt.Serrano.Siguro kasi ay ayaw na ng mga nasa taas na magkaroon pa ng malaking isyu ang naganap sa party at sila sila na lang ang bahalang umayos sa lahat.Bagay na ipinagpapasalamat ko din naman dahil ayaw ko ng makaabot pa ito kay Tatay GD.
"Kinausap ako ng mga opisyales at sinabi sa akin na ayusin na lang daw natin ito.Tutal naman daw ay tayong dalawa ang nagsimula kaya dapat na tayo na din ang umayos at lumutas.Pero nangangamba ako na baka gawin mong dahilan yun para mapatalsik ako sa kumpanyang pag aari nyo._Capt.Serrano.Nilapitan nya ako habang nakatambay lang ako mag isa sa rooftop ng building ng Val.
"Alam mong hindi ko ugaling gamitin ang pagiging Villareal ko para magpatalsik ng tao.Dahil kung gusto kong gawin yun,Dapat ay nuon ko pa yun ginawa sayo._AKO.
"Well,Sabagay nga naman tama ka dun.Kasi nga kung ang pagbabasehan ay ang pagiging anak mo ng may ari... Baka nung una pa lang na nalaman mong manliligaw ako kay Miss Asuncion ay pinatanggal mo na ko sa kumpanya nyo. Alam naman nating pareho na type mo sya nuon pa pero naunahan kita._Eric.Napalingon ako sa kanya at saka sya nginisian.
"Bakit ba palagi mo na lang isinisingit sa usapan si Gari ha? Wala ka na bang ibang alam na gawin kundi mang gamit ng tao para sa pansarili mong interes?_AKO.
"Bakit sa palagay mo ba,Magugustuhan ka ni Gari kung sakali? Hindi ba't minsan na nyang nasabi sayo na "AYAW nya sa isang LESBIAN?Kaya naman kahit na gusto mo sya,Hindi mo magawang sabihin yun sa kanya kasi alam mong mari reject ka lang._Serrano.
"Kaya naman sinamantala mo ang pagkakataon na ligawan sya hindi ba? Kasi alam mong siya ang pinaka magaling at pinaka asset ng VAL.At kapag napasagot mo sya,mapapansin ka na din at makikilala ng management._AKO.Bahagya syang natigilan pero muli ding bumawi at ngumisi sa akin.
"Kung gusto kong gamitin lang si Miss Asuncion di na sana ako nagpakahirap na manligaw pa.Hindi naman pagiging stable lang sa trabaho ang pangarap ko eh,Kundi magkaroon din ng isang ina ang anak ko.Aaminin ko yun ang balak ko nuong una...Pero habang napapalapit ako kay Gari,Saka ko nari realize na worth it ang pangliligaw ko sa kanya.Infact,Na meet ko na ang Inang at mga kamag anak nya._Serrano.
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari ha? Bakit mo ba sa akin sinasabi ang mga yan? Labas na ako sa kung ano mang meron sa inyo ni Gari,Hindi kita pinakikialama sa panliligaw mo kaya wag mo din akong pinapakialaman._AKO
"Hahahaha.Kalma.Nandito ako hindi para makipag away. Nandito ako para warningan ka.Layuan mo si Gari hanggat maaari.Kasi habang nariyan ka at umeepal sa panliligaw ko sa kanya,Lalo syang natatagalan sa pagsagot nya sa akin.Nakaka distract ka sa relasyon namin.In ahort isa kang malaking sagabal._Serrano.Yung tono ng pananalita nya na gusto talaga nyang mapuno ako sa kanya at patulan ko sya.Para may dahilan syang magsumbong ulit sa management na ako ang nagsisimula palagi ng gulo kahit sya naman talaga.
"Hindi ko alam kung bakit ba masyadong bigdeal sayo ang presensya ko sa kung ano mang meron kayo ni Miss Asuncion.As far as i know,Labas ako sa usapang ligawan ninyo at wala akong pakialam sayo.At kung sakali mang totoo yang sinasabi mo na gusto ko nga talaga si Miss Asuncion,Wala ka na ding pakialam!_AKO.
"See? E di umamin ka nga na gustong gusto mo talaga sya at tama ako sa sinabi ko nuon na kaya mo sya palaging iniinis ay para MAGPAPANSIN sa kanya!Hahahhaa. Naaawa ako sayo kapitan.Kasi lihim kang nagmamahal sa babaeng ayaw sa tomboy.Alam mo bang sabi sa akin ng Inang ni Gari nung pumasyal ako sa kanila???...Gustong gusto na nga daw nyang magka apo._Serrano.
Minsan ko na ngang nadinig yan sa Inang ni Gari nuon. Masakit mang aminin pero wala talaga akong kalaban laban kay Serrano pagdating kay Gari.Bukod sa sinabi ni Gari nuon na ayaw nya sa lesbian,Hindi ko din sya kayang mabigyan ng anak.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Muli kong dinalaw si Snow white sa dati naming mansyon. Gaya ng dati ay malambing at masayahin pa din nya akong sinalubong pagbaba ko pa lang ng sasakyan.Mula kasi ng lumipat kami sa Kingsville ay hindi ko na sya madalas nakikita.Mabuti na lang at alagang alaga pa din sya dito ng mga katiwala.
"Aba'y napadalaw ka yata ng wala sa oras iha? Namiss mo bang bigla si Snow white o may problema ka?_Mang Billie. May edad na si Mang Billie pero malakas pa din.Katunayan ay halos sya lang ang nag aalaga sa mga halaman dito sa hardin.Tumatawag lang sya ng mamumutol ng mga sanga ng puno kapag lumalagpas na ang mga ito sa bakod na pader.
"Hahahhaa.Manong Billie talaga.Wala naman po akong problema.Namiss ko lang po talaga itong si Snow white kaya ako pumasyal dito._AKO
"Kasi nga ay ganyang ganyan din ang tatay GD mo nuong kasing edad mo sya.Kapag may tampuhan sila ng Nanay Sally mo ay dito sya naglalagi.Hindi naman kasi maiaalis na paminsan minsan ay may mga tampuhan talaga sa mga mag asawa,pero yun ang nagpapatibay ng pagsasama._Manong Billie.
"Kaya pala alam nyong pag nagpupunta dito ay mayroong problema.Kasi dito masarap tumambay eh!Bukod sa malawak ang kapaligiran,May aso pang maglalambing sayo._AKO
"Ganyan nga,Mag enjoy ka lang at tumawa.Pasasaan ba at makukuha mo din ang matamis na oo ng nililigawan mo. Basta magpaka totoo ka lang sa kanya at dyan sa sarili mo.Alam mo kasi minsan,May mga bagay tayong nasasabi na hindi naman talaga iyun ang gustong sabihin ng puso natin...Kaya wag kang matakot na buksan ang puso mo sa kanya.Dahil siguradong hindi magtatagal ay magiging maligaya ka sa piling nya._Manong Billie.
Nakakapagtaka na kahit wala naman akong sinasabi o naikukwento sa kanya ay parang alam nya ang nararamdaman ko.
"Wow naman po Mang Billie,Parang alam na alam nyo po ang nasa sa loob ko ah.May psykick power po ba kayo?_AKO.Natawa naman sya sa sinabi ko.
"Hahahahha.Wala naman iho.Nagkataon lang na ganyang ganyan din ang problema nuon ng tatay mo.TAKOT din sya nuong ipagtapat ang nararamdaman nya sa Nanay mo. Kaya nagtiis syang mamuhay mag isa duon sa Hawaii kahit na umaasa ang nanay mo na babalikan sya nito.
Kaya ng di na makatiis ang nanay mo sa kaduwagan ng tatay GD mo...Sya na ang nagkusang Inilapit ang sarili nya sa tatay mo.Kaya naman ngayon ay masaya pa din silang nagsasama bilang mag asawa._Manong Billie
Salamat sa pagmamahal ng Nanay Sally sa Tatay...Dahil hindi sya sumuko at talagang ipinaglaban nya ang pag ibig nya kahit pa naduwag na ang tatay nuon na muling balikan sya.