Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga pagpapapansin ni Aloha sa akin.Kundi nya ako dinadaan sa pagpapa cute nya ay palagi nya akong inaasar.Mabuti na lang at nakaka dala naman talaga ang kakyutan nya kaya napapa tawa nya naman ako palagi.
"Ibang klase din talaga yang si Aloha anoh? Aba'y dinadaan ka sa pagpapa pogi.Tignan mo naman kung gano sya ka down to earth kahit na napaka yamang ng pamilya.Sa sobrang humble...Kahit pawisan na sa pagtatanim ay sige pa din para lang magpa impress sayo! _Ate Marie.Kasalukuyan kasi syang tumutulong sa mga tauhan naming nagsisimula ng maglagay ng mga buto ng halamang itinatanim.Katatapos lang kasi ng anihan kaya muli na namang nagsisimula sa pagtatanim ng bagong buto.
"Ate,Hindi naman sya nagpapa impress sa akin.Talaga lang matulungin yang si Aloha sa mga tao.At saka isa pa,Hindi nya ko madadaan sa pagpapa pogi nya noh.Gwapo nga sya pero babae pa din._AKO.
"Ano namang problema kung babae din? Ang mahalaga nagkakasundo kayo at nagkakaintindihan.Wala naman sa gender ang sukatan ng pagiging tunay na lalaki...Nasa kung papano mo iginagalang at iniingatan ang taong mahal mo.Meron nga dyang mga lalaki nga pero BASTOS at WALANG RESPETO naman sa kapwa nya.E di mas okey na ko sa taong alam kong hindi ako pinababayaan at palaging inuuna ang kapakana at kaligayahan ko._Ate Marie.
"Wow naman ate ha,Parang may hugot ka yata tungkol sa mga lalaki.Kaya ba until now ay di kapa din nag aasawa kasi minsan ka ng nasaktan ng guy?_AKO.Ngayon ko lang makakausap si Ate Marie about sa personal nyang buhay. Gaya ng ate Issa nila ay malihim din kasi itong pangalawang ate nya.
"Hahahahah.Hindi naman.Bakit mo naman naisip yan. Hindi naman sa bitter or galit sa mga lalaki...Ang sa akin lang,Kapag nagmamahal tayo ng tapat.Hindi naman natin kailangang isa alang alang kaagad ang gender or preference ng taong mamahalin natin eh.Ang importante ay kung kanino tayo magiging maligaya._Ate Marie. Natigil kami sa pag uusap ng dumating sina Inang at ang tiya Bering na may mga dalang miryenda.
"Mga anak! Parine muna at magsipag kain na muna kayo dito.Maya maya lang ay mapapasabak na naman kayo nyan sa initan kaya maige ng may enerhiya kayo kahit papaano._Inang.Yung mga trabahador ang kinakausap ni Inang na agad din namang nagsilapitan sa kanila.Kabilang sina Aloha,Gucci at Zee na halata namang nag eenjoy sa ginagawa nila kahit mga pagod at pawisan na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Here,Magpunas kana muna ang pawis mo.Mukhang hirap na hirap ka na sa pagtatanim eh._AKO.Inabutan ko si Aloha ng towel.Actually,Nasa bahay pa sina Sky,Maui,Katie at Martha. Hindi na sila sumama dahil sila na lang daw ang maghahanda ng tanghalian namin.Boodle fight daw kasi ang gagawin nilang set up namin sa pananghalian.
"Salamat.Pero mas okey siguro kung pati yung likod ko mapupunasan.Sobra kasing basa na ng pawis yung bandang likod ko eh._ALoha.Tumalikod sya ng upo para magpapunas ng pawis nya pero hindi ko sya pinunasan sa likod.Ayoko kasing mabigyan ng kulay ang gagawin ko sa kanya kung sakali.Baka kung anong isipin nila Inang at Tya Bering.
"Sandali at tatawagin ko muna si Gucci para malagyan ka ng towel sa likod mo.Habang tinatawag ko sya,Inumin mo na muna itong juice mo._AKO.Mabilis akong lumapit kay Gucci at agad naman nyang nilagyan nga sa likod ng tuwalya si Aloha.Sya man ay nagpalagay na din kay Aloha ng towel sa likod.
"Hahahahha.Ano ba yan,Para kayong mga batang sakitin. Iba talaga kapag mga rich kid noh,Grabe pagpawisan kapag walang aircon!_Zee.Palibhasa ay sanay sa hirap si Zee kaya obviously,hindi nga nya kailangang palaging naka aircon.At kahit na pawisan din sya,Alam nya ang ikikilos pag nasa public place na gaya nito.
"Grabeh sya oh!Di naman kami ganun ni AJ.Pwede pa sina Sky at Maui OO.Naglambing lang si Aloha.Akala nya si Gari ang maglalagay ng towel sa likod nya.Hahaha!_Gucci Natawa kaming tatlo sa kanya na kakamot kamot dahil nga sa tablado sya sa akin.
"Pasensya na.Anyways,Baka gusto nyo ng bumalik na tayo sa bahay?Hindi naman natin kailangang mag stay pa ng matagal dito dahil maya maya lang ay mainit na ang sikat ng araw.Sina Inang at ang Ate na muna ang bahala sa kanila.Pwede na tayong bumalik sa bahay._AKO
"Pwede naman kung hindi nakakahiya sa mga kasama natin. Baka sabihin,Matapos makapag miryenda ay aalis na lang. _Aloha.
"Hindi naman kayo obligadong tapusin ang trabaho.May mga tauhan talagang gumagawa nun.Mas okey kung nasa bahay na tayo para naman hindi mainip yung mga nandun sa kaka antay sa inyo.Baka magwala na si Maui kapag di nya nakita kaagad si Zee._AKO.Namula naman si Zee bigla sa biro ko
"Hahahahha.Panyero,Kahit pala si Gari ay halatang halata na ded na ded kayo sa isa't isa ni Maui eh! Tama ka dyan Gari,Malamang na nagkakandahaba na ngayon ang leeg nun ni Maui kaka antay sa atin lalo na sa kanyang honeybunch.Yiieeeee!!!_Gucci.Napalingon ako kay AJ na nakikitawa din sa biruan namin.
"Gari ikaw ha,Ang lakas mo din palang mambully eh! Di bale,gaganti ako kapag ikaw naman ang nagka nobyo. Palagi ko din kayong pagti tripan.hahahha.Just kidding. Pero honestly,Mas okey na nga sigurong bumalik na tayo sa inyo Gari...Namimiss ko na talaga ang darling ko sa totoo lang!_Zee.
"Ayan tayo eh,Biro biruan lang...Sa kanya totohanan na!Ikaw na talaga Panyero!Hahahha.Pero sige na nga,lets go na din kasi namimiss ko na din ang babe ko._Gucci.(Si Katie naman ang babe na tinutukoy nya)
"Teka magpapalam na muna ako sa Inang ni Gari at sa Ate nya.Mauna na kayo dun at susunod ako._Aloha.Since nauna na kaming nagpaalam sa Inang na babalik na,Si AJ na lang ang mag isang lumapit kina Inang at Ate Marie para nga magpaalam.Habang si Tiya Bering naman ang kasabay nya sa paglalakad.
"So Gari,Hindi na nga pala natin need pang imbestigahan kung sino yung may ari nung kotse na sumusunod sayo kapag uuwi ka dito sa inyo.Kasi nga,Napag alaman namin na si AJ pala ang nag utos sa driver nya palagi kang sundan pauwi para masigurado na safe ka.Pero dahil baka daw magalit ka kaya hindi nya na lang ipina alam sayo. _Gucci.Saka ako biglang nagulat.Si AJ pala yung nagpapasunod sa akin ng kotse nya dun sa driver nya? Pero bakit? Bakit nya kailangang gawin yun?