Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Totoo nga pala ang kasabihang pinaka maganda ang isang babae sa araw ng kanyang kasal.Kakaiba kasi ang glow ng kanyang mga mata at lalong tumingkad ang kanyang kagandahan sa puting trahe de boda.Ganyang ganyan ang nakikita at nararamdaman ko ngayon,habang naglalakad sa altar papalapit sa akin ang pinakakamahal kong si MARGARITA.
"Kayo ay pinag isa ng Panginoon,Bilang mag asawa.Gayun din ng batas,Kayo ay legal ng mag asawa ngayon at naway pagtibayin ng panahon ang inyong pagsasama ng panghabambuhay.Congratulations and best wishes to the both of you"_Atty.Delgado.Mayor at the same time ay isang abogado si Mayor dito sa Maui Hawaii kung saan kami ikinasal ni Gari ngayon.Masigabong palakpakan naman ang hatid ng lahat ng mga sumaksi sa araw ng pag iisang dibdib namin ni Gari.
"Salamat po Mayor.Salamat po sa pagpayag nyo na kayo mismo ang magkasal sa amin kahit na alam naming busy kayo masyado sa paglilingkod nyo sa inyong nasasakupan._AKO.Dito sa Maui namin napagkasunduan ni Gari na magpakasal at isilang ang magiging anak namin para maging dual citizen ding gaya ko ang asawa't magiging anak ko.
"Walang anuman.Karangalan para sa akin na ako ang magkasal sa inyo.Salamat din sa tiwala.Basta kapag may kailangan kayo,Wag kayong mahiya sa aking magsabi ha. Nakahanda ako para kayo ay tulungan._Mayor Delgado.Malaki daw kasi ang utang na loob nya kay Tatay GD.Isa kasi si Tatay sa mga tumulong sa kanya sa pangangampanya nuon nung nandito pa kami sa Hawaii.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Salamat po Mayor.Hinding hindi po namin kayo makakalimutan ni Aloha.Thank you po sa pagpayag nyo na maikasal kami._Gari.Kami pa lang kasi ang kauna unahang member ng LGBTQ na inakasal nya kaya sobra kaming nagpapasalamat sa kanya.
Maya maya pa ay nagsilapitan na din sa amin ang aming mga kapamilya,kamag anak at mga kaibigan para bumati.Walang pagsidlan ang kaligayahan naming dalawa ni Gari dahil sa wakas ay ganap at legal na kaming mag asawa.
"Masayang masaya ako para sa inyong dalawa mga anak. Binabati ko kayo ng maligayang pag iisang dibdib at nawa'y matiwasay kayong magsama ng habambuhay.Wala na akong mahihiling pa sa inyo kundi ang bigyan nyo lang ako ng APO.Alam ko naman kung gano nyo kamahal ang isa't isa kaya hindi ako nag aalinlangan sa inyong pagsasama. Alam kong nasa mabuting kamay ang aking bunsong anak na si Gari sa piling mo Aloha.Pakamahalin mo sya at ganun ka din kay Aloha anak.Magmahalan kayo habambuhay._Inang. Hindi tuloy mapigilang di maiyak ni Gari sa sinabi ng kanyang Inang.Inabutan ko sya ng panyo para punasan nya ang kanyang luha.
"Ako man ay masayang masaya din ngayon araw na ito dahil sa wakas,Nag asawa na din ang junior ko.(Nagtawanan ang lahat sa pagbibiro ni Tatay na ako ang junior nya).Alam nyo kasi yang si AJ,Napaka pihikan nyan sa babae talaga.Ni hindi ko nga naalalang nagka crush yan nung nasa high school eh.Kaya nung malaman ko na may gusto nga daw sya sa isa sa FA ng VAL,Aba'y laking tuwa ko talaga.Lalo pa at isa si Gari sa talaga namang ipinagmamalaking FA ng aming kumpanya.Pareho silang karapat dapat dahil nakikita ko kung gaano nila kamahal at nirerespeto ang isa't isa. Hanga ako sa laki ng pagmamahal ni AJ sa asawa nya at nakikita ko din ang matinding pagmamahal at pag aalagang ibinibigay ni Gari sa kanya.Kaya naman bilang isang magulang ay masayang masaya ako para sa inyong dalawa and Congratulations sa inyo,Aloha and Gari!_Tatay GD. Naiiyak din si Tatay habang nagsasalita.Siguro ay labis labis din ang tuwa na nadarama nyang gaya namin ni Gari ngayon.Maging ang nanay Sally ay nagpahid din ng luha sa mata nya at saka yumakap ng mahigpit sa akin.
Sa lahat yata ng naging kasalang naganap sa inyo,Dito ako mas naiyak.Ano ba!hahahaha. Pero seriously Kapitan, Sobra akong happy na sa wakas,Mag asawa na kayo ni Gari talaga.Bilang bff mo AJ,Wala naman akong ibang hangad kundi ang mahanap mo na yung taong magpapasaya sayo at mag aalaga sayo.And i know that Gari is the one for you talaga.Nakita ko kung gaano nyo ipinaglaban ang isat isa.Kung paano nyo ipinadarama sa isat isa kung gano nyo kamahal ang isat isa and i swear,Kinaiingitan ko talaga kayo nuon.Kasi ang smooth at ang perfect ng relationship nyo.Until i met my darling Martha,Saka ko nalaman na totoo nga palang may forever talaga para sa ating lahat._Skyler.Hindi din naman nagpatalo ang team SKYMART at sila din ay nagkiss sa harap ng mga tao na parang bagong kasal.
"Salamat po sa inyong lahat...Mula po sa aming dalawa ni Aloha.Sobra po kaming blessed hindi lamang dahil sa kaming dalawa ang nagkatuluyan kundi blessing din po sa amin ang pagkakaroon ng mga kapamilya at mga kaibigang gaya nyo na tinanggap kami at minahal sa kabila ng lahat.Madalas po naming madinig sa inyo na napaka perfect naming couple.Pero sa totoo lang po,Hindi kami perfect talaga.Madami din po kaming hindi napagkakasunduan.Pero ang mahalaga po ay handa kaming umunawa at makinig sa isat isa palagi.Madalas din po kaming mag away,Magselos at magtampuhan.Pero dahil sa pagmamahl namin sa isat isa,Hindi po kami nagpaladala sa galit at PRIDE.Palagi pong bukas ang puso namin para umunawa at pagpapatawad.At talagang napaka palad ko po sa pagkakaroon ng isang ALOHA JAZZ VILLAREAL sa aking buhay dahil palagi nya po akong binubusog sa PAGMAMAHAL nya.Kaya naman ganun na lang din kalaki ang PAGMAMAHAL na ibinibigay at ipinadadama ko sa kanya.Sobra din po akong nagpapasalamat sa Pamilya Villareal lalong lalo na po kina Boss GD at Madam Sally sa pagtanggap nila sa akin at pagturing na parang anak na din nila.Napapasalama din po ako sa aking Inang at mga kapatid sa pagmamahal nya sa aming dalawa ni AJ.Sa inyo pong lahat, Maraming maraming salamat po._Gari.Malakas na palakpakan at saka sigawan ang sagot sa amin ng lahat ng sumaksi sa aming kasalanan ni Gari.
Matapos ang engrandeng kasalanan ay dumiretso na kaming lahat sa reception.Magarbo at memorable ang kasal na ihinanda ko para sa kasal namin ni Gari.Wala akong hindi gagawin para sa kanya.Si Gari ang pumuno sa puso kong nangungulila sa tunay na pagmamahal. Si Gari ang babaeng kauna unahang nagpatibok ng puso ko. Sya ang lahat lahat sa akin kaya naman sumusumpa ako sa Diyos at sa lahat ng mga taong nakasaksi sa pagmamahalan namin na pakamamahalin ko sya ng pang habambuhay.
Si MARGARITA ASUNCION VILLAREAL,Ang OLDMAID,masunget at NBSB na FA ng VAL ay pangakong pakamamahalin ko ng panghabambuhay.Sya lang at wala ng iba pa.
END.
*WATCH OUT FOR THE 3RD GENERATION OF THE BILLIONAIRE HEIRESSES*