29.GARI

696 28 2
                                    

Balik trabaho na naman kami after ng weekends with the family

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Balik trabaho na naman kami after ng weekends with the family.Masayang masaya si Gold dahil may dalawang araw syang pahinga at nakasama nya pa ang pamilya ng ng dalawang araw na straight.Madalas kasi na kapag sabado at linggo ay may naka schedule pa din kaming flight.

"Hoy bru!Madami kang kailangang ipaliwanag sa akin ha.
Sikat na sikat ka na day!Nasa magazine ang beauty mo kasama ang pinaka sikat na lesbyana ng taon na si ALOHA JAZZ VILLAREAL!Grabeh,Wala akong kamalay malay na kayo na pala!_Gold.Nasa loob kami ng eroplano at kasalukuyang nagta trabaho kaya hindi ko sya basta basta masagot sa pang iinis nya.Tamang smile pa din ako sa mga pasahero.

"Gold,Hinaan mo lang yang boses mo at nakakahiya sa mga pasahero.Kahit di tayo naiintindihan ng mga yan ay dapat tayong mag focus lang sa kanila.Baka mamaya,Masabihan tayong sila ang pinag uusapan natin._AKO.
May limang Japanese businessman kasi kaming inaassist ngayon sa business class trip.

"Hindi naman tayo naiintindihan ng mga yan kaya hayaan mo lang sila.Ano ba talaga ang nangyari,Bakit bigla naman yatang umamin si Kapitan na kayo na nga daw?_Gold

"Hindi naman talaga totoong kami ni Captain Aloha.Kunwari lang para hindi na sya kulitin nung Doktorang iniiwasan nya dun sa party.Mula pa daw kasi ng dumating yun,Hindi na sya pinakawalan at sige ang kapit sa kanya.Para makaiwas na din sa pamimilit nung girl na ihatid daw sya sa condo nito._AKO

"Ayun naman pala!So ibig sabihin...Ginamit ka lang ni Kapitan para maka iwas dun sa babaitang sawa! Hahahaha
Iba din noh?Di ko alam na may pagka user pala itong kapitan natin.Pero papano na yan,Ano ng mangyayari sa inyo nyan?_Gold.

"Siguro naman gagawan nya ng paraan para maging maayos ang lahat.Kasi hindi ko na din alam kung ano bang gagawin ko.Sukat ba namang kanina pagpasok ko pa lang sa airport ay may mga naka abang na palang reporters sa akin.At gusto daw akong interview hin regarding dun sa lumabas na isyu tungkol sa amin ni AJ._AKO

"Naks naman oh!AJ lang talaga ang tawag mo ngayon nyan kay kapitan ha.Ibang klase ka din eh.Sanggang dikit naba talaga kayo ng mga VILLAREAL ha?
Pero teka,Gaya nga ng sabi mo...Papano na yan,Wala bang gagawing paraan si Captain Aloha para maliwanagan ang isyu?_Gold.Yan nga din ang gusto ko sanang malaman kay AJ pero since magkaiba kami ng skedule kaya hindi ko alam ang plano nya

"Sanggang dikit ka dyan.Wag ka ngang maingay at baka madinig ka ng iba at kung ano pang isipin.Baka sabihin, Sumisipsip ako sa mga Bosses natin kaya ako nagkaka award taon taon.
Basta wala pa akong balita kay Captain Aloha regarding that issue pero siguro naman gagawan nya yun ng paraan.
_AKO

"Dapat lang noh!Baka mamaya nyan,Maniwala pa yung iba na meron ngang kayo at hindi kana ligawan.Sayang naman ang oportunidad diba?_Gold.Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya

"Anong sayang ang opurtunidad,At saka anong manliligaw?_AKO

"Kasi nga ganito yun...Hindi bat restday nga natin ng dalawang araw?Tapos kahapon,Namasyal kami ng mga anak ko at asawa sa SALLYDANE PARK.Tapos nakasalubong ko duon si Captain Serrano.Kaya nagkwentuhan kami saglit._Gold

"Sa Sallydane mismo?Hindi ba't pang pamilya lang yun at para sa mga bata?Bakit daw sya nanduon?_AKO

K
"Pampamilya at pang bata nga.Kaya kasama nya duon yung anak nya at saka isang yaya.Grabeh,Ang gwapo pala talaga ni Captain Serrano lalo na sa malapitan noh?_Gold

"Teka...Ano kamo,May anak na si Captain Serrano?
Parang ang bata naman nyang nag asawa pala.At saka hindi ko alam na may asawa na pala sya._AKO.Si Captain Serrano ay gwapo at makisig na piloto talaga.Kasing edad nya sina SKY AT ALOHA at kasabayan din ng pumasok dito sa VAL.

"Actually,Wala naman talaga syang asawa.Girlfriend meron pero namatay pagkasilang dun sa anak nila.Tapos sya na yung mag isang nagtaguyod dun sa baby nila since then.
_Gold.Bukod sa bata pa sya ay madami ding nagpaparamdam sa kanyang FA dahil sa taglay nyang kagwapuhan.
Para syang korean OPPA dahil sa singkit nyang mga mata.

"Ganun ba...Mahirap ang single father ah,Buti magaling syang magdala.Hindi halatang may anak na sya eh._AKO

"At ito na nga ang highlight ng pag uusap namin...
Nag ask sya sa akin kung may nobyo kana daw.Gusto daw kasi sana nyang manligaw sayo._Gold.

"Manliligaw sa akin?Pero bakit ako?Mas matanda ako sa kanya at saka wala pa akong balak sa mga ganyang bagay.
Busy ako sa trabaho ko._AKO

"Asus!Ano ba namang busy ka ha?Umaarte kapa dyan na parang isang dalagang pilipina yeah!Chance mo na kaya ito para magka jowa kana.Wag ka ng mag inarte,Ang gwapo kaya ni Serrano.Saka mapagmahal sa anak kaya im sure mapagmahal ding boyfriend yun._GOLD

"Hindi naman sa umaarte.Alangan nga kasi kami dahil mas bata sya.Saka para namang wala akong napapansin na gusto nya ko kapag nagkikita kami at nagkakasalubong.Baka naman hindi ako yung tinutukoy nya._AKO.Madami din naman kasing mga batang FA sa VAL kaya baka nagkamali lang si Gold ng dinig.

"Iisa lang naman ang MARGARITA ASUNCION dito sa VAL diba?
Saka age doesnt matter naman ah!Kahit nga kay captain Aloha hindi ka naman alangan eh.Kaya nga sa lalong madaling panahon,Kausapin mo na yang si Captain Villareal na bawiin na yung sinabi nyang mag jowa kayo.
Para naman mabigyan mo ng chance yung mga gustong manligaw talaga sayo.Malapit ka ng mag 28.Mahirap ng manganak kapag nasa 30's na kaya dapat ngayon pa lang naghahanda kana._Gold

"Lukaret ka talaga!Ni hindi pa nga nakakapag usap tapos panganganak na kaagad yang hirit mo?Kaloka ka!
Hayaan mo at pag iisipan ko yang sinasabi mo.Basta ang mahalaga sa akin ay package deal kami ng nanay ko.
Kapag tinanggihan sya ng Inang,Ayoko din sa kanya.
_AKO

"Pero malay mo naman kung magustuhan din sya ng Inang mo diba? Kita mo,Kahit napaka suplada mo sa lahat,May nagkakamali pa ding ligawan ka.hahahha.Kung sakali,Parehong bigatin ang magiging magkaribal dyan sa puso mo...Isang single daddy pilot at isang billionaire daughter na lesbiana ng taon!_Gold.

"Sira ka talaga.Pati si Captain Aloha dinadamay mo pa dyan sa kalokohan mo.Hindi naman nanliligaw si Captain Aloha sa akin ah?_AKO

"Hindi nga nanliligaw kasi kayo na daw!hahahha.Joke.
Ano namang malay natin,Baka totohanin nya na yung sinabi nya sa mga tao na ikaw ang girlfriend nya diba?
Pag nagkataon,Parang bumangga sa pader si SERRANO nyan.
Mahirap banggain ang karibal nya sayo eh._Gold.

"Imposible yang sinasabi mo.Hindi magkaka gusto sa akin yun.Malabo._AKO.Pero bakit parang habang sinasabi ko yun ay nakakaramdam ako ng lungkot.haaaist! Gari naman,Wag ka ngang ILUSYUNADA.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon