Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Saktong nakabalik na kami ng bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.Pumasok kaagad ako ng kwarto ko para magpalit ng damit.Nagsipag habulan at nagsipag gulungan kasi kanina sa damuhan kaya need kong mag shower at magpalit kaagad ng damit.Pagpasok ko sa banyo ay nabungaran ko kaagad yung puting tuwalya na ginamit nuon ni Aloha.Napatingin ako sa salamin na parang gusto ng maiyak.Aaminin ko na namimiss ko na talaga sya ng sobra.
"Sis,Pwede bang pumasok? Dito ako matutulog ngayong gabi okey lang ba?_Ate Marie.Mula sa labas ng kwarto ay dinig ko ang pagtawag nya dahil hindi ko naman isinara ang pinto sa banyo.
"Okey lang Ate,Matatapos na din ako dito.Saglit na lang._AKO.Matapos kong mag shower at magbihis ng pantulog ay kaagad akong tumabi sa kanya sa kama.Nakatalikod sya sa akin kaya akala ko ay nakatulog na sya pero hindi pala.Nadinig ko ang mahinang hikbi mula sa kanya.
"Ate? Ate Marie,Umiiyak kaba? Anong nangyari sayo,Bakit ka umiiyak dyan? Tell me,Ano ang problema mo.Makikinig ako sayo.Promise,Hindi ko sasabihin kahit na kanino yang iniiyakan mo.Swear to God!_AKO.Saka sya humarap sa akin na obviously ay umiiyak nga talaga.
"Gari...Gari please mangako ka na hindi moko lalayuan. Hindi ka mandidiri sa ate.Mangako ka na iintindihin mo ko at hindi huhusgahan._Ate Marie.Napakunot ang nuo ko pero tumango tango ako at niyakap sya.
"Promise ate Marie.Kung ano man ang madidinig ko mula sayo ngayon,Hindi kita ij judge lalong hindi pandidirihan.Ate,Magkapatid tayo hindi ba? At walang magkaka pamilyang nagtatakwilan at naghuhusgahan kahit pa gano pa sya kasama o kahit na ano pa ang yong naging nagkamali._AKO.
"Natatandaan mo ba si Doctor Ayen Sarmiento? Kaibigang matalik sya ng pamilya ng pinagta trabahuhan mo.Isa sya sa mga pinagkakatiwalaang doktor ng pamilya VILLAREAL. Actually,Later ko na lang din nalaman yun dahil sa ipinakilala nya nga sa akin si AJ na nagkataong kaibigan mo naman._Ate Marie.Hindi ako nagsalita kaagad pero gusto ko na sanang sabihin sa kanya na hindi lang sya basta kaibigan ni AJ.Pero syempre hindi ko naman masasabi yun.Kaya mas pinili ko nalang na hindi yun sabihin.
"Si Doc.Ayen ng Guillermo Gen? Ohhh yes i know her. Uu at totoo ngang family friend nila ang pamilya Villareal.At tama ka nga,Close silang dalawa ni AJ. I mean ni captain Villareal pala._AKO.
"Inamin sa akin ni Ayen na before daw talaga ay sobrang iniyakan nya si Aj.Pero hindi na ngayon syempre.As in super close lang talaga sila kaya may mga makikitid ang utak na binibigyan ng malisya ang closeness nila. Iba na si Ayen ngayon unlike before.Napaka liberated at party goer talaga sya nuong una at alam kong napakahirap para sa kanyang baguhin ang sarili nya sa isang iglap lang.Pero lahat yun ay kinaya nya at lahat ay sinakripsiyo nya para maging karapat dapat._Ate Marie.Hindi ko alam kung para saan ang pinag uusapan namin ng Ate.Para kasing bini build up nya ng husto si Ayen.
"Baka naman kasi totoo.Ano namang malay natin sa mga ginagawa nila hindi ba.Wala naman tayo sa harapan nila kaya hindi natin mababantayan ang mga kilos at galaw nila.Pero knowing her na talagang flirt nuon pa,Posibleng hanggang ngayon ay ganun pa din yun._AKO. Saka ako napatahimik.Kasi naman ay napaka judgemental ko
"Hindi...Ibang Ayen ang nakikita ko sa kanya ngayon. Believe me Gari,Sobra syang nagbago talaga.Pati sa pananamit nya,Pagkilos nya at saka the way ng pagtrato nya sa kapwa...As in super nice syang tao.Nadiskubre ko din na Wala syang gustong gawin kundi tumulong.Kahit halos wala na syang kinikita sa pang gagamot,basta masaya syang nakakatulong sa kapwa.Maybe what you see is just an image but not what she really are._Ate Marie
"Ate Marie...Will you please tell me na kung ano ang dahilan ng pag iyak mo? Ayoko ng pag usapan pa natin sya okey lang ba? Nawawala na kasi tayo sa totoong topic eh._AKO.Ayoko na din namang madinig pa ang tungkol sa kanya kaya gusto kong ibahin na ang topic
"Sinasabi ko ito lahat sayo dahil may kaugnayan ang lahat ng yun sa problema ko.Actually,Hindi ko sana sasabihin to sayo pero ang bigat na kasi eh.Parang sasabog na lang sya any moment kaya i need to spill it out kaysa mas lalo pang lumala ang sitwasyon._Ate Marie
"What do you mean na kasama sa pino problema mo si Ayen? Anong kaugnayan nya sa pag iyak mo ngayon? _AKO.Kinakabahan man ay gusto ko din syempreng malaman ang problema talaga.Posible bang may kinalaman sa amin ni Aj ang pino problema ngayon ng Ate?
"Diba sabi ko nga sayo,Na kailangan ko ng pang unawa at pagtanggap mo.Gari,I need you to understand me.To support me.Ngayon ko kailangan ng taong mapagsasabihan ng nararamdaman ko.Kasi kapag hindi ko to nailabas,Baka masiraan na ko ng bait sa sobra kong pag iisip.Its so hard.Napakahirap magtago ng totoong ako Gari._Ate Marie
"Ate,Hindi mo naman kailangang sarilinin lang ang problema.Nandito kaming mga kapamilya mo para damayan ka.Para pakinggan ka.Kung ano man yang bumabagabag sayo, dapat mong ilabas yan at wag kimkimin.Baka magkasakit kapa nyan eh._AKO.
"GARI...Isa akong closet LESBIAN.Matagal na kong ganito pero hindi ko maamin amin sa inyo dahil alam kong madidissapoint ang Inang sa akin.Alam ko naman na sya ang unang unang masasaktan kapa nalaman nyang tomboy ang anak nya.Kaya nag decide akong bumili ng sarili kong condo.Kasi ayokong makita nya akong kakaiba kaysa sa karaniwang babae.Una sa lahat,Ayokong makita ang Inang na malulungkot dahil failure ang isa sa babaeng anak nya._Ate Marie.Kahit ako ay nabigla sa revelation ng Ate Marie.Kasi naman ay wala akong idea na lesbian pala sya. Magaling magdala ng damit ang Ate Marie.Palagi syang naka dress at saka pino ang kilos kaya wala kang mababanaag na kaunting kilos nya na isa pala syang lesbian.
"Ate...Wala namang kaso sa akin kung lesbian ka.Tatanggapin kita kahit na anong gender at kahit na ano kapa kasi ate kita at mahal na mahal kita.Walang magbabago dun.At naiintindihan ko yang nararamdaman mo. Mahirap talaga para sa Inang kung sakaling ipaalam mo sa kanya na lesbian ka,Pero sa palagay ko naman ay matatanggap din nya yun eventually.Mas mahirap kasi kapag itinago mo lang yan at hindi mo inilabas ang totoong ikaw.Mahihirapan kang maging masaya._AKO.Muli ko na namang naalala si AJ.Nararamdaman ko yung pakiramdam ni Ate Marie ngayon kasi nga ay ganyan din ang nararamdaman ko sa relasyon namin ni AJ ngayon.